Isang malaking tinik daw sa dibdib ang natanggal kay Alex Diaz, 25, nung umamin siyang bisexual.

Sa panayam ng TV Patrol ng ABS-CBN kagabi, January 10, sinabi ng Kapamilya actor na wala raw siyang batayan tungkol sa sexual preference nung kanyang kabataan.
Kuwento ni Alex, “When I was 15 years old, I don’t really understand kung ano yung gay, straight, bisexual, tomboy, and all that stuff.
“Ang alam ko lang hindi ako belong. Parang hindi ako kasali.
“I developed bad habits, bad drinking habits, bad party habits, bad friends, all because gusto ko lang ma-belong.”
Sa kanyang pag-amin sa kanyang gender preference, marami raw siyang bisyong natigil.
Marami rin daw ang nagpaabot sa kanya ng kanilang paghanga at nagsabing naging inspirasyon nila ang aktor sa kanyang tapang.
Sabi pa ni Alex, “Magaan, magaan. And I feel like I'm finally starting to be an adult.
“Before the year starts, I wanna start fresh, [with] clean slate.”
Ang pag-amin ni Alex ay bunsod sa rebelasyon ng fitness coach na si Miguel Chanco na nagpadala diumano ang aktor ng indecent proposal sa kanya sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram.
Dahil dito, nangibang bansa muna si Alex upang mapagpalamig at babalik lamang sa showbiz kapag na-reasses na niya ang kanyang sarili.
