PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nikka Garcia stands by Patrick amid Jennylyn Mercado backlash

Nikka Garcia praises her husband, Patrick, as a loving husband and father.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Just now
Nikka Garcia stands by Patrick amid Jennylyn Mercado backlash
Nikka Garcia (left) shares why she is grateful to have married Patrick Garcia (center), following his revelations about his past with Jennylyn Mercado (right).
PHOTO/S: Nikka Garcia/Jennylyn Mercado on Instagram

Nagpahayag si Nikka Martinez-Garcia ng suporta sa kanyang asawang si Patrick Garcia, kasunod ng matinding batikos na natanggap ng aktor matapos nitong magsalita tungkol sa nakaraan nila ng dating kasintahang si Jennylyn Mercado.

Ani Nikka, isang mapagmahal, mapagkalinga, masipag, at mabuting asawa at ama ang kanyang mister na si Patrick.

Kaya naman ipinagpapasalamat daw niya na nakilala niya ito at napangasawa.

Nikka Garcia stands by Patrick amid Jennylyn Mercado backlash
Nikka Garcia and Patrick Garcia.
Photo/s: Nikka Garcia on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa sa kanyang Instagram Stories noong September 29, 2026: "I won in this life. I fell in love with a good man, and I’ll never stop being grateful for that.

“A self-made man. A hardworking man. A gentle man and a safe man.

"A man who takes care of me in all the ways that matter.

"Lavyew (love you), Patrick Garcia.”

Nikka Garcia stands by Patrick amid Jennylyn Mercado backlash
Photo/s: Nikka Garcia on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patrick faces backlash over sharing past with Jennylyn

Katakut-takot na batikos ngayon ang kinakaharap ni Patrick matapos niyang ibahagi ang kanyang panig tungkol sa naging hiwalayan nila ni Jennylyn, makalipas ang halos labing-walong taon.

Nangyari ang pagsasalita ni Patrick sa panayam niya kay Ogie Diaz noong September 29.

Paliwanag ng aktor, nagdesisyon na siyang ihayag ang kanyang panig dahil sa natatanggap na batikos ng kanyang pamilya, partikular na ng kanyang anak na si Michelle Garcia, na aniya'y nadadamay sa nakaraan nila ni Jennylyn.

Si Michelle, 13, ang panganay na anak ni Patrick sa asawang si Nikka.

Read: Patrick Garcia speaks about split with Jennylyn Mercado 18 years later

Dito, itinanggi ni Patrick na iniwan niya si Jennylyn noong buntis ang aktres sa kanilang anak na si Alex Jazz, 18.

Naging magkarelasyon sina Patrick at Jennylyn noong 2007.

Noong January 2008, inanunsiyo ng dalawa sa publiko na nagdadalantao ang aktres.

Ngunit makalipas lamang ang isang buwan, noong February 2008, tinapos nila ang kanilang relasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isinilang ni Jennylyn si Alex Jazz noong August 16, 2008, nang wala si Patrick sa kanyang tabi.

Ayon kay Patrick, hindi umano siya nakapiling ni Jennylyn noong nagbubuntis hanggang sa manganak ito dahil mismong ang aktres ang ayaw na makasama at makita siya.

Ito'y kahit pa handa naman daw siyang panindigan ang pagiging ama sa kanyang mag-ina.

Read: Jennylyn Mercado remains firm in keeping her son away from Patrick Garcia

Jennylyn Mercado, Patrick Garcia, Alex Jazz
Jennylyn Mercado, Alex Jazz, and Patrick Garcia (left to right).
Photo/s: Noel Orsal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa nasabing panayam, naging bukas din si Patrick sa pagtalakay sa kawalan ng relasyon niya sa kanyang panganay na anak na si Alex Jazz.

Kuwento ni Patrick, magdadalawang taon na si Alex Jazz nang una niya itong makita nang personal.

Mula raw kasi nang magkahiwalay sila ni Jennylyn at siya ay mangibang-bansa noong 2008, hindi na siya nakipag-ugnayan sa aktres.

Pagbabalik-tanaw ng aktor: "Since 2018, I haven't seen Jazz, so challenge yon.

"The last time I saw Jazz was December 2017. Parang bago mag-Christmas yata yon.

"But I've been messaging since 2018 sa Viber, and I get no reply from the mother. No reply, none, but seen.

"Parang I met Jaz magtu-two years old na siya. Yung sister ko [Cheska Garcia] yata nag-reach out kay Jen, or yung dad ko nag-reach out kay Jen.

"I invited them sa first birthday party ni Kendra [Kramer]. So, dumating sila sa first birthday party ni Kendra. That's the first time I saw Jen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Noong nagkita kami, parang kung ano man yung nasabi niya sa akin, parang, 'Hayaan mo na. Okay naman kami.'"

Ipinagtanggol din ni Patrick ang sarili laban sa mga kumukuwestiyon kung bakit ganoon katagal niyang hindi nakita ang anak nila ni Jennylyn.

Saad ni Patrick: "Well, I messaged Jen from 2018 till the present day. Hindi siya nagre-reply sa akin.

"So, hindi ko naman puwedeng pilitin, you know, I can't force myself.

"I'm at the mercy of Jen's reply. Kung hindi nagre-reply, anong gagawin ko?"

PATRICK ADMITS LACK OF SUPPORT WITH SON ALEX JAZZ

Pag-amin din ng aktor, may kinalaman sa pagbibigay niya ng sustento kung bakit naputol ang relasyon nila noon ni Jazz.

Read: Patrick Garcia admits being an “inconsistent” father to Jennylyn Mercado's son

Lahad niya: "Kuwento ko lang. From the time I met him, he was two years old.

"Three, four, mga five, parang 2012 yata na parang naputol yun, because when it comes to money, kapag may show, alam mo namang buhay artista, kapag may show, bigay, bigay, bigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kapag nawalan ng show, medyo mahirap. So, yung time ko lang ang puwede kong ibigay. Minsan yung time, hindi enough.

"So minsan, pinag-aawayan namin yun [ni Jennylyn]. Minsan kapag nag-aaway kami, e, siyempre, damay yung bata.

"So from 2012, 2013, hindi ko siya nakita.

"Till 2014, when I got engaged with my wife right now, my wife reached out to Jen, kasi parang for a year or two years parang hindi ko nakita si Jazz.

"Tapos nung na-engage na kami, my wife reached out to Jen, in fact, Jazz was part of my wedding.

"When I was walking down the aisle, si Jazz ang kasama ko. So I was happy for that.

"So, 2016, nagkikita kami. 2017, nagkikita kami.

"After 2017, yun na. 2018 onwards, hindi na kami nagkita."

Dito na rin daw nagsimulang hindi siya makapagbigay kay Jennylyn para sa kanilang anak.

Aniya, "Nahinto na rin. Hindi na kami nagkikita, e, so paano ko ibibigay?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang isa sa mga bagay na inaamin ni Patrick na malaking pagkakamali niya noon.

Pahayag niya: "With Jazz, siguro ang mali ko siguro is being inconsistent.

"Kasi siyempre kapag buhay artista, in terms of money and in terms of time, minsan magiging inconsistent ka talaga, e.

"Kapag wala kang trabaho, consistent ka sa bisita. Pero kapag may trabaho ka, consistent ka sa pera, pero hindi ka consistent sa time.

"And siyempre ang layo pa ng bahay namin. So ayun talaga. Magsa-suffer talaga yung bata kung hindi complete family.

"Pero still, inaako ko pa rin na mali ako doon. Na I should have, and I could have been better.

"Till now, I'm still striving to be a better person. Hindi naman mawawala yun na hindi tayo perfect, but we're always striving to be better."

Dennis Trillo posts cryptic message; Jennylyn declines to comment on Patrick's revelations

Samantala, matapos pagpiyestahan sa social media ang mga rebelasyon ni Patrick, isang makahulugang post sa Facebook ang ibinahagi ng mister ni Jennylyn na si Dennis Trillo nitong September 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad dito (published as is): "Hindi ako pabor sa bashing, pero salamat at naalala mo si Jazz dahil sa pag bash sa anak mo. O spread LOVE not HATE."

Walang binanggit na pangalan si Dennis kung para kanino ang kanyang mensahe, ngunit malinaw na ito ay para kay Patrick.

Maging si Jennylyn ay tumangging magbigay ng komento sa mga naging pahayag ng dati niyang karelasyong na si Patrick.

Read: Jennylyn stays silent, Dennis reacts to Patrick revelations

Sa pamamagitan ng Aguila Entertainment, ang talent management na nangangalaga sa showbiz career ni Jennylyn, sinabi nitong karapatan ng sinuman na ilahad ang kanilang istorya sa anumang platform na kanilang naisin.

Ngunit sa pagkakataong ito raw ay pinili ni Jennylyn na huwag ilahad ang kanyang panig bilang respeto sa privacy at peace of mind ng pamilya ng aktres at ng pamilya ni Patrick.

Read: Jennylyn's managers call out Patrick Garcia over his interview

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinihiling ni Jennylyn sa publiko na itigil na ang poot at iwasan ang pamba-bash sa pamilya ni Patrick, partikular na sa anak nitong si Michelle Garcia, 13.

Sa huli, tiniyak ng kampo ng aktres na namumuhay nang "good and happy life" sina Jennylyn at Jazz, kapiling ang mister ng aktres na si Dennis, ang kanilang anak na si Dylan, 4, at stepson ni Jennylyn na si Calix, 18.

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nikka Garcia (left) shares why she is grateful to have married Patrick Garcia (center), following his revelations about his past with Jennylyn Mercado (right).
PHOTO/S: Nikka Garcia/Jennylyn Mercado on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results