“Purely disgusting.”
Ito ang parunggit ni Angel Locsin, 35, sa hindi pinangalanang tao sa kanyang Instagram Stories (IG Stories) kagabi, July 20.
Kaugnay ito ng kanyang panawagan sa kapwa Kapamilya stars na manindigan para sa kanilang home network, ang ABS-CBN.
Marami raw kasing mga artista ng istasyon ang "neutral" sa isyu at piniling manahimik sa pagkitil sa franchise application ng ABS-CBN.
Samantalang si Angel ay hayagang nakikiisa sa panawagang ibalik sa ere ang ABS-CBN at nakikisimpatiya sa mga empleyado ng network na nawalan ng trabaho.
Mensahe ni Angel sa taong hindi niya pinangalanan: “No one asked you to go to a rally.
“Obviously, you don't need to go out to use your voice for the voiceless.”
Kasunod nito, inalmahan ng aktres ang mga taong nagdadahilan lamang upang mailigtas ang sarili mula sa mga batikos at pangungutya ng netizens.
Sabi ni Angel, “But making up an excuse to save face at the expense of those who are fighting for their lives is purely disgusting.”

Sa isinagawang rally at noise barrage ng mga empleyado at ilang artista ng ABS-CBN noong July 18, isang matalim na mensahe ang ipinarating ni Angel sa mga kapwa niya artista:
"Sa mga artistang hindi nagsasalita, may career pa ba kayo? Wala na! Wala na kayong network!
“Kahit magpa-cute kayo diyan sa Instagram, mag-send kayo ng mga sad face… hindi n’yo madadamayan ang mga katrabaho n’yo na dahilan kung bakit kayo sumikat!”
Dagdag niya: “Huwag kayong matakot, wala na kayong poprotektahang career o image.
"Nandito tayo sa panahon na kailangan na ding magsalita.”
Giit niya, dapat hindi sila magsawalang-kibo na lamang sa pangyayari.
Sabi ni Angel, “Naiintindihan ko na tayong mga artista expected dapat tahimik lang tayo, dapat sweet ang image, dapat neutral para walang kalaban.
“Pero pag hindi tayo nagsalita, ibig sabihin no’n kinampihan natin ang mali!
“Hindi ako papayag na do’n ako sa maling part ng history kakampi.
“Mahirap at totoong tagilid ang laban natin, pero alam ko, taas-noo ako, tama ang ipinaglalaban ko.”
Noong July 10 ay tuluyan nang pinatay sa Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN.
JANE DE LEON EXPLAINS WHY SHE DID NOT JOIN abs-cbn rally
Inuugnay ng ilang netizens ang post ni Angel sa Instagram post ng Kapamilya actress na si Jane de Leon, 21.
Kahapon din ay nag-post ng mahabang mensahe si Jane upang ihayag ang kanyang saloobin sa kalbaryong dinaranas ngayon ng ABS-CBN.
Ipinaliwanag din niya kung bakit hindi siya personal na nakikiisa sa mga rally at noise barrage na isinasagawa sa ABS-CBN compound.
Ayon kay Jane, may kanya-kanyang paraan ang bawat isa sa atin upang resolbahin at malampasan ang mga pagsubok.
“We all know how hard life is with so many things happening globally and here in our country.
“Especially now that we are going through unique difficulties.
“Each of us has a different approach on how to resolve and overcome these challenges."
Nasasaktan din daw siya sa pagsasara ng ABS-CBN dahil pangalawang tahanan na niya ito.
Pero hindi raw nasusukat sa pagdalo sa mga rally ang kanyang suporta sa sinapit ng network.
“Masakit po sa akin ang nangyari sa ABS-CBN dahil pangalawang tahanan ko na rin po ito na siyang nagbigay sa akin ng mga opportunities to gradually reach my goals in life, na unti-unting nagpabago sa buhay ko at ng aking pamilya.
“And I will forever be thankful sa ABS-CBN and its Management.
“My support to the current crisis that the network is facing right now is not just measured by going out in the streets in this time of pandemic.
“Alam kong para sa nakakarami sa atin, masakit ang closure ng ABS-CBN.
“Nakikiisa at nakikisimpatya rin po ako sa mga kapwa ko Kapamilya na nawalan ng kabuhayan.”
Diin ni Jane, nandiyan pa rin ang banta ng COVID-19 at lahat tayo ay nasa panganib lalo pa't hindi natin nakikita ang ating kalaban.
Aniya, “However, let us not forget that in the bigger picture, we are still at risk because we all have an invisible enemy to deal with.
“Our health and that of our loved ones are at stake.
“As the COVID infection rate in our country continues to rise, hospitals and facilities are nearing, if not reached, full capacity.
“Let’s not forget that our Frontliners continue to face life and death situation as they are being challenged in saving more lives.”
Tanong pa ni Jane: “Dadagdag pa ba tayo sa lumolobong bilang at patuloy na pagtaas ng COVID cases sa ating Bansa?
“Masama po bang maging positibo lang sa ating pananaw sa kabila ng kahirapan at paghihinagpis?"
Ang ibig sabihin ni Jane, hindi niya isasakripisyo ang kalusugan niya at ng kanyang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng paglabas sa bahay at pakikihalubilo sa maraming tao.
Saad niya, “I don't believe that it's fair to stop doing things you ought to be doing everyday just because of the negative situation around us.
“Even if the world stops, we still have to keep moving forward.”
Marami raw paraan ang pagpapakita ng suporta, kaya sana raw ay huwag silang husgahan kung hindi ito naaayon sa paniniwala ng iba.
“We can show our support in many ways.
“Let us not be judgmental and imposing on what others should do according to personal standards and beliefs.
“Wag po sanang mangibabaw ang galit sa ating puso, bagkus ay pairalin natin ang respeto sa isa't isa at umasang malalampasan din natin lahat ito.
“Let's continue to do better to improve ourselves and continue helping those in need.
“Everyone is capable of this. Even a little goes a long way.
“Tuloy po ang buhay at tuloy din po ang suporta natin sa pinagdadaanan ng ating network at mga kapwa natin Kapamilya.”
Sa huli, sinabi ni Jane na naniniwala siyang dasal ang pinakamabisang sandata upang malampasan ang mga pagsubok na kanilang hinaharap.
Sabi niya, “PRAYERS are always the strongest and most powerful weapon in this time of crisis.
“Let us keep the faith. God bless po sa ating lahat!
“This is Jane de Leon, your Kapamilya.”
NETIZENS COMMENTS
Kaagad na pinag-usapan ng netizens ang tila parinigan ng dalawang Darna.
Si Angel ay gumanap bilang iconic Pinay superhero sa primetime series na Darna ng GMA-7 noong 2005.
Si Jane naman ang napipintong magbida sa pelikulang gagawin ng Star Cinema tungkol sa legendary Filipino superhero.
Naibigay ang role kay Jane matapos mag-back out sa proyekto sina Angel at Liza Soberano dahil sa injury.
Magkahalo ang opinyon ng netizens tungkol sa paninindigan nina Angel at Jane sa pagpapakita ng suporta sa ABS-CBN.
Narito ang mga sa pabor kay Jane:
"Clear naman siguro na si Jane de leon ang pinariringgan dito ni angel locsin, for me lang asan yung minake up niyang excuse? Angel ur much older than Jane : / covid19 is no Joke, yes madami ka natulungan pero this doesn’t excuse u, para ka na din si koko pimentel sa ginagawamo."
"@143redangel, It's disgusting how a young lady like Jane de Leon looked more mature and sensible than you. Rallying in streets won't give you back the franchise or flatten the curve Young people must emulate reasonable Darna than canonizing the squammy one"
"So Jane De Leon lowkey threw shade against ABS-CBN protesters for doing mass gatherings amidst spiking cases of COVID-19. MAN, THE NEW DARNA HAS BALLS Ano ka ngayon Angel Locsin? The young lady understands it better than you. Ps. “Lumolobong bilang ng Covid cases...” THE SHADE"
Narito naman ang ilan sa mga nagtatanggol kay Angel:
"Jane de Leon might be the upcoming Darna, but she wouldn’t embody it in real life as Angel Locsin does. What Jane embodied was toxic positivity."
"I don’t even think Jane De Leon embodies being the Darna of the Philippines. Because being this iconic hero is fighting for the people through thick and thin‚ with or without virus (and ofcourse knows how to protect herself from enemies – may it be an invisible villain) ++"
"Sa lahat ng nagawa ni Angel Locsin, dahil lang sa opinion na wala namang nagawa kundi mag pacute na si Jane De Leon icacancel niyo siya!? Shame on you guys! Jane is nothing compare to Angel! Don’t compare that bitch to the real Darna!"
Hanggang ngayon ay nasa Top Trending topics pa rin si Jane de Leon sa Twitter.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
