Karen Davila no plans of transferring to another network

by Arniel C. Serato
Sep 12, 2020
Karen Davila to netizens on ABS-CBN news personalities transferring to other networks: "Please let us not think badly of anyone who has transferred. We all need to work and grow professionally. Kailangan po natin lahat na magtrabaho."
PHOTO/S: Courtesy: @iamkarendavila on Instagram

Nananatiling loyal ang beteranang broadcaster na si Karen Davila sa Kapamilya network.

Nagkakaroon ng rigodon at lipatan ng mga news personalities sa ABS-CBN at ang radio arm nitong DZMM matapos ibasura ng Kongreso ang aplikasyon ng ABS-CBN Corporation ng kanilang prangkisa noong July 10, 2020.

Ngunit si Karen ay tila walang balak lumipat. Dalawampung taon na sa ABS-CBN ang mamahayag.

Sa post ni Karen noong nakaraang Martes, September 8, sinabi niyang hindi tayo nakasisiguro sa ating kinabukasan.

Sinamahan niya ito ng larawan niya sa lobby ng ABS-CBN.

Buong caption niya: “I don’t know what the future may hold, but I know who holds my future. Mornings in the studio for #ANCHeadstart. Always something to be grateful for.”

Continue reading below ↓

Sa comments section, nagpasalamat ang isang netizen sa pagiging loyal niya sa ABS-CBN.

Saad nito, “Thank you ms karen for being a Solid Kapamilya.. di niyo po naisipan lumipat sa ibang istasyon..”

Tugon niya, meron pa naman daw kasi siyang trabaho sa cable channel ng network, ang ANC o ABS-CBN News Channel, ang Headstart.

Nakiusap din siya na huwag husgahan ang mga lumipat na sa ibang istasyon dahil kailangan daw nilang maghanapbuhay.

Bilog naman daw ang mundo at sigurado siyang magkikita-kita din sila sa tamang panahon.

Kabuuan ng sinabi ni Karen: “May trabaho pa naman po ako sa Headstart. But please let us not think badly of anyone who has transferred.

“We all need to work and grow professionally. Kailangan po natin lahat na magtrabaho.

"Bilog ang mundo, pagdating ng tamang panahon, magkikita-kita rin lahat."

ABS-CBN NEWS PERSONALITIES WHO TRANSFERRED


Ngayong araw lamang, September 11, pumirma na ng kontrata si Ted Failon sa TV5 para sa kaniyang programa sa Radyo Singko 92.3 News FM.

Continue reading below ↓

Nagkasama rati sa TV Patrol World sina Karen at Ted.

Nagsimula na rin sa kanyang programa sa DWIZ ang dating katandem ni Karen na si Vic Lima sa Pasada Sais Trenta ng DZMM.

Nauna na rito, lumipat na sa DZRH ang dalawang batikang komentarista ng DZMM na sina Anthony Taberna at Gerry Baja.

May balita namang may negosasyon na sa pagitan ni Korina Sanchez at ng TV5 para sa maaring paglipat nito sa Kapatid network.

Samantala, binawi na ng National Telecommunications Commission kahapon, September 10 ang lahat ng free-to-air TV, radio, at digital television frequencies ng ABS-CBN sa buong Pilipinas.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karen Davila to netizens on ABS-CBN news personalities transferring to other networks: "Please let us not think badly of anyone who has transferred. We all need to work and grow professionally. Kailangan po natin lahat na magtrabaho."
PHOTO/S: Courtesy: @iamkarendavila on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results