Broadcaster Julius Babao calls out ABS-CBN's ill-wishers: "Downright evil."

by Arniel C. Serato
Jun 18, 2020
ABS-CBN broadcaster Julius Babao: "In this time of pandemic where many are losing their jobs. To wish it upon ANY of the 11,000 employees & talents of ABS-CBN or ANY person is downright evil. #labankapamilya”
PHOTO/S: Courtesy: @juliusbabao on Instagram / Jerome Ascano

Pinalagan ng veteran broadcaster na si Julius Babao ang mga bashers ng ABS-CBN.

Sa kabila ng patuloy na pakikipaglaban ng ABS-CBN para mabigyan ng bagong prangkisa, may mga ilang nagbubunyi pa sa pagsasara ng network at nagnanais na huwag na itong magbukas muli.

Sa kanyang Twitter account kahapon, June 17, tinawag ni Julius na “downright evil” ang mga taong may masamang hangad para sa istasyon at sa mga empleyado at talents nito.

Mensahe niya: “In this time of pandemic where many are losing their jobs.

"To wish it upon ANY of the 11,000 employees & talents of ABS-CBN or ANY person is downright evil. #labankapamilya

Continue reading below ↓

Depensa pa niya sa istasyong pinaglilingkuran, hindi man perpekto ang kanilang kumpanya, marami naman daw itong nagawang kabutihan sa bansa.

Hinikayat din niya ang mga supporters ng ABS-CBN na mag-ingay at iparinig ang kanilang boses.

Saad ng 50-year-old newscaster, “Mga Kapamilya.. You know deep in your hearts this company has done so much for this country.

“ABS-CBN may not be a perfect company but they definitely do not deserve this much persecution.

“Kapamilya, let your voices be heard.

“Fight for ABS-CBN. #IbalikAngABSCBN"

Continue reading below ↓

"PROUD BA KAYO SA KANILA?"

Hindi rin natiis ni Julius na parunggitan ang mga kongresista na tila nagpapahirap sa ABS-CBN executives at lawyers sa pagdinig ng Kongreso sa kanilang franchise renewal.

Ginanap kahapon, June 17, ang ika-pitong pagdinig ng Mababang Kapulungan tungkol sa napasong prangkisa ng giant network.

Mensahe ni Julius: “Kaya nga sila mga representatives ay dahil sila ang inyong mga tao sa Kongreso.

“Nagsasalita sila para sa inyo. Proud ba kayo sa kanila? #IbalikAngABCBN #LabanKapamilya

Continue reading below ↓

Pinuri naman ni Julius ang vice chairman ng ABS-CBN na si Atty. Augusto “Jake” Almeda-Lopez sa pakikipaglaban nito sa kanilang prangkisa.

Isa si Almeda-Lopez sa mga naging panauhin sa pagdinig kahapon sa Kongreso.

Saad ni Julius ukol kay Almeda-Lopez: “Look not into the darkness that pulls our country down but focus on the light that will uplift us all.

"Thank you Attorney Jake Almeda ( not Almendras ) Lopez for being a beacon of light to all of us in these troubling times. #labankapamilya #notoabscbnshutdown #kapamilya

Continue reading below ↓

May 5, 2020 nagsara ang broadcast ng ABS-CBN dahil sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Napaso ang prangkisa ng network noong May 4, 2020.

Sa Martes, June 23, ang ikawalong pagdinig ng Kongreso sa franchise renewal bills ng ABS-CBN.

HOT STORIES

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN broadcaster Julius Babao: "In this time of pandemic where many are losing their jobs. To wish it upon ANY of the 11,000 employees & talents of ABS-CBN or ANY person is downright evil. #labankapamilya”
PHOTO/S: Courtesy: @juliusbabao on Instagram / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results