“Ako pa ang toxic?”
Ito ang patanong na sagot ni Agot Isidro sa isang basher na bumira sa kanya dahil sa isang tweet ng aktres tungkol kay President Rodrigo Duterte.
Kahapon ng umaga, July 27, nag-tweet si Agot ng lumang video compilation ng mga pronouncements ni Pangulong Duterte tungkol sa COVID-19 pandemic.
Ibinahagi niya ito ilang oras bago ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Batasang Pambansa.
Nakalagay sa caption ni Agot: “We Heal Aswang.”
Take-off ito ni Agot mula sa “We Heal As One,” ang campaign slogan ng gobyerno sa pakikipaglaban sa nakakatakot na virus.
Isang netizen ang nagkomento sa tweet na ito ni Agot.
Personal na pagbanat nito sa singer, “I pity you agot. Your personality is so toxic.
“You are full of negativity and hatred. And that makes you so kawawa. Even your breath is so toxic.
“You will die an old maid. No love. No life.
"Ay na tweet.”

Binuwelthan ng 54-year-old singer-actress ang netizen: “Ako ba mananampal ng veerus?
“Ako ba nangutang ng bilyones?
“Ako ba may powers?
“Ako pa ang toxic? Teh....”
Ang sagot ni Agot ay base sa naging pahayag ni Pangulong Duterte, at ang pangungutang ng gobyerno para sa COVID-19 response.
“SONA NA WALANG SUSTANSYA”
Inabot ng isang oras at 41 minuto ang talumpati ni Pangulong Duterte sa Kamara kahapon.
Pagkatapos nito ay nag-post ng maikling reaksiyon si Agot tungkol sa SONA ng Pangulo: “ang SONA na walang sustansya. Ktnxbye.”
Nag-iwan din siya ng mensahe para sa kanyang bashers na DDS o Diehard Duterte Supporters.
Tila pang-aasar niya sa mga ito: “To all the trolls and bashers today, Welcome to my timeline. Feel free to comment.
“Ayan ha, may ambag na ako sa sambayanang DDS. #feelinggenerous #AyudaNiAgot”
Kilalang kritiko ng Pangulo at ng kasalukuyang administrasyon si Agot.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
