Netizens gush about Jeremy Jauncey leaving "beautiful" on Pia Wurtzbach's Instagram post

by James Patrick Anarcon
Apr 18, 2020
On April 16, Jeremy Jauncey's "beautiful" comment on Pia Wurtzbach's Instagram post elicits "kilig" reactions from netizens.
PHOTO/S: @piawurtzbach / @jeremyjauncey on Instagram

Muli na namang nag-iwan ng nakakakilig na comment ang travel editor-entrepreneur na si Jeremy Jauncey, 34, sa Instagram post ni Pia Wurtzbach, 30.

Noong Huwebes, April 16, nag-post si Pia ng throwback photo mula sa isang photo shoot niya sa tabi ng dagat.

Saad ni Pia sa caption ng kanyang post, "Break muna. Close your eyes and imagine nasa beach na tayo. A virtual vacation will do for now. Hanggang #throwback muna tayo guys."

Continue reading below ↓

Maraming nag-comment sa post ni Pia, subalit ang most liked dito ay ang "beauiful" comment ni Jeremy.

Bukod sa "beautiful" ay nilagyan din ni Jeremy ang comment niya ng heart-eyes at blowing-kiss emojis.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa ngayon ay mayroon nang 528 likes ang comment ni Jeremy, pero wala pang reaksiyon si Pia.

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey

Continue reading below ↓

Samantala, maraming netizens ang kinilig at nag-react sa maikling comment ng Scottish-Colombian model-businessman.

Marami sa kanila ang nagsabing "perfect for each other" ang dalawa.

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey

Continue reading below ↓

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey

Continue reading below ↓

PIA WURTZBACH-JEREMY JAUNCEY RUMORED ROMANCE

Sa pagpasok ng 2020 umugong ang balitang nagkakamabutihan sina Pia at Jeremy.

Si Jeremy ang founder at chief executive officer (CEO) ng social media-savvy creative agency na Beautiful Destinations.

Bukod dito, travel editor-at-large rin si Jeremy ng Asia Tatler.

Noong January 1, 2020, pinaniniwalaan ng fans ni Pia na magkasamang sinalubong nina Pia at Jeremy ang Bagong Taon sa Indonesia.

Ito ay dahil pareho ang setting ng Instagram photos nila noong December 31 at January 1.

Maging sa Instagram stories sa kani-kanilang accounts, bagamat wala silang litratong magkasama, kapansin-pansin na pareho ang background ng kanilang magkahiwalay na selfie.

Noong February 2020 naman ay tila magkasama rin sina Pia at Jeremy sa New York, pagkatapos nilang mag-post ng parehong litrato ng pagkain sa kanya-kanyang Instagram stories.

Pagkatapos nito ay nagpatuloy ang exchange of likes and comments nila sa Instagram.

Si Jeremy ay mahilig gumamit ng heart-eyes emojis.

Noong March 2020, sa isang panayam ni Pia sa Mega Magazine, inamin niyang may bago nang nagpapatibok ng kanyang puso, subalit hindi niya pinangalanan kung sino ito.

Continue reading below ↓

Sinabi pa niyang maganda ang nagiging epekto sa kanya ng bagong relasyon.

Saad niya, "I can be my full Pia, 100% empowered Pia, fight mode all the time; I can be the alpha that I am, all the time. I don’t have to filter myself for anyone anymore."

Ang huling nakarelasyon ni Pia ay ang Filipino-Swiss racer na si Marlon Stockinger.

Kinumpirma ng Miss Universe beauty queen noong December 2019 ang breakup nila ni Marlon.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On April 16, Jeremy Jauncey's "beautiful" comment on Pia Wurtzbach's Instagram post elicits "kilig" reactions from netizens.
PHOTO/S: @piawurtzbach / @jeremyjauncey on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results