Joshua Garcia quashes alleged secret romance with Alexa Ilacad

by Rachelle Siazon
Oct 10, 2019
Joshua Garcia to Alexa Ilacad: "Alam mo bang pinagtitripan tayo sa Twitter? Na sinasabi na tayo?"
PHOTO/S: Noel Orsal / @alexailacad Instagram

Nilinaw ni Joshua Garcia na walang katotohanan ang espekulasyong may lihim na relasyon sila ni Alexa Ilacad.

Si Alexa ay ka-love triangle nina Joshua at Janella Salvador sa ABS-CBN prime-time series na The Killer Bride.

Napapangiting sabi ni Joshua tungkol kay Alexa, "Actually, may mga nakikita akong tweet about sa kanya.

"And kami mismo, sinabi ko sa kanya, 'Alam mo bang pinagtitripan tayo sa Twitter? Na sinasabi na tayo?'

"Ta's kami, pinagtatawanan namin, pati na nina Janella."

Sadyang "close lang" daw sila ni Alexa.

"Siyempre nagkatrabaho na kami sa The Good Son," tukoy ni Joshua sa Kapamilya prime-time series na pinagbidahan niya mula September 2017 hanggang April 2018.

"And dito, may gusto siya sa akin. So, mas makakatulong siguro kung mas close kami sa isa't isa.

"Lahat naman ng cast ka-close namin. Kaya siguro nagagawa namin nang maganda yung mga eksena namin."

JUST A FALSE RUMOR

Walang ilangan at kumportable lang daw talaga sila ni Alexa sa isa't isa.

Continue reading below ↓

"Oo, ang hirap naman na basta ka na lang sasalang dun nang wala kang interaction sa tao," nakangiting sabi pa rin ni Joshua.

"Pero yung dun sa about kay Alexa, wala yun.

"Kayo talaga, ang dudumi ng isip niyo."

Base ito sa panayam kay Joshua ng Random Republika sa birthday celebration ng Kapamilya actor na inorganisa ng kanyang solid fans noong October 6.

Noong October 7, pinabulaanan din ni Alexa ang isyung may namamagitan sa kanila ni Joshua.

Nag-ugat ito sa Instagram comment ng isang netizen na siya ay "low-key girlfriend" ng aktor.

Pero direktang nag-reply si Alexa na katawa-tawa raw ang pilit na pag-uugnay ng netizen sa kanila ni Joshua.

ON BEING SINGLE

Sa pagpapatuloy ng panayam kay Joshua, maaliwalas ang mukha ng binata nang sabihin niyang single at loveless siya ngayon.

Paliwanag niya, "Hindi ko na nararamdaman sa dami ng ginagawa ko. Ayoko muna mag-focus sa love life.

"Sabi ko sa sarili ko, bago ako pumasok sa isang relasyon, e, matutunan ko muna mahalin yung sarili ko.

Continue reading below ↓

"Kumbaga, kailangan ma-master ko muna yung sarili ko bago yung iba."

BREAKUP WITH JULIA

Huling nakarelasyon ni Joshua ay ang dating ka-love team niyang si Julia Barretto.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 4, 2019 ay diretsahang inamin ni Joshua na tinuldukan na nila ni Julia ang mahigit dalawang taon nilang relasyon.

Kasunod nito ay nasangkot ang ex-couple sa kontrobersiyal na hiwalayan din ng magkasintahang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Sa kasagsagan ng isyu, naiulat ang pag-like ni Joshua sa matalinhagang Instagram post ni Bea tungkol sa sakit na pinagdadaanan ng huli noon.

May ipinost din si Joshua na tila matalinhagang Instagram Stories kunsaan may written text siyang "I'm mute."

Sinundan pa niya ito ng screenshot ng eksena mula sa series na Money Heist na may subtitles na "You will move on to someone better than me."

Maliban doon, ang tanging sinabi ni Joshua ay maayos ang hiwalayan nila ni Julia, at hindi na nagsalita pa ang binata sa ibang intrigang kinasangkutan ng dating nobya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia to Alexa Ilacad: "Alam mo bang pinagtitripan tayo sa Twitter? Na sinasabi na tayo?"
PHOTO/S: Noel Orsal / @alexailacad Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results