PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ancient “sex toy” found in England

Lucky charm or sewing tool?
by KC Cordero
Published May 10, 2024
Photo of the sex toy found in England now in the museum
Natagpuan sa fort sa England na dating okupado ng mga Romano ang isang weird-looking wooden object. Inukit ito, walang masyadong dekorasyon, at inihugis sa male sex organ.

Isang Roman auxiliary fort ang nadiskubre ng mga researchers na nasa southern part ng Hadrian's Wall sa northern England noong 2023.

Tinatawag ngayon itong Vindolanda.

Ayon sa website ng Vindolanda Trust, isang museum sa England na namamahala ngayon sa naturang area, ang lugar ay nasa ilalim ng pamamahala ng Roman Empire mula 85 AD hanggang 370 AD.

Photo of the Roman fort where the sex toy was found

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa mga natagpuan sa fort ang weird-looking wooden object na may habang 6.2 inches.

Inukit ito, walang masyadong dekorasyon, at inihulma ito ayon sa hugis ng male sex organ.

Ayon sa mga experts ng museum, posibleng ginamit ang object bilang sex toy noong unang panahon.

Smooth ang magkabilang dulo nito, isang indikasyon na maraming beses itong ginamit.

Read: Ara Mina admits trying out sex toys "out of curiosity"

OLDEST SEX TOY FROM BRITAIN

Ayon kay Dr. Rob Collins, isa sa mga authors ng ginawang pag-aaral sa mga natagpuang artifacts sa fort, sinabi niyang kung isang sex toy ang object, naniniwala ang mga researchers na ito ang oldest example mula sa Britain.

Photo of the sex toy found in England now in the museum

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Dr. Collins, “The size of the phallus and the fact that it was carved from wood raises a number of questions to its use.”

Hindi aniya matiyak ng mga researchers kung ano talaga ang intended use para sa nasabing object.

Sa ibang pagkakataon, ang ganito aniyang object na may kaparehong hugis ay ginagamit din bilang luck charm.

Read: Husband discovers wife is a male 12 days after wedding

SEX TOY, POSIBLENG GINAMIT SA PANANAHI

Ibinahagi ng Vindolanda Charitable Trust na natagpuan ang object sa isang kanal.

Naging ugat umano iyon ng maraming katanungan—bakit ito nasa kanal? saan ito galing?

Ayon pa sa Vindolanda, “Can we do more to understand what caused the wear patterns which are so evident at the tip and on the base, but did not damage the shaft?”

Read: Wife upset to discover engagement ring gifted by husband is bought with joint-account money

Ang purpose ng object ay naging ugat ng debate mula nang isapubliko ito ng Vindolanda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mga nagsasabing posibleng ginamit ito bilang instrumento sa pananahi dahil natagpuan ito na kasama ang mga sapatos at dress accessories.

Posible umanong ginawa ang korte ng object para mas maging epektibo ito pag ginamit, halimbawa ay kung may itutulak sa loob ng tinatahing sapatos.

Read: Senior male looks for "the one" via billboard; she must be into karaoke

Ayon naman kay Barbara Birley, curator ng Vindolanda Trust, importante na natagpuan ang naturang object.

Aniya, “The wooden phallus may well be currently unique in its survival from this time, but it is unlikely to have been the only one of its kind used at the site, along the frontier, or indeed in Roman Britain.”

At kung totoong sex toy ito, isa itong patunay na maging ang mga pinakaunang tao ay experimental na rin sa kanilang sex life.

Read: Wife believes psychic's claim of husband's affair; marriage ends in divorce

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natagpuan sa fort sa England na dating okupado ng mga Romano ang isang weird-looking wooden object. Inukit ito, walang masyadong dekorasyon, at inihugis sa male sex organ.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results