Sofia Andres, Daniel Miranda exchange "I love you's" on Instagram

by Arniel C. Serato
Aug 30, 2019
Sofia Andres to boyfriend Daniel Miranda: "I love you more, thank you."
PHOTO/S: Courtesy: @danielmirandaa_ on Instagram

Ipinagdiwang ni Sofia Andres ang kanyang ika-21 kaarawan noong August 24.

Sa kanyang Instagram, binati ng nobyo ni Sofia na si Daniel Miranda ang aktres.

Sabi ni Daniel sa caption, “Happy birthday love, I love you [heart emoji].”

Kaagad namang sumagot si Sofia sa boyfriend.

Tugon niya sa Cebuano international car racer: “I love you more, thank you.”

Continue reading below ↓

Kahit hindi pa umaamin publicly sa totoong estado ng relasyon nila, hindi maipagkakailang sila na talaga.

Katunayan, mukhang malapit din si Sofia sa mga kamag-anak ni Daniel.

Bumati ang apat na kamag-anak ni Daniel kay Sofia sa post niyang ito.

Continue reading below ↓

Kasalukuyang nasa Australia ang magsing-irog.

Continue reading below ↓

THE RELATIONSHIP

October 2018 unang pinag-usapan ang relasyon ng dalawa nang mag-post si Sofia sa kanyang Instagram ng larawan nila ni Daniel, 22.

Marami ang kinilig dahil sa sweet na larawan nilang ito na kuha sa beach.

Ilang araw ang nakaraan, si Daniel naman ang nag-post sa kanyang Instagram ng kaparehong larawan na ipinost ni Sofia.

Continue reading below ↓

Walang inilagay na caption si Daniel sa post niya.

February 2019, “love” na ang tawag ni Sofia sa race car driver.

Ngunit nitong May 2019, umugong ang balitang nagkalabuan na ang dalawa.

Binura kasi ni Sofia ang lahat ng larawan nila ni Daniel sa kanyang Instagram.

Ngunit, pinabulaanan ito ng akters sa kasunod niyang post pagkatapos ng isang linggo.

Si Daniel ay mula sa mayamang angkan sa Cebu.

Ang huling nakarelasyon ni Sofia sa showbiz ay si Diego Loyzaga.

Read Next
Read More Stories About
Sofia Andres, Daniel Miranda
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Andres to boyfriend Daniel Miranda: "I love you more, thank you."
PHOTO/S: Courtesy: @danielmirandaa_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results