Matapos ang halos isang taon mula nang mag-resign siya bilang Bb. Pilipinas Grand International 2019, nagsalita si Samantha Lo tungkol sa pagkaka-detain niya sa Charles de Gaulle Airport sa Paris, France, noong 2019.
Sa kanyang “growth” post sa Instagram kagabi, August 25, inamin ni Samantha ang kanyang masamang ugali noon na mismong siya raw ay kinaisan ang sarili.
Kalakip ng kanyang post ang apat na larawan.
Ang una ay naka-gown siya at may sash na nakasulat na "PHILIPPINES." Kuha ito nang kinatawan niya ang Pilipinas sa Miss Grand International pageant na ginanap sa Caracas, Venezuela, noong October 2019.
Ang tatlong iba pa ay profile photos niya bilang contestant sa Century Tuna Superbods 2020.
Sabi ni Samantha tungkol sa unang larawan na ipinost niya, “I cringe every time I see the first picture because all I can remember is that I hated the person I had let myself become.
"I was self entitled, impatient, demanding, and I always wanted more and always wanted it now.
“I allowed people to fill my head with thoughts that I was this 'special person' who deserved 'special treatment' which looking back now I think is bullshit because I knew I wasn’t putting in the work to gain that respect and privilege.”
Isang masamang pangitain din daw ang pagkakahulog ng mga rhinestones sa kanyang korona sa tatlong buwan na hawak niya ang titulo bilang Bb. Pilipinas-Grand International 2019.
Ani Samantha, “I spent 3 months walking around with a crown on my head where the rhinestones would occasionally fall out on the ground in front of me, how’s that for dark humored foreshadowing?"
“I GOT PROFILED AS A PROSTITUTE”
Ang tinutukoy na "dark humored foreshadowing" ni Samantha ay ang sunud-sunod na kamalasan na dumating sa buhay niya matapos manalo ng beauty title.
Kabilang na nga rito ang pagka-deport niya mula Charles de Gaulle Airport sa Paris, France dahil napag-alaman ng mga awtoridad doon na peke ang passport na hawak niya.
Sa nasabing paliparan sana sasakay ng connecting flight si Samantha papuntang Caracas, Venezuela, para sa grand coronation ng Miss Grand International 2019 na gaganapin dapat noong October 25, 2019.
Napagkamalan daw siyang prostitute at na-detain ng 14 oras sa malamig na detention cell.
Matapos ma-deport, itinuloy pa rin ni Samantha ang pagpunta sa Venezuela gamit ang pera ng kanyang mga magulang. Pero ang masaklap, hindi man lang siya umabot sa Top 25 ng Miss Grand International 2019.
Nang bumalik si Samantha sa Pilipinas ay nag-resign siya bilang Bb. Pilipinas-Grand International, sa kabila ng wala naman siyang "back up plans."
At sa loob daw ng anim ba buwan ay nalugmok siya sa depression dahil ang akala niya ay galit sa kanya ang buong mundo.
Sabi ni Samantha sa kanyang post, “I spent my last days in Manila snapping at everyone who were just trying to help me…
“I got profiled as a prostitute and sat my ass in a freezing cold detainment cell for 14 hours, spent my parents money to send me to Venezuela, wasted my parents money when I didn’t even make the top 25, came home, resigned, didn’t have any back up plans, and fell into a self pitying depression thinking the world hates me for about 6 months.
“Now that’s the first picture.”
“PEOPLE CAN GROW”
Ang mga sumunod na tatlong larawang ibinahagi ni Samantha ang naglalarawan ng kanyang pagbabago, kung saan natuto na raw siyang maging responsableng tao.
Saad ni Samantha, “The next pictures are me today, after I finally stopped making excuses, became significantly less of an asshole, and learned that at the end of the day you have to be the one to pick yourself up and get better, do better; because no one can do it for you.”
Diin niya, “People can grow and change you just have to put in the work to do so.
“I’m slowly and steadily working on being a healthier me everyday, putting in the work that needs to be done and thinking of ways I can continue to improve and be better.”
Si Aya Abesamis ang pumalit kay Samantha bilang Bb. Pilipinas Grand International 2019.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
