Lea Salonga clarifies she “never, NOT EVER, cursed the Philippines;” apologizes for choice of words

by Jet Hitosis
Jun 22, 2020
The original Miss Saigon star and Disney Legend Lea Salonga expresses her love for the Philippines: "To be able to hold my head up high and say, 'Yes, I am Filipino' representing the hundreds of millions of brethren both here at home and all over the world is a source of pride and pleasure."
PHOTO/S: @msleasalonga on Instagram

“I never, NOT EVER, cursed the Philippines.”

Ito ang paglilinaw ng international singer na si Lea Salonga tungkol sa kanyang Facebook post na nag-viral sa social media noong nakaraang linggo.

Sa post niya nitong June 15, napamura ang singer sa matinding frustration sa mga nangyayari sa bansa sa nakalipas na mga araw.

Dahil sa nabanggit na post, pinutakti ng pambabatikos at pang-iinsulto mula sa netizens ang 49-year-old music icon.

Ang intindi ng mga nam-bash sa singer ay ang Pilipinas ang minura niya.

Todo-tanggol naman kay Lea ang kanyang fans.

Pinag-trend ng fans sa Twitter ang “I STAND WITH LEA SALONGA” nang sumunod na araw, June 16, laban sa bashers.

Kinabukasan, June 17, nag-tweet ng pasasalamat si Lea sa libu-libong sumuporta sa kanya.

Gayunman, hindi niya ipinaliwanag ang kanyang viral post, na binigyan ng netizens ng iba’t ibang interpretasyon.

LEA CLARIFIES VIRAL FACEBOOK POST

Ngayong Lunes, June 22, may serye ng tweets si Lea upang ipaliwanag ang post na naging dahilan ng pamba-bash sa kanya.

Continue reading below ↓

Nais daw niyang klaruhin ang nag-viral niyang Facebook post “in the hope that I’m more clearly understood.”

Tweet ni Lea (published as is): “Hi, gang.

“It seems a recent Facebook post of mine has gotten quite a bit of attention and launched all sorts of... I don’t even know what word to use,

“so I thought to use this platform and this space to offer some clarification in the hope that I’m more clearly understood.”

Continue reading below ↓

Nanindigan si Lea sa “every single word” sa kanyang post.

Naglabas lang daw siya ng himutok tungkol sa mga nangyayari sa bansa sa nakalipas na mga araw.

Gayunman, binigyang-diin ng isa sa mga unang Pinoy Pride ng bansa na hindi niya minura ang Pilipinas.

Hinding-hindi raw niya magagawa iyon.

“Regarding the post itself, yes I stand by every single word I wrote as an expression of my frustration with certain events currently taking place in our country,” saad sa isa pang tweet ng singer.

“However, contrary to what some of you might believe, I never, NOT EVER, cursed the Philippines.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

GREATLY HONORED TO BE A FILIPINO

Para sa Miss Saigon star, ang maging Pilipino sa harap ng global audience ay “one of my greatest honors.”

Isa raw itong “source of pride and pleasure” para kay Lea.

Sa edad na 18, si Lea ang kauna-unahang nagbida sa sikat na stage musical na Miss Saigon sa West End at Broadway.

Continue reading below ↓

Para sa nabanggit na role, umani ng maraming awards si Lea, kabilang na ang Tonys.

Siya ang unang babaeng Asian na tumanggap ng prestihiyosong Tony Awards, na iginagawad sa pinakamahuhusay na Broadway performers.

Siya rin ang unang Asian actress na gumanap sa isa pang international stage play na Les Miserables.

Bukod dito, si Lea ang singing voice ng dalawang sikat na Disney princesses: si Jasmine sa 1992 movie na Aladdin, at si Fa Mulan sa pelikulang Mulan noong 1998.

Dahil dito, kinilala siyang Disney Legend ng The Walt Disney Company noong 2011.

Pinarangalan sa pambihirang kontribusyon sa Disney company, kahilera ni Lea bilang Disney Legends ang Apple founder na si Steve Jobs, ang Marvel Comics creator na si Stan Lee, ang singer-songwriter na si Elton John, at ang Hollywood A-listers na sina Johnny Depp, Robert Downey Jr., at George Lucas.

LEA SAYS SORRY

Sa kasunod na tweet, nilinaw ni Lea na hindi niya direktang minura ang Pilipinas.

Continue reading below ↓

Ang murang ipinost niya ay hindi para sa tao, o sa kung anuman, kundi paraan lang niya ng expression ng kanyang disappointment.

Tweet ni Lea: “So, to further clarify, I didn’t say p- i- mo, or p- i- ka.

“If that was what I meant, I would’ve been explicit in my expression.

"My p- i- was aimed at no one in particular, and was used only as an outburst, a cry."

Dahil dito, humingi ng paumanhin si Lea: “My apologies if I hurt your feelings with my choice of words.”

Continue reading below ↓

THANKFUL FOR FANS’ “TIRELESS EFFORTS TO EXPLAIN MY SIDE OF THINGS”

Ayon sa international singer, naiintindihan niya kung nasaktan ang ilang netizens sa kanyang post.

Nauunawaan daw niya ang nararamdaman ng mga ito bilang kapwa Pilipino.

“I totally understand and get that you’re doing it as one tasked to protect our country from anyone that dares to desecrate it,” tweet niya.

Pero hindi intensiyon ni Lea na bastusin o insultuhin ang bansa.

Hindi raw niya iyon magagawa.

Continue reading below ↓

Sa huli, nag-iwan ng mensahe si Lea para sa kanyang mga kaibigan at mga tagasuporta.

Muli siyang nagpasalamat sa “tireless efforts” ng mga ito na ipagtanggol siya laban sa mga bashers.

Tweet ni Lea para sa kanila: “You will always have my gratitude.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The original Miss Saigon star and Disney Legend Lea Salonga expresses her love for the Philippines: "To be able to hold my head up high and say, 'Yes, I am Filipino' representing the hundreds of millions of brethren both here at home and all over the world is a source of pride and pleasure."
PHOTO/S: @msleasalonga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results