Angel Locsin gets flak for saying she has no shares in ABS-CBN; Neil Arce advances explanation

by Arniel C. Serato
Jul 20, 2020
Neil Arce (right) on fiancée Angel Locsin's shares in ABS-CBN: "Shares were not paid for po you can check she let that go awhile back. Hindi lang po Na update yan kasi gusto ng ABS kunin niya però Ayaw niya kunin." Dagdag ng kampo ni Angel: “Next time, research din bago bash.”
PHOTO/S: Courtesy: Gigie Cruz / ABS-CBN News

Binitawan na raw ni Angel Locsin ang kanyang shares sa ABS-CBN bago pa man mag-shutdown ang network noong May 5, 2020.

Ito ay ayon sa fiancé niyang si Neil Arce.

Si Angel ay isa sa Top 100 stockholders ng ABS-CBN Corporation as of March 31, 2019, base sa website ng Lopez Holdings Corporation.

Pero nitong nakaraang Sabado, July 18—sa idinaos na noise barrage ng mga Kapamilya talents and employees para sa kanilang kampanyang #IbalikAngABSCBN—itinanggi ng aktres na may shares siya sa ABS-CBN.

Saad ni Angel, “Wala akong shares sa ABS-CBN, wala akong kontrata.

"Pero itong mga taong ‘to, sila yung nagbigay ng trabaho sa akin, sila yung tumulong sa akin nung walang-wala ang pamilya ko.”

Ibinahagi rin ito ng 35-year-od actress sa kanyang verified and official Facebook account kahapon, July 19.

Continue reading below ↓

NETIZENS CALL OUT ANGEL FOR "LYING"

Publicly listed ang shareholders ng ABS-CBN Corporation.

As of April 30, 2020, makikita pa rin ang pangalang "Angelica Colmenares" na nasa ika-29 puwesto pa rin sa listahan.

Continue reading below ↓

“Angelica Colmenares” ang totoong pangalan ng aktres.

Makikita rin sa Lopez Holdings, ang parent company ng ABS-CBN Corporation, ang pangalan ni Angel na nasa Top 100 stockholders as of June 30, 2020.

Ito ang punto ng ilang netizens na nagsabing nagsisinungaling si Angel.

Ayon sa kanila, bakit daw biglang itinatwa ni Angel na kasama siya sa mga stockholders, gayong noong Pebrero 2020 lamang ay nagkaroon pa sila ng alitan sa social media ng beteranang aktres na si Vivian Velez ukol dito.

Continue reading below ↓

Sabi ni Angel kay Vivian tungkol sa kanyang shares sa ABS-CBN Corporation: “Kapag kumita po ang aking maliit na investment sa ABS-CBN, I WILL DONATE EVERYTHING TO CHARITY. Accounted.”

Paliwanag ni Angel, maliit lang ang naturang shares niya sa network, na bahagi ng pribilehiyo ng mga empleyado ng ABS-CBN na tulad niya.

Binigyang-diin din ng aktres na installment o “payable for 5 years” ang naturang investment.

Hindi pa raw niya nakukumpleto ang bayad dito.

Dagdag ni Angel, “Wala pa po sa half ang nabayad ko kaya sa understanding ko, HINDI KO PA PO PAGMAMAY-ARI ANG STOCKS na yun.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

ANGEL DELETES POST ON FACEBOOK

Linggo ng gabi, binura ni Angel ang kanyang Facebook post kung saan sinabi niyang wala siyang shares sa ABS-CBN.

Ito ay matapos mabatikos siya at tinawag na sinungaling ng mga galit sa pagdepensa niya sa Kapamilya station.

Isa sa mga bumatikos kay Angel ay ang creative writer ng GMA-7 na si Suzette Doctolero, na may record ng pakikipag-away sa mga taga-ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Kaagad namang ipinagtanggol si Angel ng kanyang fiancé na si Neil Arce.

Tugon ni Neil kay Suzette, “She let go of her shares, that she hasn’t even paid for, waaaaay before ABS shutdown. You can check."

Sinabi rin ni Neil na sana raw ay hindi mangyari sa GMA-7 ang nangyari sa ABS-CBN "dahil karamihan ng akusasyon sa kanila ay ginagawa din ng GMA at alam naman natin Na Hindi illegal yun."

Continue reading below ↓

Buwelta niya sa GMA-7 creative writer: "Dont worry Di kami katulad mo. Pag nangyari sa inyo yn pag lalaban namin kayo"

Ayon pa kay Neil, “Shares were not paid for po you can check she let that go awhile back.

"Hindi lang po Na update yan kasi gusto ng ABS kunin niya però Ayaw niya kunin. You can sue me if I’m lying"

Continue reading below ↓

NETIZEN EXPLAINS ANGEL'S SHARES

Sa kanyang Instagram Stories kagabi rin, ibinahagi ni Angel ang paliwanag ng isang netizen tungkol sa shares ng aktres sa ABS-CBN.

Kalakip nito ang screenshot ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) report tungkol sa Top 100 Stockholders ng ABS-CBN Corporation noong February 17, 2020.

Sa naturang artikulo, na may pamagat na “Jose Mari Chan, Noli de Castro, Angel Locsin, Daniel Padilla, Bea Alonzo among ABS-CBN Top 100 stockholders,” nakalista ang celebrities at personalities na may stocks sa kumpanya.

Continue reading below ↓

Bukod kay Angel, kasama sa listahan ang singer na si Jose Mari Chan (9th), broadcast journalist at dating vice-president na si Noli de Castro (25th), at ang aktor na si Daniel Padilla (54th).

Pasok din sa listahan sina Bea Alonzo (55th), Kris Aquino (64th), Angelica Panganiban (77th), John Estrada (86th), at Kim Chiu (94th).

Kabilang din sa top 100 stockholders ng network ang ilang opisyal nito, gaya nina ABS-CBN President-Chief Executive Officer (CEO) Carlo Catigbak (13th) at Chief Operating Officer (COO) Cory Vidanes (14th).

Ipinaliwanag ng netizen kung anong klaseng shares mayroon si Angel sa ABS-CBN.

Sabi nito, “Pero ang tawag sa shares ni Angel ay 'SUBSCRIBED SHARES.'

“Malinaw na blank na Issued shares at may amount sa Subscribed shares.”

Ipinaliwanag niya ang pagkakaiba ng dalawang shares.

Nakalagay sa post, “Issued share capital is the value of shares actually held by investors while subscribed share capital is the value of shares investors have promised to buy when they are released.

Continue reading below ↓

“Another one, as per www.money-zine.com’s explanation ‘once the subscriber has made final payment, the company will issue to them the common or preferred stock.’

“Kapag natapos na niya bayaran ang payable period, don pa lang maiissue sa kanya."

Sa kaso raw ni Angel ay "5 years to pay" ang shares nito.

“Pero nakakalahati pa lang siya (if tama ako), at late last year or early this year hindi na niya binayaran. Ni let go na niya ito.

“So ano ibig sabihin? Hindi pa sa kanya ang shares na yun.

“At hindi na magiging sa kanya dahil hindi niya natapos ang 5 years.

“Next time, research din bago bash.”

Continue reading below ↓

Ibinahagi ito ni Neil sa kanyang Instagram Stories.

HOT STORIES

COMPETING STATION SAYS ANGEL STILL OWNS THE SHARES

Nagkaroon naman ng diskusyon sa programang Karambola sa DWIZ, pagmamay-ari ng Aliw Broadcasting Station, ngayong umaga ng Lunes, tungkol sa shares ni Angel.

Giit ng isang host ng programa, kahit sinasabing hindi bayad ni Angel in full ang shares, kanya pa rin daw ito. At kahit "subscribed shares" lang ito, sa kanya pa rin daw ang stocks ng korporasyon.

Ayon sa host na si Atty. Trixie Angeles, “Kahit hindi fully paid, iyo na yun, for as long as the network or the corporation doesn’t call, or issue a call, na bayaran in full, okay lang sa kanila.”

Ayon naman sa isa pang host ng programa, may options ang isang shareholder kung paano iki-claim ang kanyang investment.

Aniya, “Sa mga kontrata big time na empleyado, meron kang stock options na sinasabi.

“Ngayon, kung magre-retire ka na, out of your retirement bayaran mo yun in full, yun yung option mo, sa 'yo na yung stocks, punta ka ng stock market, big time ka bigla.

Continue reading below ↓

“Ano ang ibig sabihin ng stock option? It doesn’t matter kung fully paid yung subscription. Yung shares, puwede maghintay."

FACEBOOK ADMIN ISSUES EXPLANATION ABOUT ANGEL'S SHARES

Ngayong Lunes ng umaga, July 20, naglabas ang isang administrator ng Facebook page ni Angel ng panibagong paliwanag ukol sa shares ng aktres.

Sinabi rin nitong hindi pa naki-claim ni Angel ang nasabing shares, na ibig sabihin din ay hindi pa naibibigay sa aktres ang stocks niya sa ABS-CBN Corporation.

Narito ang kabuuang post:

"Angel Locsin has already spoken about this and we will just reiterate what she has already long asserted.

"The shares she has with ABS-CBN are called 'subscribed shares' na naging part ng privilege offer to employees.

"To set the record straight, these shares were not completely paid for—in short, hindi po na-claim o naibigay kay Angel. Ganun lang po ka-simple yun.

“You can accuse her all you want but Angel Locsin is doing all that she can to use her platform and her voice to speak for the less privileged Kapamilyas.

Continue reading below ↓

"Unlike her, their future has been made uncertain dahil nawalan sila ng kabuhayan.

“Wala na ring kontrata si Angel sa ABS-CBN pero pinipili pa rin niyang magsalita at magmalasakit.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Neil Arce (right) on fiancée Angel Locsin's shares in ABS-CBN: "Shares were not paid for po you can check she let that go awhile back. Hindi lang po Na update yan kasi gusto ng ABS kunin niya però Ayaw niya kunin." Dagdag ng kampo ni Angel: “Next time, research din bago bash.”
PHOTO/S: Courtesy: Gigie Cruz / ABS-CBN News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results