Vice Ganda thanks lawmakers who authored ABS-CBN franchise bills

by Arniel C. Serato
Jun 2, 2020
Vice Ganda: "Maraming salamat sa mga Konggresista na nagpahayag ng kanilang suporta sa ABS CBN, sa mga manggagawa nito at sa mga serbisyong naiibibigay nito sa bansa."
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram / ABS-CBN News

Nagpasalamat si Vice Ganda sa mga mambabatas na naghain ng mga panukalang batas at resolusyon sa Kongreso upang mabigyang muli ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Sa hearing sa Kongreso kahapon, June 1, isa-isang nagsalita ang mga kongresistang naghain ng mga panukalang batas.

Sila ay sina Vilma Santos-Recto ng Batangas, Sol Aragones ng Laguna, Joy Tambunting ng Parañaque, at Loren Legarda ng Antique.

Ang apat ay may direktang koneksiyon sa ABS-CBN.

Si Vilma ay ilang beses gumawa ng pelikula sa film arm ng kumpanya, ang Star Cinema.

Sina Joy at Sol ay dating reporters ng ABS-CBN News.

Si Loren naman ay dating anchor ng news profram ng network.

Naghayag din ng kanilang suporta ang mga mambabatas na nagpanukala ng mga resolusyong may kahalintulad na layunin.

Kabilang sa kanila sina Josephine Ramirez-Sato (Occidental Mindoro), Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro), Micaela Violago (Nueva Ecija), Aurelio Gonzales (Pampanga), Arlene Brosas (Gabriela Party-list), at Rosemarie Arenas (Pangasinan).

Continue reading below ↓

Suportado rin ito nina Sandro Gonzales (Marino Party-list), Lawrence Fortun (Butuan City), Edgar Sarmiento (Samar), Mark Go (Baguio), Mike Defensor (Quezon City), at Edcel Lagman (Albay).

Sa Twitter kagabi, June 1, naghayag ng kanyang pasasalamat si Vice sa mga mambabatas.

Mensahe ng Kapamilya star: “Maraming salamat sa mga Konggresista na nagpahayag ng kanilang suporta sa ABS CBN, sa mga manggagawa nito at sa mga serbisyong naiibibigay nito sa bansa.

“Sigurado po akong ipinagmamalaki kayo ng mga distritong kinakatawan ninyo.

“Iboboto nila kayo ulit porshur!!!”

Continue reading below ↓

Umaasa ang pamunuan ng ABS-CBN na mabibigyan sila ng bagong prangkisa bago dumating ang buwan ng Agosto upang maiwasan ang pagbabawas nila ng mga tauhan.

Isa si Vice sa 11,000 na Kapamilya stars, talents, at employees na umaasang muling makakabalik sa ere ang ABS-CBN.

May labindalawang panukalang batas ang nakabinbin sa House Committee on Legislative Franchises para sa franchise renewal.

Bukas, June 3, magkakaroon muli ng pagdinig ang Kongreso ukol dito.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda: "Maraming salamat sa mga Konggresista na nagpahayag ng kanilang suporta sa ABS CBN, sa mga manggagawa nito at sa mga serbisyong naiibibigay nito sa bansa."
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram / ABS-CBN News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results