Sandiganbayan: There is enough evidence to convict Jinggoy Estrada of plunder

by Rachelle Siazon
Jun 14, 2019
Sandiganbayan junks former Senator Jinggoy Estrada's motion opposing the prosecution's strong evidence for him to be convicted of plunder.
PHOTO/S: CTTO via @jinggoyestrada29 Instagram

Hindi pa rin tapos ang kalbaryong kinahaharap ni dating Senador Jinggoy Estrada dahil sa kasong plunder.

Ngayong Biyernes, June 14, lumabas ang desisyon ng Sandiganbayan na may sapat na katibayan upang tuluyang makulong si Jinggoy at kapwa niya akusadong si Janet Lim Napoles.

Nakasuhan ng plunder si Jinggoy dahil sa diumano'y pakikipagtransaksiyon niya sa itinuturong pork-barrel scam mastermind na si Napoles.

Nagkamal diumano si Jinggoy ng PHP183M mula sa kanyang pork barrel, upang pondohan ang mga napag-alamang pekeng non-government organizations na itinayo ni Napoles.

Ibinasura ng anti-graft court ang demurrers to evidence o pagkontra nina Jinggoy at Napoles sa ruling ng prosecution na dapat silang makulong sa salang plunder.

Nakasaad sa desisyon ng Sandiganbayan, na may petsang June 13, 2019:

"This court is convinced that the prosecution presented sufficient evidence, both testimonial and documentary, which established each element of the crime of plunder against the accused."

Nakasaad din ditong kinakailangang magsumite si Jinggoy ng ebidensiyang magpapatunay na hindi siya dapat tuluyang makulong.

Continue reading below ↓

Dagdag ng Sandiganbayan: "The commissions of Estrada from all the transactions with Napoles' NGOs were paid through his representatives who personally came to the JLN Office, where cash payments were being made and corresponding vouchers were signed as proof of payment."

PORK-BARREL SCAM WHISTLEBLOWER BENHUR LUY

Ang tinutukoy rito ay ang iprinisintang ebidensiya ng pork-barrel scam whistleblower na si Benhur Luy, na itinuro si Jinggoy na isa sa tatlong senador na nakikipagtransakisyon kay Napoles.

Bilang dating chief financial officer (CFO) ng JLN Corporation—na tumatayong korporasyon ni Janet Lim Napoles—alam daw ni Luy ang mga komisyong natatanggap ng mga sangkot na mambabatas mula sa kanilang kumpanya.

"Tanda, Sexy, at Pogi" diumano ang code names ni Napoles sa mga kasabwat nitong mambabatas na sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla noong panahong nanunungkulan ang mga ito sa Senado.

Si Luy ang nagsabing mayroon siyang records ng mga tinanggap na kickback ng tatlong senador mula kay Napoles.

Continue reading below ↓

ESTRADA, REVILLA, ENRILE'S DETENTION FOR PLUNDER

Si Jinggoy ay naditena sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City mula June 2014.

Noong September 2017, pinayagan ng Sandiganbayan na makapagpiyansa si Jinggoy dahil sa wala raw sapat na ebidensiyang siya ay natukoy bilang "main plunderer."

Ang isa pang akusado na si Bong Revilla, na inakusahang nagkamal ng PHP224M, ay idinetena rin sa PNP Custodial Center mula June 2014 hanggang December 2018.

Noong December 2018, hinatulan ng Sandiganbayan na not guilty sa kasong plunder si Bong.

Si dating Senator Enrile, na naditena rin dahil sa kasong plunder, ay nakapagpiyansa noong August 2015.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sandiganbayan junks former Senator Jinggoy Estrada's motion opposing the prosecution's strong evidence for him to be convicted of plunder.
PHOTO/S: CTTO via @jinggoyestrada29 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results