Lumalabas na marami pala ang nakaka-relate sa recent viral TikTok post ng isang netizen na si Veronica Balayo, na kahawig ang isang babae sa lumang larawan na naka-display sa National Museum sa Maynila.
Ni-repost naman sa Facebook ni Ambeth Ocampo, historian at history and humanities prefessor sa Ateneo De Manila University, ang viral TikTok screenshots ni Veronica.
Caption ni Ambeth, ang babaeng nasa old photo ay ang kanyang ina na si Belen Ocampo.
Kuha raw ang ito noong 1950s.
Read: VIRAL: Babae na kahawig ng ina ni historian Ambeth Ocampo
Nag-viral na rin ang FB post ni Ambeth at sa comments section, maraming netizens ang nag-post ng kani-kanilang doppelgangers sa paintings.
Ilan sa kanila, naniniwala raw sa reincarnation.
Read: Two Pinoy OFWs dragged in murder of Japanese couple in Tokyo
NETIZENS’ LOOK-ALIKES
Si Gezza Rei Kiongson, 27, business owner, nag-post ng kanyang picture na naka-school uniform at may suot na ID.
Sa kanyang likuran, may painting ng grupo ng mga babae, at yung naka-brown Filipiniana ay hawig ni Gezza.
Read: Abandoned dog found with heartbreaking letter from fur parent: "Sorry kung iniwan kita."
Mensahe ni Gezza sa PEP (Philippine Entertainment Portal): “Nung 2014 po, nakita ng friend ko na kahawig ko yung nasa painting sa library ng CEU. College student po ako dun.
“One of the founders po sa CEU [ang nasa painting]. Hindi ko lang po alam yung exact name nung nasa painting, pero naka-display po siya sa library ng CEU.”
Ipinadala pa ni Gezza ang screenshot ng original post ng kanyang kaibigan noong 2014.
Caption sa photo: “Your great great great great super great grandmother HAHAHAHAHAHA! Reincarnation nasa library lang haha.”

Si Gezza, in white short, at ang kuha niya noong 2014. Do ba't kahawig niya ang babaeng nasa old painting?
May nakita rin si Christie Silverio, 35, na larawan ng isang babaeng kahawig niya sa National Museum of Fine Arts.
Sabi niya sa PEP.ph (published as is), “Way back 2018 pa po Yung picture, mga kids ko po naka pansin, Ako daw Yung NASA pic.
“Kahit nahihiya ay pasimple nag picture na din Ako..
“Although I haven't able to check further kung sino Yung NASA picture.”
Ano naman ang naramdaman niya nang makita niyang may kamukha siya?
“I believe na there's a possibility of reincarnation, so nung nakita ko na mejo hawig kami nung babae sa picture, It felt quite funny,” sabi ni Christie, isang call-center agent.
“Naisip ko if it's possible nga sana I have done something good before, or it's my chance to do better.”

(Si Christie at ang kahawig niya na misteryosong babae sa painting)
Pareho rin kina Gezza at Christie ang karanasan ni Faith Hope Magallanes-Banusing, 26, isang senior high school teacher sa Antique.
Ginawang inset ni Faith ang kanyang larawan sa portrait ni Victoria Quirino, anak ng dating Pangulong Elpidio Quirino.
Ani Faith, kuha ang larawan noong October 28, 2023 ng kaibigan ng kaibigan niya.
“Pinasa sa akin, sabi niya po it’s from the National Museum. Napansin niya na may resemblance kami.
“Na-‘My Day’ ko na rin po siya. Hehe. Maraming nag-react, kahawig nga daw po," mensahe ni Faith sa PEP.ph.
“And I feel na baka nga reincarnated ako, kase nakita ko rin yan sa iba hindi lang sa akin, same as sa mga movies.
“Gayunpaman, mukha lang yan, iba rin ang [taong] kamukha ko, iba rin ako.”
Sundot pa ni Faith, “Feeling amazed lang din kase bagay din pala sa mukha ko ang classic. And dito ko rin na-prove na, ‘History repeats itself.’”

Nang i-post kasi niya ang kanyang photo, may mga nagsabing hindi naman sila magkamukha ni Victoria Quirino, pero nilinaw ng teacher na hindi naman niya ipinipilit na hawig niya ang nasa painting.
Bukod sa tatlong netizens, marami pang nagpost ng kanilang photos.
Ilan naman sa kanila ay idinaan sa biro ang comparison, at nag-post ng mga artistang look-alikes daw nila.
