Piolo Pascual, Angel Locsin, Anne Curtis reiterate support for ABS-CBN

by Arniel C. Serato
Feb 12, 2020
ABS-CBN prized talents Piolo Pascual, Angel Locsin, and Anne Curtis pray that their home network's franchise will be renewed by Congress for the benefit of its 11-thousand strong employees and talents.
PHOTO/S: Courtesy: Piolo Pascual / Angel Locsin / Anne Curtis on Facebook

Patuloy pa rin ang pagpapahayag ng suporta ng ABS-CBN stars para sa kanilang home network, na nalalagay sa alanganin ngayon dahil sa quo warranto petition na isinampa ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court (SC).

Laman ng petition na isinampa mismo ni Solicitor General Jose Calida ang mga paglabag diumano ng network sa probisyon ng kanilang prangkisa kaya dapat daw itong i-revoke ng Korte Suprema.

Itinanggi naman ng ABS-CBN ang mga paratang ng mga abugado ng gobyerno.

Maliban dito, hindi pa rin dinidinig sa Kongreso ang mga panukalang batas na magpapalawig ng prangkisa ng giant network sa susunod sanang 25 taon.

Sa March 30, 2020 na magtatapos ang franchise to operate ng ABS-CBN.

Sa gitna ng mga balakid na ito, naghayag ng kanilang saloobin ang ilang Kapamilya artists, kabilang sina Piolo Pascual, Angel Locsin, at Anne Curtis—tatlo sa pinakamalalaking bituin ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

PIOLO: "I FOUND ANOTHER FAMILY IN ABS-CBN"

Sa kanyang panig, inaalala ni Piolo ang mga taong nagtatrabaho sa likod ng kamera na itinuturing na rin niyang kapamilya.

Umaasa rin ang 43-year-old actor-producer na magiging okay ang lahat.

Sabi niya sa kanyang post sa Instagram kagabi, Feberuary 11: "Family has always been my anchor, mula nung nagsisimula ako as an on-cam talent until now when I also produce content off-cam.

“Fortunately, I found another family in ABS-CBN - fellow artists who are now my friends, my mentors, and the many people behind the scene.

“Kung wala sila, wala din kami.

“That’s why I’m praying everything turns out well and ok.

“At para sa mga tao who give their best every day to inform, to entertain, and to give us hope.

“Stay strong, mga Kapamilya.”

Si Piolo ay huling napanood sa teleseryeng Since I Found You noong 2018.

Continue reading below ↓

ANGEL: “KAMI PO ANG ABS-CBN”

Idinadalangin naman ni Angel na ang mga batas sa bansa ay magamit sa tama para sa mga Pilipino.

Mensahe niya sa kanyang Instagram post kagabi, February 11: “Praying that the law shall be used to protect jobs, press freedom, justice and betterment of the Filipino people.”

Sa post naman niya ngayong araw, February 12, nakiusap si Angel sa mga taong huwag basta-basta magkomento nang mali ukol sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Mahabang caption ng aktres: "Isang pakiusap. 'Think before you click'.

"Mga cameramen, utility, art department, technical department, production, actors, directors, caterers, producers, lightmen, crew, tents, etc..

"Mga ilan sa libo-libong tao sa loob ng isang network.

"KAMI po ang ABS-CBN.

"Sa ilang taon ko po sa ABS-CBN, nakilala at minahal ko ang mga tao dito.

"I have listened and known their stories — kung anong mga pinag-iipunan nila, magkano pa ang utang, sino ang nagkasakit... lahat pinagpapaguran para po sa pamilya nila.

“I may have not renewed my contract with ABS since I’m preparing for my wedding, but these men will always be my family and I will stand by them.

“Mahal ko sila at hindi po ito drama kundi kung sino po ang mas magdurusa sa sitwasyong ito.

“Bago po tayo magsalita, isiping mabuti kung makakasira ba ito ng buhay ng napakaraming tao.

“Kung ito ho ba ang tamang solusyon? Kung meron pong pagkakamali man, gawin po nating tama.

Continue reading below ↓

“Hindi po ang pagpapasara ng isang network ang makakatulong sa amin at sa pamilya po namin.

“We have families that rely on us kagaya nyo rin po.

“Konting pag-unawa lang po. Isang pakiusap. [camera emoji] ABS-CBN team behind the set. #NoToABSCBNShutDown

Huling napanood si Angel sa primetime series na The General's Daughter.

Continue reading below ↓

ANNE: “STAY STRONG KAPAMILYA”

Si Anne ay nagbahagi sa kanyang Instagram ng pahayag noon ni ABS-CBN founding chairman Geny Lopez tungkol sa serbisyo na dapat ihatid ng istasyon.

Caption ni Anne sa kanyang post sa Instagram, “Always [three hearts emojis].

“From the time I have been with ABS-CBN I have witnessed how they have always been in the service of the Filipino... providing jobs in which creativity and talent have touched peoples lives through television, helping in times of need and entertaining viewers across the globe every single day.

“I pray that everything works out for the best.

“Stay strong Kapamilya.”

Si Anne ay kasalukuyang naka-maternity leave mula sa noontime show na It's Showetime.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN prized talents Piolo Pascual, Angel Locsin, and Anne Curtis pray that their home network's franchise will be renewed by Congress for the benefit of its 11-thousand strong employees and talents.
PHOTO/S: Courtesy: Piolo Pascual / Angel Locsin / Anne Curtis on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results