Magtatatlong buwan nang hindi nagsu-social media ang Kapamilya singer na si Yeng Constantino.
Kasunod ito ng matinding bashing na naranasan ni Yeng matapos niyang i-call out ang isang doktor sa Dapa District Hospital sa Siargao na hindi raw inistima nang maayos ang kanyang asawang si Yan Asuncion nang isinugod nila ito roon noong July 2019.
Saad Yeng tungkol sa kanyang pagpapahinga sa social media, “Bumubuwelo pa ako.
"Hindi pa ako bumabalik, magtu-two and a half months na.
“It’s my first time to be bashed that much.
“Na-culture shock ako.
"Pero sobra akong mahilig sa social media. As in sobrang hilig ko.
"So, parang what happened to me, sobra akong nahu-homesick na rin kasi nami-miss ko na ang social media.
"Pero I decided to stop for a while. Kasi akala mo minsan kaya mo, pero hindi ko pala kaya yun.”
Na-trauma talaga siya sa bashing?
Pag-amin ni Yeng, “Oo, as in pag nakakita ako ng YouTube logo, minsan kinakabahan ako, ‘Uy.’
"Kapag nakakita ako ng Twitter, sinabi ko 'yan sa psychologist sa Magandang Buhay.”
Dagdag pa ng singer, “Alam ko pong... matagal na ako sa industry.
"I’ve been here for 12 years and at times you feel you’re so strong.
“Paisa-isang bash, parang wala kang reaksiyon.
"Pero pag bulto, parang hindi mo alam ang gagawin mo.
“I really felt so sad and shocked how much yung power ng social media is very powerful.
“At the same time, practice of gratefulness, kasi I have a talent management na sobrang bait. ‘Yeng, what you did was wrong.’
“And they told me kung anong kamalian ko in the most gentlest way.
“Naiyak ako kasi mali ako.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media si Yeng sa intimate lunch ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na handog ng TBA Studios ngayong Martes, September 24.
Sa nasabing lunch din ay inilunsad ang trailer ng pelikulang pinagbibidahan nina Yeng, Rocco Nacino, Miles Ocampo, at Joem Bascon—ang Write About Love.
CONTROL YOURSELF
Noong July 2019, nagkaroon ng temporary memory loss ang asawa ni Yeng na si Yan matapos itong tumalon sa isang cliff-diving spot sa Siargao.
Ngunit nang isinugod daw nila si Yan sa ospital, parang hindi nagawaran ng maayos na treatment ang asawa.
Dahil dito, sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel ay naglitanya si Yeng ng kanyang pagkadismaya sa attending physician at iba pang staff ng ospital.
Ngunit hindi nagustuhan ng maraming netizens ang pagrereklamo ni Yeng sa social media kaya inulan siya ng negative comments.
Dahil sa matinding bashing, humingi ng dispensa si Yeng sa doktor at sa pamunuaan ng ospital.
Pero kinondena ng Philippine Medical Association ang reklamo ni Yeng na idinaan niya sa kanyang YouTube channel.
Nagkausap na ba sila nang personal ng doktora?
Sabi ni Yeng, “Sa side na yun ng management.
“On my part, kapag tayo ang mali, siyempre hindi man natin mababago ang iniisip ng mga tao about you.
“At least, ikaw sa sarili mo, [alam mo] kung mahanap mo na yung mali.”
Ano ang mga natutunanan niya sa pangyayari?
Tugon ng Kapamilya singer, “To be grateful, to be careful.
“Social media is such a beautiful thing, it’s a tool to communicate with your fans, to connect with the people who love you.
“But at the end of the day, it's not the right place for you to say so much personal stuff pala.”
