Cedric Lee, Deniece Cornejo to face illegal detention, grave coercion raps; DOJ junks Deniece's rape complaint vs Vhong Navarro

by Rachelle Siazon
Apr 10, 2014
Pormal nang sinampahan ng kasong serious illegal detention at grave coercion sina Cedric Lee (kaliwa), Deniece Cornejo (gitna), Simeon "Zimmer" Raz Jr., Ferdinand Guerrero, Jose Paolo "JP" Calma, at Jed "Mike" Fernandez sa Taguig Regional Trial Court ngayong araw, April 10. ito ay kaugnay ng pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro (kanan) noong January 22, 2014.

Napagdesisyunan ng Department of Justice (DOJ) na mayroong sapat na basehan upang makasuhan ng serious illegal detention at grave coercion ang grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.

Kasama pa sa kakasuhan ang kapatid ni Cedric na si Berniece Lee, Simeon “Zimmer” Raz Jr., Jed “Mike” Fernandez, Jose Paolo "JP" Calma, at Ferdinand Guerrero.

Kaugnay ito ng insidenteng pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro sa Forbeswood Heights Condominium sa Taguig City, noong gabi ng January 22, 2014.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News online ngayong araw, April 10, inihayag ng DOJ na malinaw na tinanggalan ng kalayaan si Vhong nang siya ay pagtulungang bugbugin ng grupo ni Cedric.

Mayroon din umanong sapat na ebidensiya na makapagpapatunay na binugbog ng grupo nina Cedric si Vhong upang pagkakuwartahan ang actor-TV host.

Ang three-member panel na nagsagawa ng imbestigasyon ng DOJ ay binubuo nina Assistant Prosecutors Olivia Torrevillas, Hazel Decena-Valdez, at Marie Elvira B. Herrera.

Continue reading below ↓

Pinirmahan nila ang kanilang 42-page resolution noong April 4, ngunit ngayong araw, April 10, lamang ito isinapubliko.

MAULING INCIDENT. Sa sinumpaang salaysay ni Vhong, idinetalye nitong dinalhan niya ng pagkain si Deniece sa condo unit ng dalaga noong gabi ng January 22.

Pagdating sa loob ng unit ng dalaga, laking-gulat ni Vhong nang may lumabas na dalawang lalaki galing sa kuwarto at isa sa mga ito ay tinutukan siya ng baril.

Pagkatapos ay piniringan si Vhong, iginapos ang mga kamay at paa, at saka pinagtulungang bugbugin ng dalawang lalaki at iba pang mga nagdatingang kalalakihan.

Bukod dito, tinanggalan ng pang-ibabang damit si Vhong at saka raw kinunan ng video ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Pilit din umanong pinasasabi sa kanya ang mga katagang “Ako si Vhong Navarro, ni-rape ko ang kaibigan ko” habang may nakatutok na baril sa kanya.

Napilitan daw si Vhong na sundin ang mga ipinapagawa sa kanya dahil tinakot siyang papatayin siya, pati na rin ang kanyang mga anak at ibang kapamilya.

Continue reading below ↓

Read: Vhong Navarro's camp files multiple cases against Cedric Lee, Deniece Cornejo, other suspects

Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo slapped with serious illegal detention raps

Bukod kay Cedric at isang nagngangalang “Mike,” kinalaunan ay natukoy ni Vhong ang iba pang sangkot sa pambubugbog sa kanya, sa pamamagitan ng nakuhang closed-circuit television video (CCTV) ng National Bureau of Investigation mula sa Forbeswood Heights at security agency nito.

Read: Vhong Navarro submits supplemental affidavit to DOJ


DENIECE'S RAPE COMPLAINT JUNKED. Kasabay ng pormal na paghahain ng kasong serious illegal detention at grave coercion sa grupo ni Cedric ay ang pagbasura ng DOJ sa reklamong panggagahasa na inihain ni Deniece laban kay Vhong, dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Ito ay sa kabila ng paninindigan ni Deniece na siya ay ginahasa ni Vhong, hindi lamang noong gabi ng January 22, kundi pati na rin noong nagkita sila noong gabi ng January 17.

Continue reading below ↓

Read: Deniece Cornejo claims Vhong Navarro raped her not once, but twice

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pormal nang sinampahan ng kasong serious illegal detention at grave coercion sina Cedric Lee (kaliwa), Deniece Cornejo (gitna), Simeon "Zimmer" Raz Jr., Ferdinand Guerrero, Jose Paolo "JP" Calma, at Jed "Mike" Fernandez sa Taguig Regional Trial Court ngayong araw, April 10. ito ay kaugnay ng pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro (kanan) noong January 22, 2014.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results