Aster Amoyo burned by John Regala's "kasinungalingan"; says, "Kami ang namalimos for him."

by Rachelle Siazon
Sep 1, 2020
Showbiz columnist and talent manager Aster Amoyo (checkered top) speaking about actor John Regal's money questions: "Kami ang namalimos for him... 'Tapos sasabihin mo wala kang pinakinabangan ni isang kusing?"
PHOTO/S: Liza Diño-Seguerra / Aster Amoyo Facebook

#NadiaChuckieAsterVSJohnRegala

Hindi raw lubos akalain ni Aster Amoyo na ang pagkahabag niya sa masalimuot na kuwento ng buhay ni John Regala ay mauuwi sa kontrobersiya.

Si John ay kilalang action star noong ‘90s. Una siyang sumabak sa showbiz sa youth-oriented show na That’s Entertainment noong late ‘80s.

Si Aster ay isang showbiz columnist at talent manager.

Sa eksklusibong panayam kay Aster ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, August 30, nilinaw ng talent manager na hindi niya talent si John, pero malapit siya sa aktor dahil siya ang madalas nitong hingahan ng sama ng loob.

Alam daw ni Aster ang mga sentimyento ni John sa buhay—mula sa pagiging “ulilang lubos” ni John, mga away nina John at asawa nito, ang pagpanaw ng kanyang ina, hanggang sa pagkakasakit nito ay naikukuwento na raw ng aktor kay Aster.

“Kinu-consider ako niyan na nanay-nanayan. He can call me any time. Lahat-lahat ng problema niya, parati niyang inaano sa akin for the longest time. Kahit nung magkasakit siya.

Continue reading below ↓

“'Tsaka eventually, yung nagkasakit yung mother niya, ako yung unang-unang tinawagan.”

Si John ay anak ng 1960’s actress na si Ruby Regala, na pumanaw dahil sa brain tumor noong January 11, 2020.

Ang kinilalang biological father ni John ay ang 1980s character actor na si Mel Francisco.

Sinasabing pumanaw na rin si Mel, ayon sa ilang ulat at impormasyon sa social media.

Sa parte ni Aster, hindi raw maiwasang umiral ang kanyang “motherly love” para kay John.

Minsan ay sasabihin daw ni John kay Aster, “Tita, ulila na akong lubos, wala na ako magulang.”

Pero ang kadalasan daw na inuungot ni John ay wala itong pera at wala itong trabaho.

Ani Aster, “Ang lagi ko sinasabi sa kanya, ‘Alam mo, anak, huwag mo muna isipin yung trabaho. Isipin mo munang gumaling ka.'”

Alam naman daw kasi ni Aster na may sakit na liver cirrhosis si John, sanhi ng long-term damage sa atay nito.

Continue reading below ↓

May sakit din si John na gout o uri ng rayuma, na nagpapahirap sa aktor na kumilos kapag inatake ito ng malubhang pananakit ng tuhod.

Mapapansin din daw ang "slurred speech" ni John dahil sa "heart problem" nito.

Sa madaling salita, nahahabag daw si Aster sa kalagayan ni John.

CASH DONATION FROM COCO MARTIN

Kaya noong Abril—o apat na buwan bago na-confine sa ospital si John—may una nang hiningan si Aster ng tulong pampinansiyal para kay John.

Nagbanggit si Aster sa PEP.ph ng ilang mga pangalan ng artista, pero ang una raw na tumugon sa kanya ay si Coco Martin.

Lahad ni Aster: "Nakipag-coordinate ako kay Biboy Arboleda, sa manager ni Coco.

"Dun sa mga tinawagan ko, si Coco kaagad ang nag-respond. He immediately responded at nagpadala ng PHP20,000.

"Hindi ko naman kailangan ipagyabang 'yan, when you're helping someone.

"In-acknowledge ko lang yung kay Coco because that's my only way of repaying him, nagpasalamat ako para kay John."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

THE FUNDRAISING EFFORTS

Hanggang sa nitong July 27, 2020, nag-viral ang mga litrato ni John na napabalitang inabutan ng pagkahilo at pagkagutom sa Pasay City.

Sa puntong ito raw aksidenteng nabuo ang grupo nina Aster, Nadia Montenegro, at Chuckie Dreyfus.

Boluntaryo silang nagdesisyong gumawa ng fundraiser para tulungang maipagamot si John.

Ang mag-asawang Chuckie at Aileen ang bumuo ng page sa crowfunding site na Gava Gives.

Sina Nadia at Aster naman ang nagbukas ng joint bank account para doon ipadala ng donors ang kanilang pinansiyal na tulong kay John.

Ang grupo nila ang nag-asikaso nang atakehin ng matinding pananakit ng tuhod si John dahil sa gout nito.

Na-confine si John sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City noong August 4 hanggang August 13.

Noong August 29, naiulat sa PEP.ph ang naunang paliwanag nina Nadia at Chuckie sa breakdown ng cash donations at expenses.

Tugma ito sa paliwanag ni Aster nitong August 30 sa PEP.ph.

Continue reading below ↓

Ang total amount ng cash donations na nalikom ng grupo ay PHP290,144.30.

Ang total amount ng gastos para sa hospital bill, supply ng gamot, at groceries ni John ay umabot ng PHP174,993.10.

May natirang pera na PHP115,151.20.

ASTER CALLS OUT JOHN FOR BEING "SINUNGALING"

Kaya ganoon na lang daw ang gulat ni Aster nang ireklamo ni John sila nina Nadia at Chuckie sa online show na Raffy Tulfo In Action noong August 25.

Nagbitiw ng salita si John na wala raw siyang pinakinabangan sa cash donations na nilikom ng tatlo.

Hindi rin daw naniniwala si John na PHP290,144.30 lang ang perang nalikom kundi higit pa.

Hinahanap din ni John kung saan daw napunta ang donasyon ng mga kapwa-artista tulad nina Vic Sotto at Senator Bong Revilla.

Dahil sa hayagang pagdududa ni John, lumabas ang isyu ng pera sangkot sina Nadia, Chuckie, at Aster.

Sa panayam ng PEP.ph, binigyang-linaw ni Aster na na-turnover nila nina Nadia at Chuckie ang natirang pera, matapos nilang bayaran ang gastos ni John sa ospital, gamot, at groceries.

Continue reading below ↓

Patunay na natanggap ni John ang pera ay ang bank certification at deposit slip na ipinadala raw ng grupo sa action star.

Sabi ni Aster: "That entire amount, PHP115,151.20, was deposited in his account sa Metro Bank.

"'Tapos sasabihin niya, 'ni isang kusing na pera' wala siyang nakuha?

"Dun pa lang, sobra na siyang sinungaling."

CASH DONATIONS FROM VIC, BONG, AND RICHARD

Pinapalabas daw ni John na may iba pang perang nalikom ang grupo na hindi na-turnover sa action star.

Depensa ni Aster, may mga cash donations na direktang si John ang tumanggap.

Alam daw ito ni Aster dahil naging daan ang kanyang panawagan sa Facebook para magbigay ng tulong kay John ang ibang kakilalang artista.

Tumugon daw sina Vic Sotto at Senator Bong Revilla.

Ang ginawa raw ni Aster ay ibinigay niya ang personal bank account details ni John kina Vic at Bong, at direktang nagpadala raw ang mga ito kay John ng kanilang tulong.

Continue reading below ↓

Kaya ani Aster, kasinungalingan ang palabas ni John na hindi nito alam kung saan napunta ang perang bigay nina Vic at Bong.

Lahad pa ni Aster sa PEP.ph, may isang pagkakataong nagkausap sila ni John sa telepono.

Si John pa raw ang nagsabing may natanggap itong pera mula naman kay Ormoc City Mayor Richard "Goma" Gomez.

Lahad ni Aster: "'Tapos si Mayor Goma, nagpadala sa kanya. Si John pa mismo ang kumuha.

"Nalaman ko lang 'yan kasi si John nagkuwento sa akin. Nagbigay daw ng PHP10,000 si Goma.

"Because I wouldn't know kung anuman amount na binigay sa kanya.

"I wouldn't know kasi wala naman kaming personal access sa bank account niya."

Tugma ito sa sinabi ni Nadia sa hiwalay na panayam ng PEP.ph noong August 27.

Tumawag daw si Richard kay Nadia para sabihing nakita nito ang viral photos ni John, at nais daw nitong mag-abot ng tulong kay John.

Continue reading below ↓

Sinabi pa raw ni Richard kay Nadia na nakausap na nito sa telepono si John.

ON SPENDING THE CASH DONATIONS WISELY

Inalmahan din ni Aster ang palabas umano ni John na waring nanghihinayang ito sa malaking ginastos sa pagpa-ospital nito.

Sa online show ni Tulfo noong August 25, isa sa mga sentimyento ni John ay hindi raw niya kailangan ang anim na doktor na tumingin sa kanya sa NKTI.

Mas nakatipid daw sana kung sa "ortho" na lang siya ipinagamot.

Balik-sagot ni Aster, "Anong sinabi niya? Isang doktor lang daw kailangan niya. Hindi pa raw siya gagastos.

"Why worry about the expenses? Kami naman ang nag-iisip. Kami naman ang namamalimos. Kami ang namalimos for him."

Nanindigan si Aster na naging transparent at responsable sila nina Nadia at Chuckie sa paggasta ng nalikom na cash donations para kay John.

"'Tapos sasabihin mo, wala kang pinakinabangan ni isang kusing? Because, he wanted to get the money from us.

Continue reading below ↓

"Kung halimbawa lang idinirekta namin sa kanya lahat sa personal account, do you think we can manage to bring him to the hospital and buy his personal needs?

"Come on. Walang katuturan."

Diin pa ni Aster, "We were taking good care of his money, na nalikom namin sa pamamalimos namin, na para sa kanya, hindi para sa amin."

other EFFORTS OF THE GROUP TO HELP JOHN

Ayon pa kay Aster, hindi biro ang hirap nila nina Nadia at Chuckie para tulungan si John.

Sa koordinasyon pa lang ng paglikom ng pera at pag-asikaso sa mga kailangan ni John nang maospital ito ng siyam na araw ay nauubos na raw ang oras nila.

Si Aster na tiga-Cainta, Rizal, ay nagmaneho patungo sa bahay ni dating Senador Jinggoy Estrada sa San Juan para personal na kunin ang PHP30,000 na donasyon nito para kay John.

"Imagine, senior citizen na ako, 'tapos at the same time, lalabas ako para pickup-in yung pera and immediately deposited sa joint account namin ni Nadia."

Continue reading below ↓

Kanya-kanya raw sila ng assignment nina Nadia at Chuckie.

Si Nadia ang tagabili ng gamot at groceries na kailangan ni John, habang ang mag-asawang Chuckie at Aileen ang tagapagtabi ng listahan ng donations at expenses nila.

Tugma ang pahayag nina Aster, Nadia, at Chuckie na may mga pagkakataong nagkakapikunan na sila, dahil hindi maiwasang maging stressful ang kanilang koordinasyon at errands.

"Yung pobreng si Nadia, nagpapadala ng pagkain. Siguro sa loob-loob niya, ako puro utos. They have to implement.

"In fairness kay Chuckie, siya namahala ng crowdfunding namin. Silang mag-asawa, si Chuckie and si Aileen.

"Pagdating sa pag-a-update sa progress ni John, si Chuckie yun. May kanya-kanya kaming ginampanan."

ON JOHN'S EX-WIFE EXTENDING FINANCIAL HELP

Si Aster daw ang gumawa ng paraan para mapagbigyan ang hiling ni John na makausap ang biological son nitong si John Paul Kieffer.

Si John Paul ay anak ni John sa ex-wife na si Aurina Alvarez Manansala-Hunt, na nakabase sa Arizona, U.S.A.

Continue reading below ↓

Noong August 11, naiulat sa PEP.ph ang madamdaming virtual reunion ng mag-ama.

Pero ayon kay Aster, naging regular ang pag-uusap nila ni Aurina, dahil tumugon ito sa kanyang panawagang bigyan ng moral support si John, na hindi maganda ang lagay ng kalusugan.

Si Aurina raw ang nagrekomenda sa bagong caregiver ni John na si Bem Torres para umalalay kay John.

"That's the reason why si Bem na-involve. Sabi ni Aurina, 'Tita, ang dati kong yaya, I can let her help John."

Ayon kay Aster, si Bem ang nag-abot kay John ng ipinadala ni Aurina na 500 U.S. dollars noong Hulyo.

Si Bem din ang kumuha sa money-transfer shop ng 1,000 U.S. dollars (PHP47,600) na ipinadala ni Aurina para pandagdag sa hospital bill ni John noong August 13.

Namasukan daw si Bem na tagapag-alaga ni John nito lang naospital ang aktor sa NKTI.

LESSON LEARNED

Kaya masama raw ang loob ni Aster na ginawan pa umano ni John ng isyu ang boluntaryong pagtulong nila nina Nadia at Chuckie rito.

Continue reading below ↓

"Nasasaktan ako, even my family, and even my friends.

"Yung mga kaibigan natin sa industry, ang sabi nga nila, 'Ikaw talaga, wala kang kadala-dala.'

"Ako pa nasisisi kasi they know yung history.

"Pero hindi naman ako ang lumalapit. Ako ang tinatawagan. Ako hinihingahan niya ng problema. Ano'ng gagawin ko?

"In my own little way, I was trying to help him in good faith."

Hindi raw matanggap ni Aster na mapagbintangang pinag-interesan nila nina Chuckie at Nadia ang perang nalikom para kay John.

Higit kalahati ng kanyang buhay ay nasa show business na raw siya, at masasabi raw niyang hindi siya nasangkot sa isyung may kinalaman sa pera.

Dagdag ni Aster, "Ayoko magmayabang... Dyusko, pagkakainteresan mo yung ganoon kaliit na halaga? Na kung tutuusin, magkano lang yun?"

Kung tutuusin, plano pa sana raw nina Aster, Nadia, at Chuckie na gawan ng paraan na siguruhing ang nalikom nilang pera ay makakatulong kay John, hindi lang sa hospital expenses kundi pati sa monthly expenses nito.

Continue reading below ↓

May mga kinausap pa raw silang mga tao para, sa susunod na mangailangan si John, makatulong ang mga ito.

AID FOR JOHN DONE IN "GOOD FAITH"

Pero suko na ang tatlo kay John.

"If you're in good faith helping someone, wala kang iniisip na kapalit.

"Maybe a simple thank you. Pero wala naman kaming hinihingi na bayaran kami balang araw.

"Kaya masakit."

Nanghinayang ba si Aster sa pagtulong niya kay John?

Sagot niya, "No regret. Ang pinanghihinayang ko lang, gusto lang namin siya gumaling, matulungan.

"Pero mahirap tumulong sa isang taong ayaw tulungan ang sarili. We can only do so much."

Matalinhagang pagtatapos ni Aster, "Siguro quiet siya ngayon dahil may pera siya at nabibili niya kung ano ang gusto niya.

"Kaya siya nagmamadali lumabas dahil hindi niya magawa yung gusto niya sa ospital."

Bukas ang PEP.ph sa panig ni John Regala kaugnay ng mga pahayag ni Aster Amoyo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Showbiz columnist and talent manager Aster Amoyo (checkered top) speaking about actor John Regal's money questions: "Kami ang namalimos for him... 'Tapos sasabihin mo wala kang pinakinabangan ni isang kusing?"
PHOTO/S: Liza Diño-Seguerra / Aster Amoyo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results