Sunshine Cruz says Kim Chiu fake ambush accusation is "heartless"

by Arniel C. Serato
Mar 10, 2020
Sunshine Cruz on negative comments about Kim Chiu's ambush: "She doesn’t need any of that, of that fake news-news na ‘yan. Hindi kailangan ng isang tao na katulad ng isang Kim Chiu ng ganyang klaseng negativity or negative news.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Pinanindigan ni Sunshine Cruz ang kanyang pagdepensa sa co-star sa Love Thy Woman na si Kim Chiu laban sa dating brodkaster na si Jay Sonza.

Sinabi kasi ng dating ABS-CBN at GMA-7 broadcaster na “isang malaking drawing” ang nangyaring pananambang kay Kim noong umaga ng March 4, Miyerkules.

Inalmahan ito ni Sunshine sa pamamagitan ng kanyang Facebook post noong March 6.

Video: Arniel Serato.

Ayon kay Sunshine, late call siya sa taping ng teleserye nila ni Kim, kaya nagpuyat pa siya noong gabi ng March 3, Martes.

Magtatanghali na raw siya nagising kinabukasan, March 4, kaya wala siyang kaalam-alam sa nangyari sa co-star.

Pagbabalik-tanaw ni Sunshine, “Nakita ko yung Viber group namin, nakita ko, yun na nga, may nangyaring ambush.

“So, napatayo ako agad.

"Not for anything, pero napakabait talaga ni Kim and hindi siya mahirap mahalin.

“So, ang dami na rin... last year pa kami nagti-taping, nandun na rin yung relationship namin na very comfortable ako sa kanya at siya rin sa akin.

Continue reading below ↓

“Parang anak-anakan ko na. So, I was really worried for her.”

Mag-ina ang role nina Sunshine at Kim sa Love Thy Woman.

Nagsalita muli si Sunshine tungkol sa paratang ni Sonza na peke o staged ang nangyaring ambush kay Kim.

“Ako, definitely, it’s not a fake ambush.

“Si Kim naman, she has proven herself already and napaka-low profile nga ng batang ‘yan.

“Hindi naman siya yung mahilig sa controversies.

“So, porke’t walang namatay, porke’t walang nasaktan, fake agad?

“So, sorry, pero nakapaano nun, heartless.

“So I am really sorry, pero nakakaawa lang kasi yung nangyari kay Kim.

"And hindi nakakatuwa for someone na isipin na ganun yung nangyari lang sa isang tao."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa grand opening ng Hazelberry (A Taste of Love) pastry/restaurant shop ni Ara Mina sa Molito Lifestyle Center, Alabang, Muntinlupa, noong Linggo, March 8.

Isa si Sunshine sa nag-cut ng ribbon sa blessing ng ika-apat na branch ng resto/café ng Ang Probinsyano actress.

Continue reading below ↓

Kasama ni Sunshine na dumalo sa event ang nobyo nitong si Macky Mathay III, na half-brother naman ni Ara.

KIM’S PROFESSIONALISM

May ilang nagsabing inangat ni Kim ang salitang “professionalism” dahil kahit may nangyaring banta sa kanyang buhay, dumiretso pa rin siya sa taping ng Love Thy Woman.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Sunshine, “Naka-two scenes pa.

"Siguro ano yun, e, hindi pa nag-sync in agad dun sa bata yung nangyari talaga.

“And parang sa kanya lang, she needs to be on time, hindi siya puwedeng ma-late, maraming naghihintay sa kanyang ibang artista.

“Andun sila Christopher de Leon, andun sila Miss Eula Valdes sa set. Andun lahat.

“So, yun ang iniisip niya muna siguro, hindi sa kanya agad.

"I guess that’s what happened, kaya nagpasundo siya agad, dumiretso siya.

“She left her driver and assistant para ma-interview ng pulis.”

Papuri pa ni Sunshine sa co-star, “She is very professional, she’s a wonderful, wonderful person.

“Wala akong masasabi sa kanya.

“Darating siya sa set kahit pagod siya, darating siya on time, prepared, pati sa script, lahat, so…

“Ang daming endorsements nung tao, she doesn’t need any of that, of that fake news-news na ‘yan.

“Hindi kailangan ng isang tao na katulad ng isang Kim Chiu ng ganyang klaseng negativity or negative news."

Continue reading below ↓

Nang makausap ng PEP.ph si Sunshine ay hindi pa raw sila ulit nagkakausap ni Kim, pero kinabukasan, March 9, ay may taping sila para sa teleserye.

Saad ni Sunshine, “Tommorrow I’ll be seeing her, pero I can’t help but…

“Yun nga, nag-post ako sa Facebook, na parang, huwag mo namang sabihing drawing o fake. Parang pati ako, nasaktan dun.

“I know the person so well, kasi napakabuting tao.”

Hanggang ngayon ay wala pang inilalabas ang pulisya na resulta ng imbestigasyon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz on negative comments about Kim Chiu's ambush: "She doesn’t need any of that, of that fake news-news na ‘yan. Hindi kailangan ng isang tao na katulad ng isang Kim Chiu ng ganyang klaseng negativity or negative news.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results