PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Korina Sanchez burns trolls: “Ang kalahati ng katawan nila ay nakasanla na kay Satanas.”

Korina Sanchez claims online trolls are being paid P500 per day.
by Jet Hitosis
Published Jun 1, 2020
Seasoned broadcaster Korina Sanchez has this to say to online trolls: "Sinasabi ko lang sa inyo, hindi pa huli ang lahat. Puwede pa kayong magbago ng buhay ninyo."
PHOTO/S: @korina on Instagram

“Ang kalahati ng katawan nila ay nakasanla na kay Satanas.”

Ganito ang pagkakakilala ng Kapamilya broadcaster na si Korina Sanchez sa mga online trolls.

Inihayag ito ng 55-year-old veteran journalist matapos niyang diretsahang sabihing “bayad” ang mga trolls para “magpaka-nega.”

Nauwi sa pagsesermon sa trolls ang interview ni Korina sa Kapamilya actress na si Kim Chiu nitong Linggo, May 31.

Si Kim ang guest ni Korina sa Sunday program niyang Rated K.

Kinumusta ni Korina si Kim matapos na ilang araw na kuyugin ng trolls ang 30-year-old actress dahil sa pagtatanggol sa ABS-CBN, sa kainitan ng shutdown issue ng network.

Ginawang katatawanan at nag-viral ang pagkukumpara ni Kim sa ABS-CBN closure sa tinawag niyang “law of classroom.”

Sa kabila ng pagso-sorry ni Kim, lalong nawili sa panlalait ang mga trolls.

Kasabay ng pagsusulputan ng memes laban kay Kim, pinaulanan ng masasakit na salita at pang-iinsulto ang aktres.

RELATED STORY

KIM THANKS KORINA FOR DEFENDING HER AGAINST BASHERS

Ipinagtanggol naman si Kim ng mga kaibigan at kapwa niya Kapamilya artists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang si Korina sa mga dumepensa para sa aktres.

At nitong Linggo, personal na pinasalamatan ni Kim si Korina sa pagtatanggol sa kanya laban sa mga bashers at trolls.

“Definitely,” sagot ni Korina.

“Alam mo kung bakit?”

Saglit na tumigil si Korina.

Nang nagpatuloy, halatang triggered na ang broadcaster.

“Aminin na natin na lahat ng mga nega na 'yan… titingnan mo yung profile, ang followers wala pang limampung tao.

“Obvious ba, na bayad ang mga lintik na 'yan!”

Nabigla at natawa si Kim sa tinuran ni Korina, bagamat kitang sumasang-ayon siya sa Rated K host.

“Ang tingin ko sa mga troll,” patuloy ni Korina, “ang kalahati ng katawan nila ay nakasanla na kay Satanas.”

Sarkastikong dagdag niya, “Isipin mo, pinalaki sila ng mga nanay at tatay nila para mag-nega.

“Talaga? 'Yan ba ang ambisyon ng mga magulang para sa mga anak nila?”

Batay sa sinasabi ni Korina, mahihinuhang kabataan ang binabanggit niyang online trolls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

P500 PER DAY FOR TROLLING?

Tuluy-tuloy na nagpaliwanag ang beteranong mamamahayag.

“Pero naiintindihan ko.

“Lahat sila nangangailangan ng pagkakakitaan.”

Kalaunan, nauwi sa panenermon ang mensahe ni Korina sa online trolls.

Nagagawa raw ng mga trolls na manira at makapanakit ng damdamin ng kapwa kapalit ng PHP500 kada araw, ayon kay Korina.

“Sinasabi ko lang sa lahat ng mga troll, ‘Talaga, ang kabuhayan ninyo ay magpaka-nega?'

“Kahit hindi ninyo pinapaniwalaan basta maka-nega lang kayo, makasira lang kayo ng tao, makapanakit ng damdamin.

“'Yan ang pinagkakakitaan ninyo ng limandaang piso kada araw?”

Sa huli, hinimok ni Korina ang trolls na magbago na at ayusin ang kanilang mga buhay.

“Sinasabi ko lang sa inyo, hindi pa huli ang lahat,” ani Korina.

“Puwede pa kayong magbago ng buhay ninyo.

“Kasi sa totoo lang, hindi ko talaga pinapaniwalaan na proud ang parents ninyo sa ginagawa ninyo, right?”

KORINA: “MAGALIT NA SILA KUNG GUSTO NILA”

Natawa naman si Kim sa tuluy-tuloy na pahayag ni Korina laban sa online trolls, na kilala sa sabay-sabay at tulung-tulong na pamba-bash sa kanilang mga binibiktima.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matapang na pahayag ni Korina: “Magalit na sila kung gusto nila, wala akong pakialam.

“Kaya ko sila… kahit sabay-sabay pa sila!”

Bago pa makatikim ng matinding trolling si Kim, nauna nang kinuyog ng bashers si Korina nang depensahan niya ang Kapamilya network.

Inulan ng negatibong komento ang Instagram post ni Korina noong May 5, nang pumalag siya laban sa pagpapasara sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi ang pamba-bash kay Korina ang naging laman ng balita—kundi kung paano isa-isang sinupalpal ng broadcaster ang mga nambatikos sa kanya at sa ABS-CBN.

THE TROLLS

Ang Internet trolls ay mga binabayaran upang gumawa ng pekeng content, magpakalat ng maling impormasyon, manira, o maaari ring mag-promote, o magsimula ng debate.

Ang trabaho nila ay depende sa hiling ng kliyente, ayon sa artikulo ng U.S. newspaper na Washington Post.

Ang artikulo ay may titulong “Why crafty Internet trolls in the Philippines may be coming to a website near you.”

May mga troll army raw para sa iba’t ibang industriya: trolls sa mga pulitiko at partido, sa mga celebrities, sa mga kumpanya, at sa kapwa trolls.

Ang proseso raw ng trabaho ng isang troll ay: type, post, click, scroll, at troll.

Ang bayad ay depende rin daw sa kayang gastusan ng kliyente, ayon pa rin sa Washington Post article.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seasoned broadcaster Korina Sanchez has this to say to online trolls: "Sinasabi ko lang sa inyo, hindi pa huli ang lahat. Puwede pa kayong magbago ng buhay ninyo."
PHOTO/S: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results