Ai-Ai delas Alas discourages Jon Gutierrez, Jelai Andres from breaking up

by Rachelle Siazon
Apr 17, 2019
Ai-Ai delas Alas on mediating between Ex Batallion rapper Jon Gutierrez and wife Jelai Andres: "Gaya ng isang ina, both sides kailangan kausapin mo, para alam mo kung saan nagsisimula ang gulo, kung paano mo maaayos yung gulo."
PHOTO/S: Noel Orsal / Jon Gutierrez Instagram

Inamin ni Ai-Ai delas Alas na pinayuhan niya ang mag-asawang Jon Gutierrez at Jelai Andres na huwag ituloy ang kanilang hiwalayan.

Kaugnay ito nang napabalitang desisyon ni Jelai na tuluyan nang iwan si Jon dahil sa pambababae nito.

Si Jon ay miyembro ng Pinoy hip-hop group na Ex Batallion.

Nakilala rin ang tambalang JoLai nina Jon at Jelai dahil sa kanilang Youtube Channel, na may 741,353 subscribers.

Lampas ng isang milyon din ang followers nina Jon at Jelai sa kani-kaniyang Facebook accounts.

Bilang manager ng Ex Batallion, si Ai-Ai ay itinuturing na "Mama Ai" ng mga miyembro ng hip-hop group.

Kaya raw ganoon na lang din ang pag-aalala ni Ai-Ai nang makarating sa kanya ang kontrobersiyang kinasangkutan ng mag-asawang Jon at Jelai, at itinuturong kabit ng rapper na si Toni Fowler.

"Yung tungkol kay Jon, siyempre naman lahat naman po tayo, yung mga may asawa dito, o yung mga may asawa sa buong Pilipinas at buong mundo, napaka-plastic naman natin kung sasabihin natin na ang pagsasama natin, e, 100 percent na masaya.

Continue reading below ↓

"Lahat naman ng mag-asawa nagkakaroon ng problema," bungad ni Ai-Ai.

Pinayuhan daw ni Ai-Ai sina Jon at Jelai na huwag hayaang masira ng "tsismis" ang pagsasama nilang mag-asawa.

Lalo pa't kakakasal lang ng dalawa noong October 2018.

"So, ang payo ko sa kanila, ayusin nila. And yung mga tsismis tsismis, yung mga live live diyan sa social media, e ganun naman...

"Basically, ang mga Pinoy mahilig naman sa tsismis, e," saad ni Ai-Ai.

"Pero lahat tayo na may mga asawa, ayusin yung magiging problema, at yun ang sinasabi ko kay Jon.

"At kasalukuyan namang inaayos yung problema. Yun ang maganda."

Inihayag ito ni Ai-Ai sa presscon proper ng S.O.N.S. (Sons of Nanay Sabel), ang pelikulang pinagbibidahan ng komedyana, kasama ang mga alagang Ex Batallion rappers.

Ginanap ang presscon noong April 11, sa Playhub Events Place, sa Quezon City.

Sa hiwalay na panayam pagkatapos ng program, itinuloy ni Ai-Ai ang kuwento kung paano niya tinulangang ayusin ang problema nina Jon at Jelai.

Continue reading below ↓

Inalam din daw niya mula sa mag-asawa kung ano ang pinagmulan ng kanilang sigalot at kung bakit gusto nang makipaghiwalay ni Jelai kay Jon.

"Sabi ko sa kanila, ang pagpapakasal is commitment iyan.

"Hindi iyan yung kinasal kayo, nag-away kayo, tapos ayaw niyo na sa isa't isa.

"Love is a commitment."

Paalala pa raw ni Ai-Ai kina Jon at Jelai: "Kaya kayo nag-commit, naniniwala kayo, at kayong dalawa nangako kayo sa Diyos na for better or for worse.

"So huwag niyong iwanan ang isa't isa. Kaya nga may for worse, di ba?"

Nakinig kaya sina Jon at Jelai sa kanya?

Sagot ni Ai-Ai, "I hope nakinig sila."

JELAI'S STATEMENT

Una nang inihayag ni Jelai na hiniwalayan na niya ang asawang si Jon dahil sa napabalitang pambababae nito.

Base ito sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jelai noong March 31.

Hindi binanggit ni Jelai kung sino ang babae ng kanyang mister.

Continue reading below ↓

Pero kalat sa kanilang sirkulo na mga aktibo sa social media ang kontrobersiyal na Facebook Live ng isang dancer na kinilalang si Toni Fowler.

Lumalabas na si Toni ay nakarelasyon ni Jon noong magkasintahan pa lang ang rapper at si Jelai noong 2016.

Naungkat ang isyu dahil sa kumalat na impormasyon sa social media na nagkita muli sina Jon at Toni nitong February 2019.

Sa parte ni Jelai, napilitan daw siyang iere ang kanyang panig sa pamamagitan ng kanyang Facebook Live noong March 24, dahil sobra na raw natatapakan ang kanyang pagkatao.

Pinalabas daw kasi ni Toni na nambabae si Jon noong 2016 dahil sa pagiging mahigpit na girlfriend at pambubugbog diumano ni Jelai sa nobyo.

Pero paglilinaw ni Jelai sa PEP.ph, si Toni ang dahilan ng pag-aaway nila ni Jon noon.

Wala na rin daw balak si Jelai na pakinggan pa kung anuman ang depensa nina Jon at Toni sa insidenteng pagkikita muli ng dalawa nitong 2019.

Continue reading below ↓

JON WANTS TO FIX MARRIAGE WITH JELAI

Sa kabilang banda, umaasa pa rin si Jon na maaayos nila ni Jelai ang kanilang problema.

Nang humarap si Jon sa presscon ng S.O.N.S. noong April 11, sinabi niya na gagawin niya ang lahat upang masalba ang marriage nila ni Jelai.

Nilinaw din ni Jon, sa sariling Facebook Live niya noong March 26, na walang namagitan sa kanila ni Toni nitong 2019.

Sumama lang daw siya sa kapwa Ex Battalion na si Mark Maglasang, na siyang nagpautang umano ng PHP20,000 kay Toni.

Gayunman, inamin ni Jon na maling sumama pa siya kay Mark dahil sa kontrobersiyal na nakaraan nila ni Toni.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on mediating between Ex Batallion rapper Jon Gutierrez and wife Jelai Andres: "Gaya ng isang ina, both sides kailangan kausapin mo, para alam mo kung saan nagsisimula ang gulo, kung paano mo maaayos yung gulo."
PHOTO/S: Noel Orsal / Jon Gutierrez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results