Vhong Navarro on ABS-CBN shows that got cancelled: "Parang merong nagparaya."

by Rachelle Siazon
Jun 10, 2020
Vhong Navarro feels worried about colleagues and employees in ABS-CBN who got jobless because of cancelled shows.
PHOTO/S: @vhongx44 Instagram / Jerome Ascaño for PEP.ph

Hindi maiwasan ni Vhong Navarro ang malungkot dahil hindi lahat ng ABS-CBN shows ay babalik sa ere kahit na puwede nang magbalik-trabaho.

Pahayag ni Vhong: "Alam ko yung iba kasi, kung tutuusin, ilang shows lang ang makakabalik.

"Siyempre nalungkot ako, kumbaga, sa ibang mga programa o mga shows na hindi pa nakakabalik.

"I'm sure, bilang isang artista o host, ramdam ko sila, e."

Tigil-operasyon pa rin ang free TV and radio broadcast operations ng ABS-CBN dahil sa napasong prangkisa ng network.

Pero may piling entertainment shows na mapapanood nang muli sa cable channels via SKY, Cablelink, G Sat, at iba pa.

Kabilang dito ang It's Showtime, The Voice Teens Season 2, Magandang Buhay, at ASAP Natin 'To.

May replays din ang weekly drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Sa mga teleserye, ang tanging mga eere ay FPJ's Ang Probinsyano, A Soldier's Heart, at Love Thy Woman.

Nag-aalala si Vhong dahil sigurado raw problemado ang mga taong umaasa sa suweldo nila sa shows na kinansela na.

Continue reading below ↓

"What if hindi nakabalik ang Showtime? Isa kami sa hindi nakabalik? Di ba?

"Parang sila, umaasa rin sila sa trabaho nila para buhayin ang pamilya.

"So, nararamdaman ko yung lungkot nila."

Bago ang ECQ, umeere pa ang ABS-CBN primetime series na Make It With You na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Gayundin ang primetime series na Pamilya Ko, na bida sina JM de Guzman, Sylvia Sanchez, Joey Marquez, at Rosanna Roces.

Walang pormal na anunsiyo kung itutuloy pa rin ang Pamilya Ko.

Pero ang Make It With You ay kinansela na dahil wala raw silang bangko na episodes gaya ng ibang serye na pinayagang umere muli.

Ayon kay Vhong, ramdam niya ang reaksiyon ng stars, staff, at crew ng shows nang inanunsiyo sa mga ito na hindi pa sila makakabalik sa trabaho.

"Na i-meeting kayo via Zoom. Sasabihin sa inyo na, 'Sorry guys, hanggang dito na lang muna tayo.'

Continue reading below ↓

"Kasi parang kulang. Hindi pa tayo puwede bumalik lahat. Parang merong nagparaya.

"Ang hirap, e. Ang hirap ng nararamdaman mo.

"Kung ilalagay mo yung sitwasyon mo sa kanila, ang bigat."

Ibinahagi ito ni Vhong sa digicon ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime noong Martes ng gabi, June 9.

Kasama rin si Jhong Hilario na nakapanayam ng press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

ON ABS-CBN FRANCHISE ISSUE

Masuwerte raw sina Vhong at Jhong dahil may trabaho pa rin sila kahit na patuloy pa rin ang pagdinig sa Kongreso ng hinihinging 25-year franchise renewal ng ABS-CBN.

Sabi ni Jhong: "Hindi naman natin hawak yung desisyon.

"Yung mga magdedesisyon talaga ang makakasagot niyan kung talaga bang makakabalik kami o hindi.

"Pero laking pasasalamat namin sa ABS-CBN na talagang gumawa ng paraan para mapagpatuloy yung tulong na ginagawa ng Kapamilya sa madlang pipol, sa lahat ng sumusuporta sa ABS-CBN.

"Thankful kami na isa kami sa isang pinagbigyan ng ABS para magpatuloy at magbigay ng kasiyahan at tumulong sa madlang pipol."

Continue reading below ↓

Idinadaan na lang daw nila sa dasal na makabalik sa free TV ang ABS-CBN para sa kapakanan ng mga empleyado ng network.

"Siyempre hindi mo maalis ang pangamba dahil hanggang ngayon hindi pa malinaw ang lahat.

"Pero ginagawa ko, idinadaan ko na lang sa dasal.

"Alam naman natin lahat na maraming pagsubok ang dumating sa atin ngayon, alam naman namin lahat ito malalagpasan namin. Challenge lang ito sa atin ni Lord."

VALUE OF HAVING WORK

Bukod sa ABS-CBN franchise issue, nabanggit din ni Vhong na marami ring mga empleyado mula sa ibang field of career ang apektado ng COVID-19 pandemic.

Kaya raw napagtanto niya na dapat ay magkaroon ng "pagpapahalaga sa trabaho."

Aniya, "Hindi naman lahat ay magaling sa trabaho, meron din namang pabandying-bandying.

"Dito kasi sa nangyaring pandemic, yung trabaho na matagal na sa iyo, kahit pala isang saglit puwede mawala, kahit napakatagal ka na roon.

"Kasi wala siyang pinipili.

Continue reading below ↓

"Ang kumpanya puwedeng magsara, pwede mawala, pwede malugi. At merong tatamaan at tatamaan.

"Ngayon, kailangan ma-appreciate mo, kasi wala, e. Dapat mahalin natin trabaho natin.

"Kasi kahit sino puwedeng tamaan."

Sa huli, nagpasalamat si Jhong dahil silang It's Showtime family ay may trabaho pa rin.

"Alam nila na talagang ginagawa namin yung best pagdating sa trabaho. Kahit anong ipagawa sa amin, ginagawa namin.

"Yun naman ang prize na pagdating sa ganitong sitwasyon, talagang hinihila naman nila kami.

"Alam naman natin nangyayari ngayon sa ABS-CBN."

Dagdag ni Jhong, "Kami, bilang empleyado, naniniwala kami na ang ABS, ang ginagawa ay magbigay saya at tumulong sa madlang pipol.

"Dun kami kumakapit.

"Nakikita natin na gumagawa ng paraan ang ABS para maipakita at masabi sa kanila na ang ABS ay in the service of the Filipino."

March 15 nang sinuspinde ng ABS-CBN ang taping ng entertainment programs dahil sa COVID-19 pandemic.

May 5 nang ipatigil ng National Telecommunications Commission ang operasyon ng ABS-CBN dahil sa napasong prangkisa.

Continue reading below ↓

June 1 nang sumailalim ang Metro Manila sa general community quarantine kung saan kasama ang media, TV, at movie workers sa pinayagang magbalik-trabaho.

Noong June 4 inanunsiyo ng ABS-CBN ang pagbabalik sa ere ng ilang entertainment shows via Kapamilya Channel, simula June 13.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vhong Navarro feels worried about colleagues and employees in ABS-CBN who got jobless because of cancelled shows.
PHOTO/S: @vhongx44 Instagram / Jerome Ascaño for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results