Ion Perez dedicates "wedding vow" video to Vice Ganda

by Bernie V. Franco
Mar 3, 2020
Ion Perez posts a romantic audio-video clip of him and partner Vice Ganda on Instagram using a romantic dialogue from Grey's Anatomy as background.
PHOTO/S: Photo grabbed from It's Showtime / @praybeytbenjamin on Instagram

Tapos na ang Valentine’s Day, pero nagmistulang Araw ng mga Puso pa rin nang mag-post si Ion Perez sa Instagram nitong weekend ng isang video clip para kay Vice Ganda.

Ang video ay binubuo ng sweet moments nina Vice at Ion mula sa It’s Showtime, ang Kapamilya noontime show na pareho nilang kinabibilangan.

Kalakip ng video ay ang audio mula sa sikat na Hollywood TV series na Grey’s Anatomy.

Ang dialogue ay naglalaman ng wedding vow ng karakter na si Preston Burke (ginampanan ni Isaiah Washington) para kay Cristina Yang (ginampanan ni Sandra Oh).

Sa dialogue, nangangako ang lalaking iaalay nang buo ang sarili sa kanyang mapapangasawa, kahit hindi nito maipapangakong lagi silang magiging masaya sa kanilang pagsasama.

Bahagi ng dialogue: “I am not optimistic; I am not hopeful. I am sure; I am steady. And I know that I am a heart man.

“So of this I am sure: you are my partner, my lover, my very best friend, my heart. My heart beats for you.

Continue reading below ↓

“And on this day, the day of our wedding, I promise you this: I promise you to lay my heart in the palm of your hands; I promise you me."

Ganito naman ang caption ni Ion sa post: "My partner My lover My very best friend [heart emojis]"

Halatang kinilig si Vice sa inialay na audio-video clip ng boyfriend base sa kanyang mensahe.

Continue reading below ↓

Komento ng 43-year-old It’s Showtime host: “Ang saya. Ang sarap. Ang ganda. Salamat!!! I love you!”

Sagot naman ng kanyang 29-year-old boyfriend: “@praybeytbenjamin i love you very much!”

Nagbigay rin komento sina Ryan Bang at Eric Tai sa sweetness ni Ion kay Vice.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

VICE AND ION’S VALENTINE CELEBRATION

Naging espesyal ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso nina Vice at Ion noong February nang magbakasyon sila sa luxury resort sa Amanpulo, Pamalican Island, Palawan.

Naging malaman din ang Valentine message ni Vice tungkol sa pag-iibigan nila ni Ion.

Caption ng host-comedian: “Our love doesn’t have to be the same with yours.

“Every love is unique and special.

“Love is not supposed to be mediocre.”

Kalakip nito ang ilang sweet pictures nina Vice at Ion sa beach.

Lumalabas na iyon ang pangalawang Valentine celebration nina Vice at Ion.

October 2019, inamin ni Vice 10th anniversary celebration ng It’s Showtime na magkarelasyon na sila.

Noong November 2019, sa isang interview kay Vice ay inamin niyang isang taon na silang magkarelasyon ni Ion.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ion Perez posts a romantic audio-video clip of him and partner Vice Ganda on Instagram using a romantic dialogue from Grey's Anatomy as background.
PHOTO/S: Photo grabbed from It's Showtime / @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results