Alyssa Quijano finally breaks silence on breakup with Jake Zyrus

by Arniel C. Serato
Apr 29, 2019
Alyssa Quijano on past relationship with Charice Pempengco: "Now that I’ve shared my story for the first time, this is the time na I’m leaving my past behind me. Ito na ako.”
PHOTO/S: Courtesy: Alyssa Quijano on Facebook / File

Makalipas ang halos dalawang taon, binasag na ni Alyssa Quijano ang kanyang katahimikan tungkol sa hiwalayan nila ng dating partner na si Jake Zyrus.

Ang self-confessed transgender man na si Jake ay dating kilala bilang Charice Pempengco.

Ginawa ito ni Alyssa, dating A.K.A. Jam member, sa auditions para sa ABS-CBN reality talent search na Idol Philippines, na umere kagabi, April 28.

Ang A.K.A. Jam ay isang girl group na kinabibilangan ni Alyssa, na produkto ng defunct Kapamilya talent search na X-Factor Philippines (2012), kung saan naging hurado si Jake.

Nakarelasyon ni Jake si Alyssa noong 2013, o halos anim na taon na ang nakalipas.

Kuwento niya sa VTR ng Idol Philippines, nawalan siya ng sariling identity nang maging sila ni Jake.

"Marami akong na-sacrifice sa relationship namin kasi I stopped singing.

"Nawala yung Alyssa na kilala ko."

Dagdag pa ni Alyssa, kay Charice lamang umiikot ang kanyang mundo noon kaya nakalimutan na niya ang kanyang sariling career.

Continue reading below ↓

"I was just giving my all na parang nakalimutan ko na yung sarili ko."

Matatandaang nagtanan sina Alyssa at Jake noong May 2013.

Hindi pa umaamin ang international singing sensation tungkol sa kanyang tunay na sexual orientation noon, at kilala pa ito bilang Charice Pempengco.

CHARICE COMES OUT AS A LESBIAN

June 2, 2013, nang tuldukan ni Charice ang mga usap-usapan tungkol sa kanyang sekswalidad.

Sa exclusive interview ng TV host na si Boy Abunda sa now-defunct showbiz talkshow na The Buzz ng ABS-CBN, diretsahang inamin ni Charice na siya ay "tomboy."

Continue reading below ↓

Matapang na pag-amin ni Charice: “Opo, tomboy po ako.

"Hindi ko po alam kung ano ang problema nun.

"Kasi para po sa akin, wala pong problema yun.

"Ngayon, gusto ko pong humingi ng patawad sa mga hindi po nakaintindi, sa mga hindi po ako matatanggap. Sorry po.

"Naiintindihan ko po kayo.”

Sa nasabi ring panayam ay inamin niyang nagsasama sila ni Alyssa sa kanyang naipundar na bahay sa Cabuyao, Laguna.

Continue reading below ↓

THE BREAKUP

Matapos ang halos apat na taong pagsasama, o noong April 26, 2017, kumalat naman ang balitang naghiwalay na ang dalawa.

Ayon sa ulat, si Alyssa raw ang umalis sa apartment na tinitirhan nila ni Charice.

Bitbit daw nito ang mga sariling gamit at ang ilang gamit na umano'y hindi kanya.

Sa kabilang banda, may lumabas ding ulat na si Charice naman daw ay nakikitira na lamang sa isang fan niyang taga-Laguna.

Hanggang sa noong June 2017 inanunsiyo ni Charice ang kagustuhan niyang makilala sa bago niyang pangalan bilang Jake Zyrus.

Kasunod nito ang pagtukoy niya sa sarili bilang isang transgender man.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Alyssa sa Idol Philippines, hindi na niya inungkat ang iba pang isyung nakapalibot sa hiwalayan nila Charice.

Ang sabi lang niya: “After the breakup, nung medyo nakaka-move on na ako, I learned a lot from that relationship.

“Alam ko na ang hirap din ng pinagdaanan niya.

Continue reading below ↓

“And I believe na pareho kaming natuto sa pagkakamali namin.”

MOVING FORWARD

Ngayon ay may bago ng karelasyon si Alyssa.

Bumalik na rin siya sa kanyang pag-aaral at sa una niyang gustong mapagtagumpayan—ang pagkanta.

Aniya, “Ngayon, I’m pursuing my dreams.

“I’m becoming who I really am.

“Kaya nga bumalik ako ng school and kumakanta ako ulit.

“Now that I’ve shared my story for the first time, this is the time na I’m leaving my past behind me.

“Ito na ako.”

Masuwerte namang nakakuha siya ng apat na "yes" mula sa mga hurado kaya magpapatuloy pa ang kanyang journey sa Idol Philippines.

JAKE ZYRUS MOM REACTS

Kaagad ding nagbigay ng kanyang reaksiyon si Raquel Pempengco, ina ni Jake, hinggil sa mga binitawang pahayag ni Alyssa.

Hindi diretsahang pinangalanan ni Raquel kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang matalinhagang post, pero kapansin-pansing ginawa niya iyon kasabay ng pag-ere ng Idol Philippines kagabi, April 28.

Continue reading below ↓

Sabi ni Raquel (published as is): “Sana di na sinama pa ang publicity...

"if she wants to make it on top... avoid to use others...

"just saying... past is past...

"you can tell other story to avoid mentioning other person.

"Magaling ka i know.

"You can do it on top by your own name....”

Sa ngayon, meron ng ibang karelasyon si Jake.

Wala pa rin siyang inilabas na pahayag si Jake tungkol dito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alyssa Quijano on past relationship with Charice Pempengco: "Now that I’ve shared my story for the first time, this is the time na I’m leaving my past behind me. Ito na ako.”
PHOTO/S: Courtesy: Alyssa Quijano on Facebook / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results