John Lloyd Cruz spotted in Lanao del Sur

by Arniel C. Serato
Apr 18, 2019
John Lloyd Cruz visits his best friend in Lanao del Sur yesterday, April 17.
PHOTO/S: Courtesy: Bhing Robles / Joram Balintongog on Facebook

Pinag-usapan muli ng netizens ang bagong sighting sa award-winning actor na si John Lloyd Cruz sa Wao, Lanao Del Sur, kahapon, April 17.

Makikita sa maraming larawan na naka-white shirt, shorts, at sandals lamang ang Kapamilya star na naka-indefinite leave.

Continue reading below ↓

Unshaven ang partner ni Ellen Adarna sa mga larawan.

Pero game na game naman ang aktor na nagpakuha ng larawan at selfie sa mga taga-Wao.

Continue reading below ↓

Ayon sa mga netizens na nag-post, dinalaw raw ni John Lloyd ang kanyang best friend sa Wao, at sa bahay daw nila ito nagpalipas ng gabi.

Kamakailan lamang ay umingay muli ang pangalan ni John Lloyd dahil sa kanyang pagbabalik sa showbiz sa pamamagitan ng isang endorsement.

Spotted din sila ni Ellen, kasama ang anak na si Elias Modesto, sa Queen City Memorial Gardens, Cebu City, Cebu, noong Martes, April 2.

Sa nasabing sementeryo nakalibing ang namayapang ama ni Ellen na si Alan Modesto Adarna.

Sa ngayon, wala pang makapagsabi kung kailan babalik si John Lloyd sa paggawa ng TV show o pelikula.

Parang kuntento na kasi ito sa kanyang simpleng buhay kasama si Ellen at ang anak nila sa Cebu.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz visits his best friend in Lanao del Sur yesterday, April 17.
PHOTO/S: Courtesy: Bhing Robles / Joram Balintongog on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results