Christian Bautista reacts to criticisms about Idol Philippines judges

by Bernie V. Franco
Jun 17, 2019
Kapuso singer Christian Bautista gives his opinion about recent issue involving judges of ABS-CBN singing competition Idol Philippines.
PHOTO/S: Noel Orsal

Para kay Christian Bautista, kailangang igalang ang magkakaibang opinyon ng mga hurado sa isang singing competition.

Si Christian ay produkto ng singing competition.

Naging fourth placer siya sa Star In A Million ng ABS-CBN noong 2003, kung saan ang itinanghal na champion ay si Erik Santos.

Makalipas ang maraming taon, mula sa pagiging contestant ay naging hurado na si Christian ng mga singing competitions, kagaya ng Superstar Duets (2016) at The Clash (2018) na parehong umere sa GMA-7.

Base sa karanasan ng 37-anyos na singer, bago pa lamang simulan ang singing competition, pinag-uusapan na ng mga hurado at production team kung ano hinahanap nila sa kalahok.

Saad ni Christian, “Before a show comes in, there is, like, a meeting, 'What are we looking for? What do we need in the show?'

“So, kung merong mga specific needs yun or wants yung judges or yung production whatever, and then that’s what happens.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang miyembro ng press si Christian sa press conference ng The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only, ang upcoming concert nila ni Julie Anne San Jose, nitong June 17, Lunes.

CHRISTIAN ON ISSUE ABOUT IDOL PHILIPPINES JUDGES

Nitong mga nakalipas na linggo, naging controversial ang singing competition ng ABS-CBN na Idol Philippines dahil sa paraan ng pagpili ng contestants ng judges na sina Vice Ganda, James Reid, Moira dela Torre, at Regine Velasquez.

Partikular na naging isyu ang hindi pagpasa nina Vice, James, at Moira sa contestant na si Luke Baylon.

Kaugnay nito, may mga netizen at ilang kilalang personalidad na kumukuwestiyon sa kakayahan ng ilang judges ng show.

Kabilang sa mga personalidad na nag-post ng kanilang opinyon tungkol dito ay ang direktor na si Joey Reyes at ang mga singer na sina Bituin Escalante at JK Labajo.

Hiningan namin ng opinyon si Christian hinggil sa isyu sa Idol Philippines.

Continue reading below ↓

Saad niya, “My answer will come from what we did in The Clash.

“Pagalingan talaga kayo ng kantahan on that stage.

“Kaya yung top 5 na nakuha sa The Clash, magaling lahat talaga sila kumanta.

“They can beat me, man! Parang, they are so good.

“So I look at the talent first.”

Ayon pa kay Christian, malaki ang naging papel ng social media sa isyung kinahaharap ngayon ng Idol Philippines.

“Now, the issue came in when sa Idol Philippines, 'tapos merong mga hindi natanggap, ganyan.

“So siyempre, iba-iba yung tastes, iba-iba yung judge. Iba din yung taste ng tao.

"Pero may mas malalim pa yun, e.

“Yun ding comment ng ibang tao, hindi rin naman yun yung majority ng opinyon ng lahat.

“Meron din ibang tao kampi sa specific judge or kampi sa... which just blew up really because of social media.”

Continue reading below ↓

Diin ni Christian, sa huli, talento at potensiyal pa rin ang dapat mangibabaw sa pagpili ng contestant sa kabila ng ibang pagkukulang nito.

“Pero for me, even though naman you have a talent, pero kumanta ka naman kinabahan ka 'tapos nag-flat ka, mahirap din.

"So the talent and then your presence, your stage presence.

“Kasi madali nang ayusin kung ang galing-galing mong kumanta, pero you freeze, you forget. Baka pagbigyan ka pa.

"Pero kailangan makita na sa ‘yo, ‘Star na ‘to, e.’”

Sabi pa ni Christian, kailangang irespeto ang isang judge kung mas kinukunsidera nito ang total package kesa sa talent.

“That’s what they want, kanya-kanya 'yan, e.

“A judge will want talent like me, another one will want the looks, another will want a little bit of both.

“So, hindi mo talaga… Yun ang gusto nila, e.

Continue reading below ↓

“Sasabihin ko ba mali 'yan, e, yun ang gusto nila?

“So, yun naman, at least naba-balance.”

CHRISTIAN PREFERS TALENT OVER LOOKS

Pahabol naming tanong kay Christian: ano ang pipiliin niya—ang talented singer na hindi masyadong appealing ang hitsura o ang marunong kumanta pero may good looks?

"I’ll pick the talented one," mabilis niyang sagot.

“Pag pinagtabi mo yung dalawa sa concert, yes, makikilig sila dun [sa may hitsura].

“Pero pag nagkantahan na, titingin sila dun sa mas magaling kumanta.

"So that’s my decision."

Samantala, makakasama nina Christian at Julie Anne sina Kyline Alcantara, Donita Nose, at Super Tekla sa The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only na gaganapin sa The Atrium, Limketkai Center, Lapasan, Cagayan de Oro, sa July 6.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso singer Christian Bautista gives his opinion about recent issue involving judges of ABS-CBN singing competition Idol Philippines.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results