Talent manager Carlo Orosa gives update on singer Morissette Amon

by Arniel C. Serato
Oct 4, 2019
Stages Talents president Carlo Orosa (left) assures fans of singer Morissette Amon (right photo, with boyfriend Dave Lamar) is "doing very okay."
PHOTO/S: Arniel Serato / Dave Lamar on Facebook

Sa gitna ng kinasasangkutang isyung may kinalaman sa pamilya, nasa maayos na disposisyon pa rin ang Kapamilya singer na si Morissette Amon.

Ito ang tiniyak ni Carlo Orosa, pangulo ng Stages Talents na namamahala sa career ng tinaguriang Asia's Phoenix.

Ayon kay Carlo, “She’s good. Marami siyang... andami niyang work ngayon.

“Almost every day, I think... this month alone, she has, like, three trips abroad, this October.”

Naayos na ba ang problema ni Morissette sa kanyang pamilya, na nilayasan diumano nito upang sumama sa kanyang boyfriend na si Dave Lamar?

Kasabayan ni Morissette sa ABS-CBN reality show na The Voice of the Philippines Season 1 (2013) si Dave.

Pag-iwas ni Carlo, “Di ako maka-comment, sorry. I cannot comment about that at the moment.

“Pero maayos naman. Everything is being… everybody is… hindi ako maka-comment. Sorry talaga.”

Katulad ng ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Agosto 2019, nilinaw ni Carlo na hindi nagli-live in sina Morissette at Dave.

Continue reading below ↓

“No, no, no... That has been reported na hindi sila nagli-live in.”

Sa ulat na lumabas dito sa PEP.ph, nagpakawala ng mga maiinit na patutsada sa Twitter ang ama ni Morissette na si Amay Amon laban sa singer.

Ayon sa source ng PEP.ph, kaya umalis ang singer sa poder ng pamilya ay dahil hindi na raw nito kaya ang "pagbabawal" at "paghihigpit" ng ama, partikular na sa pakikipagrelasyon ng Kapamilya singer kay Dave.

Maayos daw ang kalagayan ngayon ni Morissette Amon, ayon sa manager nitong si Carlo Orosa.
Video: Arniel Serato.

MORISETTE IS LIVING INDEPENDENTLY

Sa ngayon, maayos daw ang takbo ng buhay ni Morissette.

Ayon kay Carlo, “Yes, yes, she’s okay now. She’s doing very okay.

“She’s living independently.

“Marami siyang work ngayon, hanggang next year.

“Maraming shows abroad.

“Basta, she has hands full for many... in the next how many months.”

Kumusta naman ang finances ng singer?

Napaulat din kasing nag-iwan ng P20M hanggang P30M savings si Morissette sa kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

Sabi ni Carlo, “Siyempre malaki ang kinikita niya, maayos, kasi ano naman siya... masipag siyang magtrabaho.

“She doesn’t say no to work hanggang kaya niya.

“Yun lang, inaano lang namin, ini-space in between performances, na meron siyang one or two-day break, para hindi masyadong stressful sa voice niya.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph si Carlo sa presscon ng All 4 You: The Clash Concert sa Victorino's restaurant, Tomas Morato, Quezon City, nitong Huwebes, October 3.

Kasama ang talent ni Carlo na si Christian Bautista nina Ai-Ai delas Alas, Lani Misalucha, at ng The Clash Season 1 winner na si Golden Cañedo na magpi-perform sa concert na gaganapin sa Arcadia Performing Arts Center, Los Angeles, California, sa October 19.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Stages Talents president Carlo Orosa (left) assures fans of singer Morissette Amon (right photo, with boyfriend Dave Lamar) is "doing very okay."
PHOTO/S: Arniel Serato / Dave Lamar on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results