Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Napindot o na-miss? John Lloyd Cruz, Bea Alonzo exchange comments on Instagram

by James Patrick Anarcon
Apr 19, 2020
Napindot or na-miss? Bea Alonzo and John Lloyd Cruz exchange comments on Bea's old Instagram post, and their fans are thrilled!
PHOTO/S: @beaalonzo / @beajohnlloydforever on Instagram

Nagkapalitan ng makulit na comments sa Instagram ang magka-love team na sina Bea Alonzo, 32, at John Lloyd Cruz, 36.

Ito ay pagkatapos na ma-like ni John Lloyd ang isang lumang litrato ni Bea na na-upload sa Instagram account nito noong February 2019.

Nag-comment din si John Lloyd—na may handle na @dumpsitegallery— sa post na ito ni Bea noong April 13.

Continue reading below ↓

Sabi ni John Lloyd, "Huyyy @beaalonzo"

Tugon naman ni Bea dito, "@dumpsitegallery 2019 pa tong post ko ah, bakit ka nagbbrowse sa ig ko?"

Ang sagot ni John Lloyd, napindot lang daw niya ang post ni Bea.

Pang-aasar naman ni Bea, "sabi mo eh"

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Subalit hinabol din niya, "may na-miss? [laughing emoji]"

Bea Alonzo, John Lloyd Cruz

Continue reading below ↓

Ang tanging reply lang ni John Lloyd ay isang emoji na naka-zip ang bibig.

Dito nagpatuloy ang pang-aasar ni Bea.

Sabi ni Bea sa comments, "halata eh"

Ang reply naman dito ni John Lloyd, "bawal ba?.."

Sagot ni Bea, "hindi naman."

Nang hindi na nag-reply si John Lloyd sa comment ni Bea ay inasar niya itong muli at sinabing "seen na lang" daw siya.

Dahil dito, muling nag-reply si John Lloyd at sinabing "tampo agad. Dm kita"

Bea Alonzo, John Lloyd Cruz

Continue reading below ↓

Dito natapos ang palitan ng comments ng dalawang magka-love team.

Marami namang netizens ang nakakita sa kanilang kulitan, at hindi napigilang kiligin.

Bea Alonzo, John Lloyd Cruz

Bea Alonzo, John Lloyd Cruz

Continue reading below ↓

BEA AND JOHN LLOYD'S LOVE TEAM AFTER HIS HIATUS

Matagal ring nagsama ang dalawa sa iba't ibang teleserye at pelikula simula 2002 hanggang 2015.

At nanatili ang pagkakaibigan nina Bea at John Lloyd kahit na nag-indefinite leave si John Lloyd mula sa showbiz noong 2017.

Sa isang panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 2019, sinabi ni Bea na hindi naman sila nawalan ng contact sa isa't isa.

For a time, pinili ng aktor ang pribadong buhay sa Cebu at naging mailap maging sa fans.

Muling nagparamdam ito noong June 2019, sa isang proyekto na kasama niya si Bea.

llang beses rin silang namataang magkasama, katulad na lamang noong September 2019, kung saan magkatabi silang nanood ng May Himala: The Musical.

Pero ang pinakamaingay na reunion ng dalawa ay nangyari noong February 14, 2020, sa Art Fair Philippines, kung saan muli silang nagtambal para sa live script reading ng That Thing Called Tadhana.

Continue reading below ↓

Dito nabuhayan ang mga fans, na tinukso pa sina Bea at John Lloyd, na sila ang tunay na "itinadhana" at sana ay sila na lang ang magkatuluyan.

Sa kasalukuyan ay parehong single ang dalawa.

Nagkahiwalay sing Bea at Gerald Anderson noong July 2019. Tumagal ng tatlong taon ang relasyon ng dalawa.

Kumalat naman ang balitang ilang buwan nang hiwalay si John Lloyd kay Ellen Adarna, ang ina ng anak ni John Lloyd, noong August 2019. Mahigit dalawang taon naging magkarelasyon ang dalawa.

Noong April 3, sa Good Times with Mo Twister, ay kinumpirma ni Ellen na mayroon na siyang bagong boyfriend.

Minsan na ring na-link noon sina Bea at John Lloyd nang namataan ang dalawa na magkasama sa Hong Kong noong 2016.

Subalit ang paliwanag ni Bea, ang trip na iyon ay para sa screening ng kanilang pelikula na A Second Chance.

Noong April 11, 2020, sabay na nagpromote sina Bea at John Lloyd ng isang proyektong nakatakda nilang gawin at ipalabas sa Instagram.

Continue reading below ↓

Subalit wala masyadong detalyeng ibinigay ang dalawa tungkol dito.

RELATED STORIES

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napindot or na-miss? Bea Alonzo and John Lloyd Cruz exchange comments on Bea's old Instagram post, and their fans are thrilled!
PHOTO/S: @beaalonzo / @beajohnlloydforever on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results