Sylvia Sanchez recalls last conversation with late Pamilya Ko production manager

by Arniel C. Serato
Jul 24, 2020
Sylvia Sanchez (leftmost) saddened by the untimely demise of Pamilya Ko production manager Mavic Oducayen (beside Sylvia). Pamilya Ko co-stars JM de Guzman and Rosanna Roces also mourn Mavic's passing.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook

Labis ang kalungkutang nadarama ng aktres na si Sylvia Sanchez sa biglaang pagpanaw ng production manager ng dating teleserye ng ABS-CBN na Pamilya Ko.

Pumanaw si Mavic Oducayen noong July 22, Miyerkukes, ilang araw pagkatapos siyang isugod sa ospital dahil sa atake sa puso. Siya ay 55.

Si Mavic ay bahagi ng RSB Scripted Format ng Kapamilya network.

Siya rin ang tagapamahala sa produksiyon ng Pamilya Ko, kung saan isa sa mga bida si Sylvia.

Noong July 18 ay inatake sa puso si Mavic matapos umanong matanggap ang balitang isa siya sa tatanggaling empleyado ng ABS-CBN.

Bahagi ito ng malawakang pagbabawas ng manggagawa ng network matapos ibasura sa Kongreso ang franchise application ng broadcast giant.

Sa Instagram post ni Sylvia, ibinahagi niya ang larawan nila ni Mavic.

Kuha ang larawan noong July 10, ang araw na nagbotohan ang mga mambabatas para sa franchise ng ABS-CBN. Iyon din ang huli nilang pagkikita.

Continue reading below ↓

Lahad ng 49-year-old actress (published as is): “Huling pagsasama at picture natin to @mavicoducayen noong july 10 araw ng botohan sa kongreso noong araw na igagrant o hindi ang franchise ng AbsCbn.

“Nagulat ka noong makita mo ako at ang sabi mo, ‘Ibiang bat andito ka? DELIKADO sayo! Kakaopera mo lang at kakalabas mo lang ngayon sa hospital,’ tatlong beses mo ako pinipilit umuwi, sabi ko sayo, ‘ok lang Ms. Mavic, kaya ko.’”

"Ibiang" ang palayaw ni Sylvia sa mga malalapit sa kanya.

Dagdag pa ng award-winning actress, hindi maaatim ng kanyang budhi na hindi makibaka para sa istasyong halos tatlong dekadang nagtustos sa kanyang pamilya.

Saad ni Sylvia, “Ang sakit at panghihina ko na galing pa ako sa operasyon pwedeng mawala at makalimutan balang araw, pero ang sakit at konsensya na di ko nasuportahan at nasamahan ang pangalawang tahanan ko na naglapag ng pagkain sa pamilya ko ng 27yrs at di ko nasamahan ang mga Kapamilya ko sa araw ng desisyon ng kongreso ay di ko kakayaning dalhin habangbuhay.

Continue reading below ↓

“Ayaw kong pagsisihan yan!!”

Nang malaman daw ni Mavic ang rason kung bakit siya sumali sa pagtitipon ng maraming Kapamilya talents at employees, pinaalalahan siya nitong umuwi kaagad.

“Noong marinig mo yong rason ko, sabi mo lang, ‘Ok Ibiang, pero uwi ka kagad ha,’ d mo ako tinantanan sa pagpapauwi, kulit kulit mo hahaha kulang nalang kargahin mo ako papuntang kotse ko, at sabi nating dalawa miss na miss na natin ang isat isa, sanay akong bago maglockdown magkasama tayo MWF sa taping ng Pamilyako, lagi tayong magkausap, nagtatawanan nagkukulitan usap about mga anak natin, bilang ikaw ang Production Manager ng Pamilyako.

“At sabi ko pa sayo, ‘Ms. Mavic bawal yakap,’ at nagkatawanan nalang tayo hahaha”

Nanghihinayang daw ang aktres na hindi man lang niya nayakap ang dating katrabaho noong huli silang nagkasama at nagkausap.

Pagkatapos daw ng ilang araw ay nalaman ni Mavic na tatanggalin na siya sa trabaho.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Sylvia, “After ilang araw isa ka na sa nasabihan na isa ka sa mareretrench.

“Ikinalungkot, ikinagalit, ikinasama ng loob mo ang ngyari sa ABSCBN at sa pagkawala bigla ng trabaho mo na iningatan at inalagaan mo sa mahigit dalawang dekada at isa ito sa naging dahilan kaya ka nawala sa piling namin.

“Ikaw ang sabi ng sabi, ‘uwi ka Biang kasi DELIKADO ka,’ yon pala ikaw ang DELIKADO Ms. Mavic.

“Ang sakit sakit ang lungkot lungkot.

“Hindi sana ngyari to kung pinairal lang sana ang kunsiderasyon para sa mga empleyadong katulad mo sa gitna ng pandemya. Sana.”

Pamamaalam pa ni Sylvia kay Mavic, ikumusta at ihalik siya nito sa kanyang manager na si Cornelia “Angge” Lee, na pumanaw noong 2017.

Continue reading below ↓

JM DE GUZMAN, ROSANNA ROCES

Kabilang din sa labis na nalungkot sa pagpanaw ni Mavic ay ang co-stars ni Sylvia sa Pamilya Ko na sina JM de Guzman at Rosanna Roces.

Sa pamamagitan ng Facebook, nagpaabot ng pakikiramay si JM sa pamilya ni Mavic.

Mensahe ni JM sa kanyang post, “Me masaya me malungkot...hay 2020 bakit ganyan ka...taos puso po nakikiramay ang aming pamilya sa pamilya ni ms @mavic holgado oducayen.”

Nakatrabaho rin ni JM si Mavic sa teleseryeng Araw Gabi noong 2018.

Continue reading below ↓

May maiksi ring mensahe si Rosanna para sa dating katrabaho.

Sabi ni Osang sa kanyang Facebook post, “Rest in Peace ms Mavic..Maraming salamat sa Pagmamahal. Mahal ka namin!”

Ang Pamilya Ko ay isa sa mga teleserye ng ABS-CBN na hindi na ipinagpatuloy, matapos matigil ang pag-ere nito nang nag-lockdown ang buong Metro Manila dahil sa COVID-19.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez (leftmost) saddened by the untimely demise of Pamilya Ko production manager Mavic Oducayen (beside Sylvia). Pamilya Ko co-stars JM de Guzman and Rosanna Roces also mourn Mavic's passing.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results