Dani Barretto, Bela Padilla bury the hatchet

by Arniel C. Serato
Oct 11, 2019
"All's well that ends well" between best friends Dani Barretto (in black dress) and Bela Padilla (in white shirt) after months of "big misunderstanding."
PHOTO/S: Courtesy: @danibarretto on Instagram

“All’s well that ends well” sa pagitan ng mag-best friend na sina Bela Padilla at Dani Barretto.

Ito ay matapos ang ilang buwang tampuhan dahil sa “big misunderstanding” sa pagitan nila, na ipinaliwanag naman ni Bela sa eksklusibong panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong nakaraang October 4.

Sa kanyang Instagram kagabi, October 10, ibinahagi ni Dani ang larawan nila ni Bela na magkayakap.

Sa caption, makahulugang mensahe ng kapatid ni Julia Barretto: “No matter what life throws at us, we always find our way back to each other.

"Love you, my Meredith.”

Continue reading below ↓

Sumagot naman si Bela sa post na ito ni Dani.

“Love yooooou” na may kasamang tatlong heart emojis ang sagot ng Kapamilya actress.

Ikinatuwa naman ito ng ilang kaibigan sa showbiz nina Bela at Dani gaya nina IC Mendoza at Danita Paner na pinusuan ang post ni Dani.

Continue reading below ↓

THE BIG MISUNDERSTANDING

Noong kasagsagan ng isyu sa pagitan nina Julia, Gerald Anderson, at Bea Alonzo, may espekulasyong tila nakisimpatiya si Bela kay Bea, na nakairingan ng kapatid ni Dani dahil itinuturo itong third party sa hiwalayan nina Gerald at Bea.

Kasama kasi si Bela sa isang get-together ng ilang Kapamilya stars na tila nagbigay ng moral support kay Bea, na nabiktima diumano ng “ghosting” ni Gerald dahil daw kay Julia.

Continue reading below ↓

Tila sumama ang loob ni Dani dahil mag-best friend sila ni Bela.

Kasunod nito, in-unfollow naman ni Bela si Julia sa Instagram.

Paliwanag ni Bela tungkol sa pag-unfollow kay Julia, isang "Instagram detox" lamang ang ginagawa niya.

Noong September 30, marami ang nakapansing hindi na rin naka-follow sina Bela at Dani sa isa’t isa sa Instagram.

Inamin naman ni Bela na nagkaroon sila ng samaan ng loob ng kaibigan.

Pero, ayos na raw ang lahat sa kanila matapos ang “big misunderstanding” na namagitan sa kanila.

Paliwanag pa ni Bela noon, “Actually, ano ‘to... because some fans messaged both of us.

“Like, a fan messaged me that Dani unfollowed me, so I checked.

“And yun nga, I saw that she did, so I got annoyed.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"All's well that ends well" between best friends Dani Barretto (in black dress) and Bela Padilla (in white shirt) after months of "big misunderstanding."
PHOTO/S: Courtesy: @danibarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results