Angel Locsin talks to Jane de Leon; says sorry to other Kapamilya stars

Jul 23, 2020
Kapamilya actress Jane de Leon (right) posts a photo of herself in a video call with fellow Kapamilya talents Angel Locsin (left) and Iza Calzado (not in photo).
PHOTO/S: @therealangellocsin, @iamjanedeleon on Instagram

Mistulang natuldukan kaagad ng Kapamilya actresses na sina Angel Locsin at Jane de Leon ang intrigang namumuo sa pagitan nila.

Kaugnay ito ng suspetsa ng ilang netizens na isa si Jane, 21, sa mga pinaringgan ni Angel, 35, nang manawagan ang huli sa kapwa Kapamilya stars na manindigan para sa ABS-CBN.

Sa pakikibahagi sa noise barrage ng mga artista at empleyado ng network nitong June 18, kinastigo ni Angel ang mga kapwa artistang nagsasawalang-kibo sa pagkakabasura sa prangkisa ng kumpanya.

Continue reading below ↓

Mabilis namang bumuo ng haka-haka ang fans kung sinu-sino ang mga artistang pinapatamaan ni Angel sa sinabi niya.

At isa sa napansin ng publikong nananahimik sa krisis ng ABS-CBN ay ang bagong Darna actress na si Jane.

JANE EXPLAINS, ANGEL COUNTERS

Mistulang nakumpirma ang suspetsang ito ng fans nang magpaliwanag si Jane kung bakit hindi siya dumadalo sa serye ng mga protestang humihiling na ibalik sa ere ang ABS-CBN.

Sa Instagram post ni Jane nitong July 20, sinabi niyang gaya ng ibang Kapamilya, nasasaktan siya sa sinapit ng network. Nakikisimpatiya rin daw siya sa mga empleyadong nawalan ng hanapbuhay.

Pero hindi nasusukat sa pagra-rally sa kalsada ang suporta niya sa kanyang home network, sabi ng young actress.

Ang totoo, nangangamba raw kasi si Jane na mahawa siya ng COVID-19.

Continue reading below ↓

Makalipas ang ilang oras, sa pamamagitan ng Instagram Story, ay nag-post ng pahayag si Angel.

Bagamat walang pangalang binanggit si Angel, malinaw na kinontra niya ang paliwanag na ipinost ni Jane.

Sabi ni Angel: “No one asked you to go to a rally. Obviously, you don't need to go out to use your voice for the voiceless.”

Pero ang pagpapalusot para makaiwas sa batikos ng publiko, “at the expense of those who are fighting for their lives is purely disgusting,” ayon kay Angel.

Continue reading below ↓

FORMER DARNA VS. NEW DARNA

Kasunod nito, pinalaki ng netizens ang isyu sa pagitan ng dalawang Kapamilya actresses.

Marami ang bumatikos kay Jane dahil sa hindi nito pagtatanggol sa network na nagbigay ng malaking break sa kanya.

Ang netizens namang pabor sa pagsasara ng ABS-CBN, tinuligsa si Angel sa pamimilit umano sa mga kapwa artistang mag-rally kahit may pandemic.

Marami rin ang nagkumpara kina Angel at Jane bilang mga artistang kapwa may utang na loob sa Kapamilya network.

Mistulang naaliw ang publiko sa ideyang nagsagutan sa social media ang dalawang Darna.

Ginampanan ni Angel ang papel ng Pinay superheroine sa GMA-7 series na Darna noong 2005.

Si Jane naman ang huling napili para magbida sa Star Cinema remake ng Darna, matapos umurong sa proyekto sina Angel at Liza Soberano dahil sa injury.

HOT STORIES

“IBA YUNG TAKOT SA COVID, IBA YUNG AYAW LANG TALAGA”

Pero kaagad na tinapos nina Angel at Jane ang intriga sa pagitan nila. Ito ay batay na rin sa magkasunod uling Instagram posts ng dalawang aktres ngayong Huwebes, July 23.

Continue reading below ↓

Sa Story ni Angel, inulit nito ang kanyang paliwanag na hindi niya hinihimok sumali sa rally ang lahat ng Kapamilya stars para maipakita ng mga ito ang malasakit sa ABS-CBN.

Sinabi ni Angel na may iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng suporta.

Dagdag niya, magkaiba yung takot sa COVID-19 sa “ayaw lang talaga” na manindigan sa ABS-CBN.

“Uulitin ko, pag hinihikayat magsalita, hindi ibig sabihin nun mag rally na sa kalsada,” post ni Angel.

“There are many ways to show support. Iba yung takot sa covid, iba yung ayaw lang talaga.”

ANGEL APOLOGIZES to fellow kapamilya stars

Nag-sorry rin si Angel sa sinumang nasaktan niya sa kanyang mga sinabi.

Mahihinuhang ang tinutukoy ni Angel ay ang sinabi niyang "purely disgusting" ang mga artistang nagdadahilan upang makaiwas sa pambabatikos ng mga anti-ABS-CBN.

Dapat daw na mas matimbang ang tulungang maibalik ang trabaho ng maliliit na manggagawa ng network.

Pero, paglilinaw ni Angel, hindi niya inihihingi ng paumanhin ang kanyang panawagan sa mga kapwa artista na manindigan ang mga ito.

Continue reading below ↓

“Kung may na-offend, I apologize dahil nasaktan ko kayo.

“Pero hindi dahil sa sinabi kong magsalita kayo. Dahil kailangan talaga nating magsalita ngayon.”

Sa huli, muling nilinaw ni Angel ang nauna niyang apela para sa Kapamilya network.

“Uulitin ko, magkaiba po ang magsalita sa lumabas. Magkaisa tayo at wag magpagamit,” aniya.

Continue reading below ↓

ANGEL AND JANE PATCH THINGS UP

Gaya ng Instagram Story ni Angel nitong July 20, wala uling binanggit si Angel kung para kanino ang post niyang ito.

Pero marami ang nagpalagay na si Jane ang tinutukoy ni Angel.

Ito ay dahil may naunang post si Jane tungkol kay Angel.

Huwebes ng umaga nang in-upload ni Jane sa kanyang Instagram Stories ang screenshot ng video call niya kay Angel.

Sa litrato, makikitang nagtatawanan sina Angel at Jane. Kasama nila sa picture—at pinakamalaki ang pagkakangiti—ang aktres na si Iza Calzado.

Tinag ni Jane sina Angel at Iza sa post niyang ito.

Tanging tatlong heart emojis na pula, asul, at berde—na sumisimbolo sa kulay ng ABS-CBN—ang caption ni Jane.

Continue reading below ↓

Bagamat walang detalye sina Jane, Angel, o kahit si Iza tungkol sa naging takbo ng video call, makukumpirma sa post ni Jane na nagkausap na sila ni Angel.

POST MEANT FOR ALESSANDRA

Makalipas ang limang oras, nag-post ng bagong Instagram Story si Angel.

Karugtong ng pagpapaliwanag niya tungkol sa kaibahan ng pagsasalita para ipaglaban ang ABS-CBN at pagsali sa rally, tinag ni Angel ang aktres na si Alessandra de Rossi.

Binanggit ni Angel ang tibay ng pagkakaibigan at respeto nila ni Alessandra sa isa't isa.

Mababasa sa post ni Angel: "Sukat na ng panahon... Respeto't pagkakaibigan @msderossi at @therealangellocsin, Hindi magagapi ng kasamaan [heart emoji]"

Continue reading below ↓

Ang post ni Angel ay dala ng pagkakaugnay sa kanya ng netizens sa tweets ni Alessandra, 36, nitong July 19, tungkol sa pagtanggi ng huli na sumali sa rally.

Sinagot kasi ni Alessandra ang isang Twitter follower na nag-usisa kung bakit hindi siya sumasali sa mga protesta, tulad ng ibang celebrities.

Pag-amin ni Alessandra sa Twitter user, takot siya sa COVID-19, kaya sadyang hindi siya lumalabas ng bahay sa nakalipas na mga buwan.

Continue reading below ↓

Nitong July 21, nagpaliwanag si Alessandra sa isa niyang Twitter follower na magkakaiba ang tao, at walang mali sa pagsali sa rally lalo na kung mayroong ipinaglalaban.

Pero inakala ng ilang netizens na may patama kay Angel ang tweets ni Alessandra.

Kaya naman ngayong Huwebes ng hapon, tinag ni Alessandra si Angel sa tweet niya, na nakikiusap sa netizens na huwag silang pag-awayin ng kaibigan.

Continue reading below ↓

Malalim daw ang respeto ni Alessandra sa "tapang" ni Angel, gayundin sa humanitarian activities nito, na aminado si Alessandra ay hindi niya kayang tapatan.

Ayon kay Alessandra, inirerespeto ni Angel ang pagtanggi niyang lumabas ng bahay ngayong may pandemic.

Dagdag pa ni Alessandra, hindi siya magpaparinig kay Angel dahil, "Kung may gusto akong sabihin sa kanya, itatawag ko na lang."

Continue reading below ↓

Binigyang-diin ni Alessandra na magkaiba man ang mga ipinaglalaban nila ni Angel, "Magkakampi si darna at valentina sa totoong buhay."

Si Alessandra ang gumanap na Valentina, ang pangunahing kontrabida ni Angel sa pinagbidahang Darna serye ng GMA-7, 15 taon na ang nakalipas.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Jane de Leon (right) posts a photo of herself in a video call with fellow Kapamilya talents Angel Locsin (left) and Iza Calzado (not in photo).
PHOTO/S: @therealangellocsin, @iamjanedeleon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results