Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

ABS-CBN may consider retrenching employees by August sans franchise

by Arniel C. Serato
May 19, 2020
ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak: "We continue to lose a substantial amount of money every month and I'm afraid that if we cannot get back on air soon by August, we may already have to consider beginning a retrenchment process.”
PHOTO/S: Jerome Ascano

Sa pagkaantala ng panukalang batas na magbibigay ng provisional franchise sa ABS-CBN, nangangamba ang pamunuan ng network na baka magbawas sila ng mga tauhan.

Malaki ang lugi ng istasyon sa bawat araw na lumilipas na nananatili silang off-air sa free TV.

Sa inihaing mosyon ng ABS-CBN sa Supreme Court, umaabot daw sa P30M hanggang P35M araw-araw ang nawawala sa network mula nang sila ay nag-off the air.

Ngayong Martes, May 19, sinabi ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak na kung hindi sila makakabalik sa ere hanggang Agosto, maaari silang magtanggal na ng tauhan.

Tinatayang may 11,000 regular employees at talents ang network.

Pahayag ni Katigbak: “We continue to lose a substantial amount of money every month and I'm afraid that if we cannot get back on air soon by August, we may already have to consider beginning a retrenchment process.

“We felt it would be very, very painful to put our employees out on the street without them having an idea as to how they can continue earning a living and continue to feed their families.

Continue reading below ↓

"But unfortunately, we cannot make that commitment open-ended because we are also limited by financial constraints.”

Nakabinbin pa rin sa Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN, na napaso noong May 4, 2020.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

SUPREME COURT DEFERS ISSUANCE OF TRO

Sa kanilang session ngayong araw, May 19, ang Supreme Court en banc ay hindi nagbigay ng temporary restraining order (TRO) sa petition for certiorari and prohibition ng ABS-CBN laban sa NTC cease and desist order.

Sa ulat ng mga pahagayan at online news sources ngayong tanghali ng Martes, sa halip na maglabas ng TRO, inatasan ng High Court ang NTC na magkomento sa loob ng sampung araw tungkol sa inihaing reklamo ng istasyon.

Limang araw naman ang hinihingi ng Korte sa ABS-CBN para maghain ng kanilang sagot matapos makapagsumite ang NTC ng reply sa kanilang utos.

Pinagkokomento rin ng Supreme Court ang Kamara at Senado ng kanilang opinyon ukol sa isyu.

Unanimous ang naging desisyon mula sa 14 na sitting justices ng SC.

Continue reading below ↓

Kulang ng isa ang mga mahistrado ng Korte Suprema dahil sa mandatory requirement ni Justice Andres Reyes Jr. noong May 11.

HOT STORIES

THE ABS-CBN FRANCHISE DILEMMA

Noong May 5, nag-isyu ng cease and desist order ang National Telecommunications (NTC) laban sa ABS-CBN Corporation.

Bandang May 5 din, 7:52 ng gabi, tumigil sa pag-ere ang TV at radio stations ng ABS-CBN sa buong Pilipinas.

May 7, dumulog ang mga abugado ng Kapamilya network sa SC upang maghain ng petition for certiorari and prohibition upang ipabasura ang order ng NTC.

May 13, nagpanukala si House Speaker Alan Peter Cayetano sa Kamara ng provisional franchise para sa network sa loob ng limang buwan, o hanggang October 31.

Pinasa ang House Bill 6732An Act granting the ABS-CBN Broadcasting Corporation A Franchise to Construct, Install, Operate, and Maintain Television and Radio Broadcasting Stations in the Philippines, and For Other Purposes—sa una at ikalawang pagbasa noong araw na 'yun sa Committee of the Whole ng Kongreso.

Continue reading below ↓

Nakatakda sana kahapon, May 18, ang ikatlong pagbasa nito sa plenaryo.

Ngunit ni-recall ang second reading nito ng May 13 dahil may proseso raw na nalabag sa Saligang Batas.

Nagkaroon ng manipestasyon ang mga mambabatas ukol sa usapin at inabot sila ng hatinggabi sa debate, kaya tinapos muna ang sesyon dahil marami pang nais magsalita.

Kahapon din, naghain ng urgent reiterative motion ang ABS-CBN sa Supreme Court upang magpalabas na ito ng temporary restraining order o preliminary injunction laban sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Malalaman ngayong araw, May 19, kung pagbobotohan na sa plenaryo ng Kongreso ang second reading ng House Bill 6732.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak: "We continue to lose a substantial amount of money every month and I'm afraid that if we cannot get back on air soon by August, we may already have to consider beginning a retrenchment process.”
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results