Jackie Forster gets bashed after expressing support for Marjorie Barretto

by Jet Hitosis
Oct 23, 2019
Former actress Jackie Forster (left) addresses netizens who bashed her after expressing support for her friend Marjorie Barretto (right): “Instead of me explaining further to those who CHOOSE to MISUNDERSTAND me I will just block you.”
PHOTO/S: @jackie_forster, @marjbarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Sinabi ng dating aktres na si Jackie Forster na iba-block niya ang netizens “who choose to misunderstand me” matapos siyang ma-bash dahil lang sa pakikisimpatiya sa kaibigang si Marjorie Barretto.

Malapit na kaibigan ni Jackie si Marjorie, na kasalukuyang napapagitna sa masalimuot na away ng sariling pamilya kasunod ng pagpanaw ng ama nitong si Miguel Barretto.

October 15, 2019 nang pumanaw si Miguel, 82.

Sa unang gabi ng lamay nitong October 16 ay nagkaroon ng gulo makaraang dumating si Gretchen Barretto, na ilang taon nang may alitan sa kanyang mga magulang.

Naroon din sa lamay si Pangulong Rodrigo Duterte, at nasaksihan ng Presidente nang magkaayos at magyakapan ang mag-inang Inday Barretto at Gretchen.

Tinangka umano ni Pangulong Duterte na papagkasunduin ang matagal na ring magkaaway na sina Gretchen at Marjorie, pero tumanggi ang huli.

Napaulat na nagkaroon ng kumprontasyon nang gabing iyon sa pagitan nina Gretchen, Marjorie, at ng pamangkin nilang si Nicole Barretto, anak ng nakatatandang kapatid nilang si JJ Barretto.

Continue reading below ↓

Kinabukasan, October 17, nagkasakitan naman sina Claudine Barretto at Marjorie sa lamay pa rin ng kanilang ama.

Kaagad na naglabas sina Gretchen at Claudine sa media ng bersiyon nila ng magkasunod na insidente.

Pero pagsapit ng October 18, binigyang-diin ni Marjorie sa kanyang Instagram post na pawang “lies” at “false statements” ang pahayag ng kanyang dalawang kapatid.

JACKIE COMFORTS MARJORIE

Sa naturang post ni Marjorie, humingi siya ng dasal sa nakatakda niyang paglalahad ng “whole truth and nothing but the truth.”

Kabilang sa mga kaibigang nagkomento sa post ni Marjorie si Jackie: “(heart with ribbon emoji) sending prayers of the light and Love your way @marjbarretto exhale the negativity (two hearts emoji).”

Continue reading below ↓

Isang netizen ang nag-react sa mensahe ni Jackie kay Marjorie, at sinabihan ang una “Exhale her own negativity (smile and peace sign emojis).”

Sagot ni Jackie: “don’t act like you know everything that’s going on. May (peace sign) ka pa nalalaman ha?!

“Stay out of it. Give this family peace.”

Continue reading below ↓

Isa pang netizen, na gumamit ng pangalang @beaealonzo—na pagkatapos ay binura rin ang sariling komento at ang mismong Instagram account—ang mahihinuhang negatibo rin ang ikinomento sa mensahe ni Jackie, batay sa sagot sa kanya ng dating aktres.

Sinabihan ni Jackie ang netizen ng “weird” sa pakikialam sa buhay ng pamilya Barretto na sa ngayon ay “going through a difficult time.”

Saad pa sa sagot ni Jackie: “Be careful on things you wish for and laugh about with other people and their misery because one day you will feel pain too and it will hit you in folds.”

Continue reading below ↓

BASHERS WILL BE BLOCKED

Halos isang linggo na ang nakalipas, pero mistulang hindi tinitigilan si Jackie ng mga bashers.

Kahapon, October 22, nag-post na siya sa Instagram ng direktang mensahe sa mga ito.

Saad sa quote na post ni Jackie: “Protect your peace from those who are committed to misunderstanding you.”

Sa mahabang caption ni Jackie, sinabi nitong ayaw niyang nakikipagtalo sa mga taong hindi niya kapareho ang opinyon, at “want to take things out of context and read what I say as if I’m mad or angry.”

Post ni Jackie: “I do not encourage fights on my page, I don’t like when people argue instead of having open discussions.

“People always want to take things out of context and read what I say as if I’m mad or angry.

“If you really knew me, you would know that I try to be patient and understanding.

Continue reading below ↓

“I try my best to understand why someone is the way they are and what they could possibly be going through for them to behave the way they do.”

Dahil dito, sinabi ni Jackie na hindi na siya magpapaliwanag pa sa mga tao “who CHOOSE to MISUNDERSTAND me” at iba-block na lang niya ang mga ito, gayundin ang mga may negatibong komento.

“But from now on instead of me explaining further to those who CHOOSE to MISUNDERSTAND me I will just (stop sign emoji) Block you and (minus sign emoji) Those Who Like The Negative Comments as Well,” saad pa sa post ni Jackie.

Sakali naman, ayon kay Jackie, na may mahalagang kailangan sa kanya ang netizen pero blocked ito, dapat na mag-“apologize” muna ito sa kanya sa ibang platform “before asking or receiving anything from me.”

Continue reading below ↓

PERSONAL ATTACKS AGAINST JACKIE’S KIDS

Paliwanag ni Jackie, bagamat marami sa kanyang followers ang hindi niya kapareho ang opinyon, “most of them are respectful when they are on here.”

Sa kanyang post, ibinunyag ni Jackie na dumating na sa puntong idinadamay ng bashers maging ang kanyang mga anak, sa pamamagitan ng direct message sa kanya.

“I wish everybody well, I don’t understand that while I am trying to uplift others, people are wishing me ill and even going so low as to Dm nasty things to my children.”

Anak ni Jackie sina André, 23, at Kobe Paras, 22, sa dating asawang si Benjie Paras, bukod pa sa tatlong paslit—sina Jared, Caleigh, at Yohan, sa asawang si Michel Franken.

Dagdag-paliwanag pa ni Jackie, “The internet is filled with people possessed by all sorts of demons, so I refuse to allow them into my life through social media.”

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

I do not encourage fights on my page, I don’t like when people argue instead of having open discussions. People always want to take things out of context and read what I say as if I’m mad or angry. If you really knew me, you would know that I try to be patient and understanding. I try my best to understand why someone is the way they are and what they could possibly be going through for them to behave the way they do. But from now on instead of me explaining further to those who CHOOSE to MISUNDERSTAND me I will just ???? Block you and ?? Those Who Like The Negative Comments as Well. Now for the future if you have been blocked and there is anything I am involved in that you might benefit from, maybe try a different avenue and apologize first before asking or receiving anything from me. But while you are in a negative state/space you are not welcome on my page. I have many women (a few men) following me that don’t have ???? same opinions on things but most of them are respectful when they are on here. For the ones who have been following for some time I’m sure you have seen me post that - We can all agree to disagree on things but the foundation of what we stand for and why we do what we do will always be Constant. I wish everybody well, I don’t understand that while I am trying to uplift others, people are wishing me ill and even going so low as to Dm nasty things to my children. The internet is filled with people possessed by all sorts of demons, so I refuse to allow them into my life through social media. Sending love and light to you all ?? God bless the intentions of your heart ????????

A post shared by Jackie Forster (@jackie_forster) on

Gayunman, isang netizen ang nagtanong kay Jackie kung kakampihan pa rin ba niya si Marjorie at anak nitong si Julia Barretto “in terms of their behaviour during the wake,” at idinagdag na, “Probably if Marjorie own up her mistakes things would settle.”

Una nang napaulat na nakisali umano si Julia sa sakitan nina Marjorie at Claudine sa lamay nitong October 17, pero kaagad itong itinanggi ng young actress.

Kinontra rin ng netizen ang pagiging "well raised" ni Julia, na ipinagtanggol pa raw nito sa kasagsagan ng pagkakadawit ng 22-anyos na Kapamilya actress sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson noong July ngayong taon.

Continue reading below ↓

Sa radio interview ni Claudine nitong Martes ng gabi, October 22, iginiit niyang sinaktan umano siya ng pamangking si Julia matapos niyang sampalin si Marjorie.

JACKIE WISHES PEACE FOR THE BARRETTOS

Sagot ni Jackie: “And what is the problem with me wishing her strength and to let things go?

“When a friend does something wrong what is the right thing to do?

Continue reading below ↓

“Turn your back on them and or be ashamed of them? Or pray for them and uplift them and remind them that things get better?”

Nilinaw rin ni Jackie na kaibigan niya ang magkakapatid na Barretto, at wala siyang “issues” sa sinuman sa mga ito.

Pero iginiit niyang hindi dapat pinakikialaman ang away ng pamilya nito, dahil walang nakakaalam sa puno’t dulo ng dahilan ng alitan.

“They were all my friends I didn’t have issues with any of them. I wish them all peace.

“But again this isn’t our fight and again we are not supposed to judge because we don’t know the root and what happened before and after—and we shouldn’t demand for that.”

Katuwiran ni Jackie, ang kinaiinisan niya ay ang ibang netizens na inaakalang maaaring i-“bully” ang kapwa “to not encourage and support someone they don’t agree with.”

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former actress Jackie Forster (left) addresses netizens who bashed her after expressing support for her friend Marjorie Barretto (right): “Instead of me explaining further to those who CHOOSE to MISUNDERSTAND me I will just block you.”
PHOTO/S: @jackie_forster, @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results