PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

WINNER’s Song Min Ho convicted of violating military service law

Song Min Ho: "I regret it and am reflecting on my actions."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Just now
WINNER's Song Min Ho apologizes to fans after being convicted of violating South Korea's Military Service Act over missed service days.
WINNER's Song Min Ho apologizes to fans after being convicted of violating South Korea's Military Service Act over missed service days.
PHOTO/S: Song Min Ho on Instagram

Nahaharap sa prison sentence si Song Min Ho, miyembro ng K-pop boy group na WINNER, matapos siyang mapatunayang guilty sa paglabag sa Military Service Act ng South Korea.

Nitong Huwebes, October 1, 2026, hinatulan ng Seoul Western District Court's Criminal Division 10 si Song Min Ho ng isang taong pagkakakulong at dalawang taong suspension.

WINNER’s Song Min Ho asks for second chance amid possible prison term
Photo/s: Screengrab on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang hatol ay may kaugnayan sa 102 araw na hindi awtorisadong pagliban ni Song Min Ho sa serbisyo bilang social service worker.

Noong March 24, 2023, hanggang December 23, 2024, nang magsilbi si Song Min Ho sa mandatory military service.

Humigit-kumulang 430 araw ang kailangan niyang bunuin sa serbisyo, na hindi naisakatuparan dahil sa kanyang mga pagliban.

Read: Song Min Ho asks for second chance amid possible prison term

Nauna nang iginiit ng kanyang panig na nakararanas umano siya noon ng ilang health issues, kabilang ang depression, panic disorder, at iba pang physical conditions.

Ito raw ang mga dahilan kung bakit kinailangang lumiban si Song Min Ho ng ilang araw sa kanyang military service.

Bagay na mariing pinabulaanan ng Dispatch.

Ayon sa nakuha nilang impormasyon, madalas sa mga araw na lumiban si Song Min Ho ay naiispatan daw itong nakikipag-party at nagka-camping trips kasama ang ilang kaibigan.

Read: Patrick Garcia clarifies his family was never against Jennylyn

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ito ng mga impormasyong masusing sinuri kaugnay ng imbestigasyon.

Sa paghatol, iginiit ng korte ang kahalagahan ng pagtupad sa military service bilang tungkulin ng mga lalaking mamamayan ng South Korea.

Ayon sa court ruling (base sa English translation ng The Korea Herald): "Military service is a duty to ensure the security and existence of the state and must be faithfully fulfilled.

“Social service agents are no exception.”

Gayunman, isinaalang-alang din ng korte ang pag-amin ni Song Min Ho sa kanyang pagkakamali at ang pagpapahayag nito ng pagsisisi.

Binanggit din ng korte ang kanyang health condition bilang isa sa mga konsiderasyon sa paghatol.

Song Min Ho apologizes to fans, vows to fulfill military service

Bago ang pagdinig, nagpahayag ng pagsisisi si Song Min Ho, kalakip ang paghingi niya ng paumanhin sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya

Aniya, alam niyang hindi maaaring maging dahilan o katuwiran ang kanyang mental health para sa ginawa niyang pagkakamali.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pahayag ni Song Min Ho: "I regret it and am reflecting on my actions. I am sorry to my fans as well.

"I know that my depression and panic disorder are not an excuse or justification for this illness."

Read: Nikka Garcia stands by Patrick amid Jennylyn Mercado backlash

Sinabi rin ni Song Min Ho na sa oras na matapos ang kanyang sentensiya ay nakahanda siyang pumasok muli sa military service, para bunuin at pagbayaran ang mga araw na kanyang niliban.

Samantala, bukod kay Song Min Ho, hinatulan din ng sampung buwang pagkakakulong at suspension sa loob ng dalawang taon ang nagsilbing service supervisor ng WINNER member.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
WINNER's Song Min Ho apologizes to fans after being convicted of violating South Korea's Military Service Act over missed service days.
PHOTO/S: Song Min Ho on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results