PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ellen Adarna says Kim Chiu has “mindset of a true champion”

“Bawal Lumabas” is Ellen's current favorite song.
by Jet Hitosis
Published May 30, 2020
Ellen Adarna (left) and Kim Chiu (right) are both Cebuanas. Ellen tells fans that Kim's "Bawal Lumabas" song is her current favorite.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna, @chinitaprincess on Instagram

Bilib si Ellen Adarna sa kapwa Cebuana na si Kim Chiu.

Pinuri ng 32-year-old sexy actress ang Kapamilya chinita princess, 30, dahil sa bilis ng pagbangon nito matapos makatanggap ng sangkatutak na bashing at bullying online.

Sa Q&A session ni Ellen sa kanyang Instagram Stories nitong Biyernes, May 29, hiningan siya ng komento sa "Bawal Lumabas" song ni Kim.

Ang sagot ng celebrity mom ay napapasaya siya ng sikat na kanta ng Star Magic talent.

Sa katunayan, favorite song raw ni Ellen ito ngayon.

“It makes me happy. It really does.

“That's my favorite, current favorite,” sagot ni Ellen sa netizen.

RELATED STORY

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabihan pa ni Ellen ang kanyang 3.4 million Instagram followers na gayahin ang “mindset" ni Kim.

Sa wikang Cebuano, sinabi ni Ellen: “Iyan si Kim Chiu, guys. Iyan ang dapat sundin na mindset.

“Iyan ang mindset of a true champion."

Papuri pa ni Ellen kay Kim, “Tingnan niyo gaano kabilis nag-bounce back.”

Ilang araw ding ginawang katatawanan si Kim ng mga anti-ABS-CBN at pro-government netizens dahil sa analogy nito tungkol sa ABS-CBN shutdown na ngayon ay mas kilala bilang “law of classroom.”

Narito ang nag-viral na quote ni Kim sa Facebook Live session para sa online protest na Laban Kapamilya noong May 8, 2020:

"Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag nag-comply ka na bawal lumabas. Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo yung law ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas."

Aminado naman ang Kapamilya actress na kahit siya mismo ay hindi na naintindihan ang sariling analogy kaya mapagkumbabang humingi pa ito ng paumanhin.

Ganunpaman, patuloy ang pangmamaliit sa kanya ng bashers at trolls.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngunit hindi nagtagal, ang katawa-tawa na ay ang mga namba-bash kay Kim.

Dahil, panay pabor na sa aktres ang mga sumunod na pangyayari.

Ang "law of classroom" ng aktres ay ginawan ng entertaining memes, na tinatawanan na rin ni Kim. Ginawan pa ang quote niya ng kantang "Bawal Lumabas," na naging dance challenge din.

Makalipas pa ang ilang araw, si Kim na mismo ang nag-recórd ng buong bersiyon ng kanta.

Nakipag-collab si Kim sa songwriter na si Adrian Crisanto at sa music arranger na si DJ Squammy Beats. Mabilis na nag-viral ang kanta ni Kim, lalo na nang ginawan pa ito ni DJ Loonyo ng dance steps.

Kasunod nito, naglabas si Kim ng “Bawal Lumabas” T-shirts.

RELATED STORY

Ang mapagbebentahan ng T-shirts ay ipambibili ng aktres ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng coronavirus pandemic.

May bahagi rin sa kikitain ni Kim na ibibigay nito sa Shop & Share fundraiser ni Angel Locsin, upang makabili ng test kits na kulang na kulang sa Pilipinas.

Matagal nang kusang tumutulong si Kim ngayong panahon ng pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna (left) and Kim Chiu (right) are both Cebuanas. Ellen tells fans that Kim's "Bawal Lumabas" song is her current favorite.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna, @chinitaprincess on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results