Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Angel Locsin disgusted with Senator Koko Pimentel; regrets campaigning for him

by Rachelle Siazon
Mar 25, 2020
Angel Locsin on supporting Senator Koko Pimentel during a past election: "Mortal sin. Patawarin nyo po ako..."
PHOTO/S: @therealangellocsin Instagram / Koko Pimentel Facebook

"Eww."

Ito ang reaksiyon ni Angel Locsin nang maungkat ang lumang litrato niya kasama si Senator Koko Pimentel.

Ikinampanya ni Angel si Pimentel bilang senatorial candidate noong 2007 elections.

Pero pinagsisisihan na raw ng aktres ang pag-endorso sa senador.

"Yes. Super. Mortal sin. Patawarin nyo po ako bilang ex husband po sya ng pinsan ko," tweet ni Angel.

Continue reading below ↓

Base ito sa pakikipagpalitan niya ng tweets sa netizens, Miyerkules ng gabi, March 25.

THE BREACH OF PROTOCOL

Pinuputakti ng batikos ngayon sa social media si Pimentel.

Trending ang "Koko Pimentel, #KokoResign, at #useyourKOKOte."

Sinuway niya kasi ang quarantine protocol gayong siya ay kinukunsiderang Person Under Investigation (PUI) para sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Sa halip na manatili sa loob ng bahay, sinamahan pa ni Pimentel ang maybahay niya sa Makati Medical Center noong March 24 ng gabi.

Nakatakda sanang manganak ang misis ni Pimentel via caesarean section.

Pero nagkaaberya nang malaman ng pamunuan ng MakatiMed na positibo sa COVID-19 si Pimentel.

Ikinagalit ng MakatiMed ang "irresponsible" at "reckless action" ni Pimentel dahil pati ang health workers ng ospital ay posibleng na-expose sa COVID-19 infection.

Ang siste, hapon pa lang ng March 24 ay nag-anunsiyo na ang MakatiMed na maximum capacity na ang kanilang ospital sa COVID-19 patients.

Sagad na rin daw ang workforce availability at supply of vital infection prevention equipment.

Imbes na matulungan daw ang kanilang ospital ay dumagdag pa sa problema ang senador.

ANGEL THROWS MORE SHADE

Bilang concerned citizen, lalong ikinainis ni Angel ang kawalan ng aksyon ng gobyerno sa paglabag ni Pimentel sa quarantine protocol.

Ibinahagi ni Angel ang balitang hindi iimbestigahan ng Department of Justice ang insidente sangkot si Pimentel, hangga't walang formal complaint ang MakatiMed laban sa senador.

Continue reading below ↓

Patutsada ni Angel, "Calling @catarambulo_com where are youuu?"

Sarkastikong naglagay pa si Angel ng hearts and hugs emojis sa kanyang tweet.

Si Cat Arambulo ang lifestyle blogger na umani ng batikos dahil sa umano'y kawalan nito ng malasakit sa daily-wage earners.

Naging viral ang video ni Cat na tinawag na "motherfuckers" ang mga taong lumalabas ng bahay sa kabila ng community quarantine.

Continue reading below ↓

Ikinagalit iyon ng netizens dahil hindi raw naintindihan ni Cat na may mga manggagawang kailangang kumayod araw-araw dahil walang ipapakain sa pamilya.

Kalaunan ay humingi ng paumanhin si Cat sa kanyang mga nasabi.

Nga lang, ang kanyang apology ay pa-ismid pa rin, kaya may mga netizens na nagsabing mukhang di pa rin nito naiintindihan ang isyung ipinupukol sa kanya.

SENATOR KOKO PIMENTEL

Humingi na ng dispensa si Pimentel sa problemang idinulot niya sa MakatiMed.

Sinabi ng senador na nawala sa isip niyang siya ay PUI para sa COVID-19.

Noong gabi ng March 24 lang daw niya nakumpirmang positibo siya sa COVID-19.

"I'm sorry that this happened. Farthest from my mind yun.

"I am an expectant father, sinamahan ko yung wife ko who was supposed to give birth without finding na positive po ako," pahayag ni Pimentel sa panayam ng CNN Philippines kagabi.

Depensa pa ng senador, legit ang purpose niyang magpunta sa ospital.

Continue reading below ↓

"Yung quarantine kasi for non-essential movement.

"From my point of view, manganganak yung misis ko. Sinong kasama yung misis mo? E, di ikaw."

Taliwas ito sa payo ng health experts at pati na rin ng gobyerno na sumailalim sa self-quarantine ang mga nakahalubilo ng COVID-19 patients.

Noon pa lang March 16 ay nakumpirmang positibo sa COVID-19 ang kapwa senador ni Pimentel na si Juan Miguel Zubiri.

Sa kaso ni Pimentel, naka-self-quarantine na raw ito mula noong March 11.

MAKATI MED'S STAND

Inasahang mas lalo sanang nag-ingat si Pimentel bilang PUI ito.

Sinabi ito ni Dr. Saturnino Javier, medical director ng Makati Med, na nakapanayam ng DZMM.

"PUI na si Senator by the time he went to MakatiMed. That's already on record.

"It's not a matter of having the result which they claimed they got on the evening of March 24.

"He's a PUM. Naging PUI na po siya, dapat mas lalong pag-iingat."

Continue reading below ↓

Dagdag ni Dr. Javier, "If your colleagues are already declaring they're positive, ang iba ay nagka-quarantine, ikaw ay umiikot pa ng ospital, to me, that's not a good thing."

HOT STORIES

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin on supporting Senator Koko Pimentel during a past election: "Mortal sin. Patawarin nyo po ako..."
PHOTO/S: @therealangellocsin Instagram / Koko Pimentel Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results