Is Nadine Lustre no longer with Viva?

by Rachelle Siazon
Dec 12, 2019
Nadine Lustre, umalis na nga ba sa bakuran ng Viva kunsaan siya ay exclusive star mula pa noong 2009?
PHOTO/S: @nadine Instagram

Nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng impormasyong wala na sa bakuran ng Viva Artists Agency (VAA) si Nadine Lustre.

Hindi malinaw kung kailan pa kumalas sa Viva si Nadine.

Pero nito lang December 10, Martes, pumirma si Nadine ng kontrata sa Careless Music, ang independent record label na itinatag at pinamumunuan ng nobyo niyang si James Reid.

Si Nadine ang nanguna sa iba pang independent artists na pumirma sa record label ni James.

Ayon sa source, ang pagpirma ni Nadine sa Careless Music ay hindi lang dahil wala na itong kontrata sa Viva Records kundi dahil hindi na rin umano ito bahagi ng VAA.

May mga espekulasyon kung lilipat na rin ng talent management si Nadine nang magdesisyon si James na hindi i-renew ang kontrata nito sa VAA at pati na rin sa Viva Films.

Unang naiulat ang pag-alis ni James sa Viva sa Cabinet Files ng PEP.ph noong August 17.

Continue reading below ↓

Kinumpirma ito ni James sa isang media statement na inisyu ng kanyang abugado noong October 4.

Sa panayam ng PEP.ph noong September 29, nabanggit ni Nadine na sadyang natapos na ang kontrata ni James kaya umalis ito ng Viva.

Sa kaso raw niya, ang tanging sinabi ng actress-singer ay sampung taon na siyang exclusive star ng Viva at "okay naman po kami."

Si Nadine ay exclusive artist ng Viva mula nang ilunsad siya bilang bahagi ng all-female girl group na Pop Girls noong 2009.

Sabay silang nabigyan ng big break ni James nang magkatambal sila sa pelikulang Diary Ng Panget, sa produksiyon ng Viva Films, noong 2014.

Pinagbidahan din nila ang mga pelikulang Talk Back and You're Dead (2014) at Para Sa Hopeless Romantic (2015).

Hanggang sa sumikat sila nang husto sa ABS-CBN prime-time series na On The Wings of Love (2015).

Huling pinagbidahan nilang teleserye ang Till I Met You (2016).

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre, umalis na nga ba sa bakuran ng Viva kunsaan siya ay exclusive star mula pa noong 2009?
PHOTO/S: @nadine Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results