Sharon Cuneta very proud of daughter Frankie Pangilinan: “Palaban basta nasa katwiran.”

by Arniel C. Serato
Jun 19, 2020
Sahron Cuneta on daughter Frankie Pangilinan: "Wala kaming inuurungan basta tama ang pinaglalaban. I am proud that Kakie is my daughter."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @frankiepangilinan on Instagram

Very proud mother si Sharon Cuneta, 54, sa anak na si Frankie Pangilinan, 19.

Ito ay dahil sa hindi pagpapatinag ni Frankie sa mga bashers na pumupuna sa kanyang pagpapahayag ng opinyon sa mga isyu sa lipunan.

Kabilang sa isyung tinalakay ni Frankie sa kanyang social media posts kamakailan ay ang paninisi sa mga biktima ng panggagahasa o mas kilala sa tawag na victim blaming.

Pinuna ito ng ilang netizens, pati na ang beteranong broadcaster na si Ben Tulfo, na sang-ayon sa pananaw na nakakaisip nang masama ang ibang kalalakihan kapag nakakakita ng mga babaeng maiiksi ang damit.

Tila minalit ni Ben ang opinyon ni Frankie dahil sa murang edad nito at tinawag pa ang dalaga na "hija."

Ngunit nanindigan si Frankie laban sa beteranong broadcaster.

Aniya, lalong magiging laganap ang rape kung tatanggaping "normal" para sa mga lalaki na mambastos kapag nakakakita ng mga babaeng sexy manamit.

Sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, June 18, ipinahayag ni Sharon ang paghanga sa anak dahil sa ugali at paninindigan nito.

Continue reading below ↓

Saad ng Megastar (published as is): “Ako naman alam ko na feeling ng Daddy at Mommy ko nung sumikat na ako bilang singer na nag-uumpisa pa lang...ganon man kasimple, mas proud ako na naging anak kita, dahil sa puso at pagkatao mo.

“Sa respeto at pagmamahal na binibigay mo sa amin ng Daddy mo.

“Sana anak hanggang mamamatay na lang kami huwag ka magbabago sa amin.

“Ikamamatay ko pag nag-iba ang ugali mo o lumaki ang ulo mo o maging plastik ka.”

Si Sharon ay anak ni dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta at ni Elaine Cuneta, kapatid ng actress-singer na si Helen Gamboa.

Pareho nang yumao ang mga magulang ni Sharon.

Sa pagpapatuloy ng Instagram post ni Sharon, biniro niya si Frankie na mag-asawa na ito at bigyan sila ni Senator Kiko Pangilinan ng maraming apo.

Saad niya, “Jusko ipagdarasal ko na makahanap ka ng asawang mamahalin at aalagaan ka.

Continue reading below ↓

“At please bigyan mo kami ng madaming apo.

“Okay na sakin anak kahit mag-asawa ka na bukas.

“Kaya lang wala ka palang boyfriend ngayon. I am so very proud of you.”

“PALABAN BASTA NASA KATWIRAN”

Ipinatagtanggol din ni Sharon si Frankie tungkol sa pananaw nitong hindi ang seksing pananamit ng isang babae ang dahilan kung kaya't nakakaisip nang masama ang ibang kalalakihan, kundi ang mismong malaswang pag-iisip at aktong panggagahasa.

Pahayag ng multimedia star, “Oo hindi namin ine-encourage ang mga anak namin na magbihis ng malaswa ever since at strikto din po kaming mga magulang na di nagkukulang sa paalala.

“Ang sinasabi lang ng anak ko ay hindi dapat ibinibintang sa kasuotan ng sinumang babae ang pangaabuso o panggagahasa sa kanya.”

Saad pa ni Sharon, kahit ang mga babae sa ibang bansa na nakabalot ang kasuotan dahil sa malamig na klima ay nagagahasa rin.

Aniya, “Kahit balot na balot sa winter clothes ang babae sa ibang bansa, nagagahasa pa rin.

Continue reading below ↓

“At di naman tumataas ang statistics ng rape cases pag summer lang at mas konti ang nakabalot na suot ng mga babae kundi all-year round halos pantay lang kahit sa lugar na may four seasons lang nakatira. Yun lang.”

Diin pa ni Sharon, “Di po tanga o boba ang kahit sinong anak namin.

“Lahat sila mula kay KC, Miel at Miguel ay palaban basta nasa katwiran.”

Si Frankie ay panganay sa tatlong anak nina Sharon at Senator Kiko; ang dalawa pa nilang anak ay sina Miel at Miguel.

Ang panganay naman ni Sharon na si KC Concepcion ay anak ng Megastar sa una niyang asawa na si Gabby Concepcion.

HOT STORIES

“SIYA AY AKING ANAK”

Inengganyo rin ni Sharon ang netizens na magbasa sa Twitter ng mga patotoo ng mga biktima ng rape.

Trending kasi kagabi ang usapin tungkol dito.

Pahayag niya, “Basahin niyo po sa Twitter ang mga storya ng mga nabiktima na may hashtag na #hijaako nang maunawaan at maramdaman niyo po ang sakit na dinaanan nila - kahit nakabihis ng maayos at balot na balot.

Continue reading below ↓

“Wala pong nais na awayin si Kakie.

“Pero ipaglalaban niya ang mga babaeng binabaligtad pa kahit sila na ang nabiktima at nagdurusa.”

Pagmamalaki pa niya sa panganay nila ni Senator Kiko, “Anak po yan ni Kiko.

“Pero tandaan niyo - ANAK KO RIN SIYA.

“Malakas ang lahing Katipunera (mga Lola ko) at Guerilla (Tatay ko) ang nasa dugo namin.

“Wala kaming inuurungan basta tama ang pinaglalaban.

“I am proud that Kakie is my daughter.

“What a shame if she weren’t a warrior like her dad and mother are, and her lolo and great-great grandmothers were!

“Siya ay aking anak. Ella es mija. #mijaKo @frankiepangilinan @kiko.pangilinan

Continue reading below ↓

Tumugon naman si Frankie sa mensahe ng ina sa kanya.

Sagot niya sa post, “mama ko. u make me brave.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sahron Cuneta on daughter Frankie Pangilinan: "Wala kaming inuurungan basta tama ang pinaglalaban. I am proud that Kakie is my daughter."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @frankiepangilinan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results