Pia Wurtzbach admits to newfound romance; says, "I can be the alpha that I am, all the time."

Mar 6, 2020
Pia Wurtzbach refuses to name her new inspiration: “I’m happy, I’m inspired, I feel very empowered. I feel like I can be myself and I don’t have to water myself down. I can be my full self. I can be my full Pia, 100% empowered Pia, fight mode all the time; I can be the alpha that I am, all the time. I don’t have to filter myself for anyone anymore."
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram

Inamin na ni Pia Wurtzbach na may bago siyang inspirasyon ngayon.

Ginawa ng Miss Universe 2015 ang pag-amin tatlong buwan matapos mapabalita ang hiwalayan nila ng professional race car driver na si Marlon Stockinger.

Unang bahagi ng December 2019 nang iulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ilang buwan nang hiwalay sina Pia, 30, at Marlon, 28.

Ayon sa source ng PEP.ph, on-and-off na ang relasyon ng dalawa sa mga huling buwan ng kanilang three-year relationship.

At sa panayam ng Mega Magazine sa Filipina-German beauty queen kamakailan, mahihinuhang masaya ngayon ang dating Miss Universe.

“100% EMPOWERED PIA”

Sa unang pagkakataon simula nang maging single, ibinahagi ni Pia ang malaking pagbabago sa kanyang sarili, na epekto ng bago niyang relasyon.

Inilarawan niya ang sarili na “happy,” “inspired,” at “empowered.”

“I’ve never talked about this before,” bungad ni Pia nang magawi ang usapan sa breakup at relationships.

Dugtong niya, “I’m happy, I’m inspired, I feel very empowered.

Continue reading below ↓

“I feel like I can be myself and I don’t have to water myself down.

“I can be my full self.

“I can be my full Pia, 100% empowered Pia, fight mode all the time; I can be the alpha that I am, all the time.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“I don’t have to filter myself for anyone anymore,” ani Pia.

PIA AND JEREMY

Bagamat hindi pinangalan ang bagong nagpapatibok sa kanyang puso, ilang buwan nang nali-link si Pia sa Scottish-Colombian model-traveler-entrepreneur na si Jeremy Jauncey.

Si Jeremy, 34, ang founder at Chief Executive Officer (CEO) ng social media-savvy creative agency na Beautiful Destinations.

Bukod dito, travel editor-at-large rin si Jeremy ng Asia Tatler.

Unang araw ng 2020 nang nabulabog ang social media sa balitang magkasamang sinalubong nina Pia at Jeremy ang Bagong Taon sa Indonesia.

Pinaniniwalaang nagkasama silang muli sa New York City noong nakaraang buwan.

Sa mga huling post ni Pia sa Instagram, kapansin-pansing regular na nagla-like si Jeremy, at madalas pa nga itong nagkokomento ng emojis—partikular ang heart eyes emoji.

Continue reading below ↓

Tulad ng post ni Pia ngayong Biyernes, March 6, tungkol sa pagbabalik niya sa Indonesia bilang bahagi ng kanyang HIV-AIDS awareness advocacy.

May announcement din ang beauty queen nitong Huwebes, March 5, tungkol sa special feature sa kanya ng fashion magazine.

Continue reading below ↓

Nag-like rin si Jeremy sa promo post ni Pia noong nakaraang linggo para sa bagong endorsement ng dalaga sa isang fast-food chain restaurant.

Continue reading below ↓

May summer fashion tips post din ang model-actress noong nakaraang linggo.

Dalawang linggo na ang nakalipas nang mag-post si Pia tungkol sa plano niyang magsuot ng pulang damit sa buong buwan ng February, na tinaguriang love month.

Continue reading below ↓

Regular din namang nila-like ni Pia ang mga Instagram posts ni Jeremy.

Pero hanggang ngayon ay walang kumpirmasyon mula kina Pia at Jeremy tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

MARLON AND FRANKI

Samantala, ilang araw bago naisapubliko ang interview ng fashion magazine kay Pia, may bago na ring nali-link kay Marlon.

Ito ay ang Pinoy Big Brother: Otso alumna na si Franki Russell, 25.

Noong nakaraang linggo, kumalat sa social media ang mga litrato nina Marlon at Franki nang mag-beach sila sa La Union, kasama ang ilang kaibigan.

Sa interview kay Franki sa Tonight With Boy Abunda nitong Huwebes ng gabi, March 5, inamin ng dalaga na nasa getting-to-know-each-other stage sila ni Marlon sa ngayon.

“He's single, I'm single. So there's nothing wrong with that naman,” paliwanag ni Franki sa host na si Boy Abunda tungkol sa napapabalitang nagkakamabutihan na sila ni Marlon.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Wurtzbach refuses to name her new inspiration: “I’m happy, I’m inspired, I feel very empowered. I feel like I can be myself and I don’t have to water myself down. I can be my full self. I can be my full Pia, 100% empowered Pia, fight mode all the time; I can be the alpha that I am, all the time. I don’t have to filter myself for anyone anymore."
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results