Ellen Adarna makes clear John Lloyd Cruz is not the guy who cheated on her

by Nikko Tuazon
May 3, 2020
Ellen Adarna tells Instagram followers to leave John Lloyd Cruz alone.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram

Naging palaisipan sa maraming netizens kung sino ang tinutukoy ni Ellen Adarna na dating boyfriend na iniwanan niya matapos madiskubre ang pangangaliwa nito.

Noong Biyernes, May 1, nagkaroon ng no-holds-barred question-and-answer session si Ellen sa kanyang Instagram followers.

Dito ay ibinahagi ng 32-year-old actress na nakaranas na rin siyang pagtaksilan ng dating boyfriend.

Kuwento ni Ellen: "Nagbakasyon siya unya nasakpan nako, so pag-uli niya sa among balay that time, wala na akong mga gamit. [Nagbakasyon siya at nahuli ko, pag-uwi niya sa aming bahay that time, wala na akong mga gamit.]

"Wa ko mangaway niya, wa koy pangotana. [Hindi ko siya inaway, hindi ako nagtanong.]

"I just left. Guwapa ko. [Maganda ako, e.]"

Hindi na rin daw siya nagpaliguy-ligoy pa at agad ding naka-move on mula sa panloloko ng ex-boyfriend.

"Nahibong kaayo tong akong ex, pag-uli niya asa kuno ko, aw, ka-move on naku pag abot niyas balay. [Nagtataka yung ex ko, pag-uwi niya, asan na daw ang mga gamit ko, ayun, naka-move on na ako bago pa siya dumating sa bahay].”

Continue reading below ↓

Paalala pa ni Ellen sa ibang mga kababaihan, hindi sila dapat maghabol sa lalaki.

"So, you know, he's not worth chasing. I never chase.

"And you shouldn't be chasing also, you know, because you're a woman.

"You shouldn't be chasing because you're a woman.

"The egg doesn't swim to the sperm, it doesn't work that way.

"It's not natural."

Continue reading below ↓

IT'S NOT JOHN LLOYD

Nitong Sabado, May 2, nilinaw ni Ellen na hindi si John Lloyd Cruz ang ex-boyfriend na tinukoy niya.

Sa isang Instagram story, sinagot niya ang isang nagtanong kung si John Lloyd ba ang ex-boyfriend na nanloko sa kanya.

Sagot ni Ellen: "Just to clear everything... Nope. Dili cya [Hindi siya].

"Dili cya ang ni ghost and dili cya ang ni cheat [Hindi siya ang nang-ghost and hindi siya ang nanloko]."

Nagbigay rin ng pahayag si Ellen tungkol sa espekulasyon ng mga tao tungkol sa taong tinutukoy niya.

"Kuyaw naman kaayos Remix and feeling ning mga tao kung unsaunsa nalang mga pangstorya. [Grabe ang pag-remix and parang yung mga tao kung anu-ano na lang ang mga pinagsasabi.]"

Sabi pa ni Ellen tungkol kay John Lloyd: "Leave him alone kay dili dyd cya [at hindi talaga siya]."

Ellen Adarna

Continue reading below ↓

ELLEN AND JOHN LLOYD'S RELATIONSHIP

Taong 2016 nang unang napabalitang nagkakamabutihan sina Ellen at John Lloyd.

Magkasama ang dalawa noon sa ABS-CBN weekly comedy series na Home Sweetie Home.

Nagbunga ang kanilang pagmamahalan—si Elias Modesto, na magdadalawang taong gulang na sa susunod na buwan.

Noong August 2019 naman umugong ang balitang hiwalay na sina Ellen at John Lloyd.

Sa April 3 episode ng podcast na Good Times With Mo, kinumpirma ni Ellen na ang Spanish guy na si Carlos Lemus ang bago niyang idine-date.

Samantala, co-parenting ang set-up nila ng ex-boyfriend na si John Lloyd pagdating sa pag-aalaga kay Elias.

Ayon kay Ellen, dalawang araw sa isang linggo na si Elias ay na kay John Lloyd, na kasalukuyan ding naka-base sa Cebu.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna tells Instagram followers to leave John Lloyd Cruz alone.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results