Alden Richards shows support for Maine Mendoza-Carlo Aquino movie

by Rachelle Siazon
Oct 16, 2019
Alden Richards (left) posts message for Maine Mendoza (right) who has a new movie with Carlo Aquino: "Congratulations Ma'am Maine"
PHOTO/S: Noel Orsal

Naghayag ng suporta ang Kapuso actor na si Alden Richards sa AlDub love team partner niyang si Maine Mendoza.

Ngayong Miyerkules, October 16, ang unang araw ng showing ng Isa Pa With Feelings, ang first movie teamup ni Maine kasama ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino.

Tweet ni Alden:

Continue reading below ↓

PROUD OF MAINE

As early as July, nasabi na ni Alden na masaya siya na nagkaroon ng oportunidad si Maine na makagawa ng pelikula sa ABS-CBN film company na Black Sheep.

"I'm really happy that Maine is now exploring acting with a different partner and doing movie projects alone.

"Kasi, when we were working together, parang talagang nakukuwento niya sa akin na she's really having a hard time when it comes to acting.

"Siyempre, full support naman kami, sinusuportan namin ang isa't isa kapag gumagawa kami ng projects together."

Dagdag ni Alden, "Pero now, siguro ito yung time ni Maine to break out of that fear and conquer kung anuman yung mga nagho-holdback sa kanya."

MAINE'S SUPPORT FOR ALDEN

Malaki rin ang pasasalamat ni Alden nang suportahan ni Maine ang pakikipagtambal ng Kapuso actor sa Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 3, ikinuwento ni Alden na nagkausap sila ni Maine tungkol sa panonood ng dalaga ng Hello, Love, Goodbye.

Continue reading below ↓

“Sobrang na-appreciate po ni Maine yung pelikula at nakakatuwa na, with all honesty, na sinabi niya sa akin yun, and dalawang beses niya po pinanood."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards (left) posts message for Maine Mendoza (right) who has a new movie with Carlo Aquino: "Congratulations Ma'am Maine"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results