Kat Alano joins #HijaAko movement; narrates how she was allegedly raped by “still famous celebrity”

by Jet Hitosis
Jun 16, 2020
Disc jockey and former TV host Kat Alano posts a message for those who criticized her for admitting that she was raped by a famous celebrity: “For all those who bashed me and enjoyed my downfall, I still stand by my truth. That man is a serial rapist. And #RapeisRape #HijaAko.”
PHOTO/S: @katalano on Instagram

Pinatunayan ng disc jockey na si Kat Alano na walang kinalaman ang suot na damit ng isang babae sa panganib na mabiktima ito ng rape.

Si Kat, 34, ang latest celebrity na nakibahagi sa #HijaAko movement sa Twitter.

Sa tweet ni Kat nitong Lunes ng umaga, June 15, ibinunyag niya na nakasuot siya ng T-shirt at pantalon nang mabiktima siya ng panggagahasa ilang taon na ang nakalipas.

Ang suspek ay kinilala niya bilang “#rhymeswithwrong.”

Ayon sa Filipino-British DJ, drinoga umano siya ng suspek at walang malay kaya nahirapan ito sa paghuhubad sa kanyang pantalon.

Pagkatapos, dagdag ni Kat, nagsagawa pa ng “smear campaigns” ang “still famous celebrity” laban sa kanya.

Dahil dito, tuluyan daw nawalan ng career si Kat.

Mababasa sa kabuuan ng tweet ni Kat (published as is):

“When I was raped by #rhymeswithwrong still famous celebrity who had smear campaigns to destroy my career&raped many more,i was wearing a Tshirt and jeans.

Continue reading below ↓

“He drugged me too,so trying to take my jeans off was difficult for him.

“Hard to rape an unconscious person in jeans. #HijaAko”

KAT CLAIMED SHE’S A RAPE VICTIM

January 2014 nang lumikha ng kontrobersiya ang cryptic tweets ni Kat tungkol sa rape.

Nang mga panahong iyon, mainit na pinag-uusapan ang rape accusation ng modelong si Deniece Cornejo laban sa comedian-TV host na si Vhong Navarro.

Continue reading below ↓

Sa interview kay Kat sa radio program ni DJ Mo Twister noong Abril ng taong iyon, inamin niyang ginahasa siya ng isang “public figure.”

Ayon kay Kat, ang kasong isinampa ni Deniece laban kay Vhong ang nag-udyok sa kanya upang magsalita.

“Out of all the high-profile cases that have been in the media, this one is something that triggered me the most,” sinabi ni Kat kay DJ Mo.

Nang buwan na iyon, ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang rape case ni Deniece laban kay Vhong, dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

DRUGGED, RAPED AT 19 YEARS OLD

Kuwento noon ni Kat kay DJ Mo, nangyari ang panghahalay siyam na taon na ang nakalipas.

Nineteen years old lang daw siya noon.

Hindi pinangalanan ni Kat ang lalaki, na naka-hangout daw niya sa isang club.

Ayon kay Kat, nagpumilit daw ang suspek na ihatid siya sa bahay, kung saan nangyari ang panggagahasa.

Continue reading below ↓

Hinala niya, naglagay ng droga ang lalaki sa kanyang inumin.

Paulit-ulit daw kasi siyang nawalan ng ulirat habang nangyayari ang panghahalay.

RELATED STORIES

KAT ASKED FOR DOJ'S HELP

January 19, 2015, nag-post si Kat sa Facebook ng isang open letter para kay noon ay Justice Secretary Leila de Lima.

Ipinagbigay-alam ni Kat na sa ilalim ng jurisdiction ni De Lima, isang “PUBLIC FIGURE who is a KNOWN RAPIST that has had several rape cases filed against him has been allowed to go free.”

Ang nabanggit na lalaking napawalang-sala ay siya rin daw mismong gumahasa kay Kat.

Sa parehong liham, nakiusap si Kat kay De Lima na tulungan siya at ang iba pang rape victims upang makamit ang hustisya, lalo na kung ang akusado ay kilalang personalidad.

Nasa kultura na raw kasi ng Pilipinas na “JUSTICE has been unfairly weighed IN FAVOR OF RAPISTS.”

Napatunayan daw ito ni Kat dahil siya na nga raw itong ginahasa, pero siya pa ang tinanggalan ng trabaho.

Continue reading below ↓

Bukod dito, inulan din daw siya ng mga pambabatikos ng netizens, at sinabing kagagawan niya kung bakit siya nagahasa.

Bilang tugon, hinikayat ni De Lima si Kat na magsampa ng kaso laban sa rapist nito.

“She has to file a case, and then it will start at the prosecutor’s office.

"Let the prosecutor assess the case, assess the evidence kung meron talagang rape," ani de Lima.

Pero hindi naghain ng kaso si Kat laban sa itinuturo niyang rapist.

“I WILL STAND BY MY TRUTH”

Sa isa pang tweet ni Kat kahapon, nagbigay siya ng mensahe sa mga nam-bash sa kanya matapos niyang ibunyag ang tungkol sa panggagahasa sa kanya.

Makalipas ang maraming taon, pinaninindigan pa rin daw ni Kat ang kanyang “truth” laban sa binansagan niyang “serial rapist.”

Tweet ni Kat: “And for all those who bashed me and enjoyed my downfall, I still stand by my truth.

“That man is a serial rapist.

Continue reading below ↓

“And #RapeisRape #HijaAko”

Sa latest tweet ni Kat ngayong Martes ng umaga, June 16, sinagot niya ang mga nag-uusisa kung bakit hindi niya nagawang kasuhan ang kanyang rapist.

Ayon kay Kat, sa simula pa lang ay tiniyak na ng kampo ng suspek na mababasura ang lahat ng kasong isasampa niya laban sa sikat na celebrity.

Continue reading below ↓

Tweet ni Kat ngayong Martes: “BTW,for everyone asking why I never filed.

“His uncle made sure that all cases against him would be dismissed.

“I found this out first hand.

“Also they have been waiting to file a case against me to silence me & discredit me in the media, knowing I could never get justice by filing.”

Continue reading below ↓

FRANKIE STIRS UP #HIJAAKO MOVEMENT

Trending nitong Linggo, June 14, ang #HijaAko.

Ito ay matapos na ibalik ni Frankie Pangilinan, 19, ang salitang “hija” sa broadcaster na si Ben Tulfo upang supalpalin ito.

Kinontra kasi ni Ben ang tweet ni Frankie laban sa victim blaming.

Ito ang reaksiyon ni Frankie sa kontrobersiyal pero deleted nang Facebook post ng Lucban Municipal Police, na nagbabawal sa mga babae na magsuot ng shorts upang makaiwas sa sex crimes.

Continue reading below ↓

Sa kanyang tweet, tinawag ni Ben si Frankie ng “Hija” at sinabing “a sex offender's desire to commit a crime will always be there.”

Nagbabala pa si Ben sa kababaihan: “Sexy ladies, careful with the way you dress up! You are inviting the beast.”

Bilang sagot, inilatag ni Frankie sa broadcaster ang tatlong important points tungkol sa katotohanan ng "rape culture" sa bansa.

Continue reading below ↓

Binago rin ni Frankie ang Twitter name niya at ginawa itong “Hija.”

Layunin nitong himukin ang kababaihan na manindigan laban sa victim blaming.

Daan-daan na ang gumamit ng #HijaAko sa Twitter upang ibahagi ang sarili nilang sexual harassment experience.

Kabilang sa kanila ang aktres na si Lauren Young, na nagsabing minsan na siyang nahipuan ng dibdib sa Boracay.

Continue reading below ↓

Ito ay kahit pa raw hindi sexy ang kanyang pananamit nang mga oras na iyon.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Disc jockey and former TV host Kat Alano posts a message for those who criticized her for admitting that she was raped by a famous celebrity: “For all those who bashed me and enjoyed my downfall, I still stand by my truth. That man is a serial rapist. And #RapeisRape #HijaAko.”
PHOTO/S: @katalano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results