Cristine Reyes fans praise her for "kalmado" post about ABS-CBN shutdown

by Arniel C. Serato
May 9, 2020
Cristine Reyes on ABS-CBN shutdown: "Lahat sa takdang oras may pagbabago na kahit sino sa atin ay hindi mapipigilan. May mga pangyayari sa buhay natin na planado at meron din naman na hindi planado."
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerome Ascano

Pinuri ng netizens si Cristine Reyes sa kanyang mahinahong post tungkol sa shutdown ng ABS-CBN.

Noong nakaraang May 7, 2020, nag-post si Cristine sa Facebook ng kanyang pananaw sa pagpapatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Kapamilya network sa pagsahimpapawid.

Napaso noong nakaraang Lunes, May 4, ang 25-year legislative franchise nito.

Taong 2010 nang lumipat sa Kapamilya network ang talent ng Viva Artists Agency, na nagsimula sa showbiz sa pamamagitan ng StarStruck, ang reality talent competition ng GMA-7.

Sabi ni Cristine sa kanyang post, “16 na taon nang ako’y nagsimula sa aking karera.

“Ang bilis lumipas ng panahon. Minsan nasa taas. Minsan nasa ilalim.

“May kanya-kanya tayong oras. Walang permanente sa mundo.”

Dagdag pa ng 31-year-old star, sa mundong ito ay may mga pangyayari na wala sa kontrol ng tao.

Saad niya, “Lahat sa takdang oras may pagbabago na kahit sino sa atin ay hindi mapipigilan.

“May mga pangyayari sa buhay natin na planado at meron din naman na hindi planado.

Continue reading below ↓

“Lahat tayo may kanya-kanyang pag-subok sa buhay.

“Tatag ng damdamin at taimtim na tiwala sa itaas.

“Lahat ng bagay ay lilipas, sa takdang panahon.

"Maraming salamat ABSCBN sa 12 taon na tiwala.

"Kapuso, Kapatid, Kapamilya.

"Lahat tayo ay iisang bayan"

Ganito rin ang post na ibinahagi ni Cristine sa kanyang Instagram account, ngunit limited ang comments na allowed dun.

Continue reading below ↓

NO NEGATIVITY, THE BEST MESSAGE

Napansin ng mga Facebook fans ni Cristine ang "napakakalmado" na post nito.

May nagsabi pa nga na ito raw ang "best post of an ABS-CBN artist so far" dahil, ayon sa isa pang tagahanga ng aktres, ito ay "no rants, no complaints, no blames."

Pinapurihan rin nila ang malawak na pang-unawa ni Cristine sa sitwasyon.

Continue reading below ↓

May mga nagsabi naman na, sana, ganundin ang ibang mga celebrities na nagtatanggol sa Kapamilya network matapos itong magsara sa ere.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa darating na Lunes, May 11, ira-raffle na ng Supreme Court ang petition for certiorari at prohibition na isinampa ng mga abugado ng ABS-CBN laban sa cease and desist order ng NTC.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristine Reyes on ABS-CBN shutdown: "Lahat sa takdang oras may pagbabago na kahit sino sa atin ay hindi mapipigilan. May mga pangyayari sa buhay natin na planado at meron din naman na hindi planado."
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results