How sidewalk vendors, tricycle drivers, other informal workers can get aid from DOLE

by Arniel C. Serato
Mar 18, 2020
Secretary Silvestre Bello III of DOLE assures displaced informal workers that the agency is ready to give them employment assistance during the enhanced community quarantine period.
PHOTO/S: Arniel Serato

Walang dapat ipag-alala ang mga magtataho at iba pang sidewalk vendors, ang mga pedicab, tricycle, at jeepney drivers, at ang iba pang informal workers.

Ito ang tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) matapos ang press briefing ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Malacañang, na nagsimula Martes ng gabi, March 17, at natapos ng Miyerkules ng madaling-araw, March 18.

Dito ay ipinaliwanag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III ang mga alituntunin sa pag-avail ng informal workers ng tinatawag na emergency employment program.

Ayon kay Bello: “Tungkol dun sa informal workers, we’ll also have a program for them which is called the TUPAD [Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program], the emergency employment program.

“Kapag ikaw ay isang informal worker, nagbebenta ka ng mangga, o nagbebenta ng gulay, o kaya ay nagta-traysikel ka, at mawalan ka ng trabaho dahil dito sa enhanced community quarantine [ECQ], bibigyan ka namin ng trabaho.

Continue reading below ↓

“This is good for maybe 10 to 20 days."

Binanggit din ni Bello ang mga trabahong ibibigay nila sa nawalan ng hanapbuhay.

“Pero ang trabaho na ibibigay namin sa 'yo ay to disinfect, unang-una yung bahay mo, pangalawa yung kapitbahay mo.

“At saka iyong mga daan na madadaanan mo kapag ikaw ay umuuwi at pumupunta sa trabaho mo.

“Ito ang trabaho na ibibigay namin sa mga informal workers.

“We also offered the same program sa mga formal workers. And we pay them the minimum wage.

“Yun ang aming maibibigay na programa para sa ating manggagawa both formal and informal workers.”

MINIMUM WAGE FOR INFORMAL WORKERS

Minimum wage daw ang suweldong matatanggap ng mga mawawalan ng trabaho dahil sa pinairal ng gobyerno na ECQ (Enhanced Community Quarantine) sa buong Luzon.

Ang minimum wage sa Metro Manila ay umaabot ng P537 kada araw.

Ang sa ibang rehiyon naman ng Luzon ay tinatayang nasa lagpas P300.

Continue reading below ↓

Paliwanag pa ni Bello, “Yun yung mga nabanggit ko kanina, yung mga tulong namin sa mga informal workers.

“Ito yung mga sidewalk vendors, ito yung mga tinatawag naming informal workers.

“And we also have a program for them, and that is the emergency employment program.

"We’ll give them some work to do and we will pay them the minimum wage.”

Dagdag pa niya, “Oo, lahat kasama, lahat ng mga workers—merong formal, merong informal.

“Yung formal, parehas ang trato namin sa kanila, bibigyan namin sila ng trabaho, kagaya ng mga informal.”

Nauna nang ipinaliwanag si Secretary Bello ang mga programa para sa mga regular employees, kung saan sasagutin daw ng DOLE ang bayad sa mga ito kapag sasailalim sila sa 14-day mandatory quarantine at paubos na o wala na silang leave credits.

HOW TO AVAIL of THE EMERGENCY EMPLOYMENT PROGRAM

Sa mga sinasabing isang kahig, isang tuka—o mga taong umaasa lamang sa kanilang arawang kita upang makakain—mabilis ba silang makakapag-avail sa programang ito ng DOLE?

Continue reading below ↓

Sagot ni Secretary Bello: “Mabilis lang ‘yan, mabilis lang ‘yan.

“All they have to do is go to the barangay officials, and the barangay officials will submit their names to us.

“We will include them in the list of beneficiaries, and then we let them work.

“And trabaho sila ng 10 days, or 20 days, or 30 days, and we’ll pay them the minimum wage.”

Hindi na raw bago ito sa mga manggagawa ng barangay dahil may kasanayan na sila sa ganitong sitwasyon.

Saad pa ng kalihim: “Madali lang po, madali lang po.

“Kasi sanay na yung mga barangay officials diyan dahil itong programa naming ito, kasi every year we do it.

“Almost every three months, nag-aano kami.

“Remember mo yung the closure of Boracay?

“When Boracay was closed for six months, all the restaurant workers and the hotel workers were displaced.

“Wala silang trabaho dahil nawala ang operation, e.

Continue reading below ↓

“So, what did we do?

“We gave them work for six months, all of them.

"Yung nagbebenta ng barbecue doon, yung waiter sa isang hotel o sa isang restaurant, we gave them work for six months, malaking amount yun."

Pagpapatuloy ni Bello: “Fortunately, the President was very generous, binigyan kami sa kanilang AMP, yung adjustment measure program.

“So, nabayaran namin yun.

“’Yun ang gagawin namin dun sa madi-displaced ngayon.”

Kasalukuyang naka-enchanced community quarantine ang buong Luzon bilang precautionary measure upang maiwasan pa ang pagkalat ng corona virus disease-2019 o COVID-19.

Isinailalim na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong bansa sa state of calamity upang maayudahan ang national at local governments sa paggamit ng kanilang quick response fund.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Secretary Silvestre Bello III of DOLE assures displaced informal workers that the agency is ready to give them employment assistance during the enhanced community quarantine period.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results