Netizen mentions "Agot" in comment to Dawn Zulueta's post riding a Brompton bike

by Arniel C. Serato
Sep 15, 2020
Dawn Zulueta: "Nothing compares to the simple pleasure of a bike ride."
PHOTO/S: Courtesy: @dawnzulueta on Instagram

Idinaan sa biro ni Dawn Zulueta ang komento ng isang netizen ukol sa kanyang bisikleta.

Sa Instagram noong Linggo, September 13, nag-post si Dawn ng tatlong larawan niya habang nagbibisikleta sa kanilang lugar.

Sabi niya sa caption, “Quarantine Life-behind-bars: Nothing compares to the simple pleasure of a bike ride.

“Especially when coupled with old-fashioned things like early morning fresh air and sunshine.

“Happy weekend! #quarantinelife #stayfit #rideyourbike #brompton #bicycle #bromptonbicycle #foldingbike #favoritethings

Continue reading below ↓

Base sa ginamit niyang hashtags, ang bisikletang gamit ni Dawn ay isang foldable bike na gawa ng London-based company na Brompton Bicycle.

Ayon sa ebay, isang online selling website, ang isang Brompton bike ay nagkakahalaga mula P50K hanggang lagpas P250K.

May isang follower si Dawn na pabirong nagbiro tungkol sa “sensitivity.”

Sabi nito, "konting sensitivity naman poe maam dawn. Hindi lahat po ay nakakalabas ng bahay at hindi lahat tayo ay may ganyang kagandang kutis, kapag nakita po yan ni Agot, naku po.”

Natatawa pang dagdag nito, “hahahaaa char ganito pala feeling ng basher mo mama, nakakakilabot.”

Tumugon naman dito ang 51-year-old actress.

Sabi niya, “ang killjoy di ba?”

Dagdag pa ni Dawn, ”pero wag na natin isama si Agot sa usapan. Natawa lang ako sa ‘basher' mode.”

Continue reading below ↓

"AGOT?"

Hindi nilagyan ng apelyido ng netizen ang “Agot” na tinutukoy niya.

Ngunit malaki ang posibilidad na ang tinutukoy ng netizen ay ang actress-singer na si Agot Isidro.

Nitong nakaraang Hulyo ay nasangkot sa kontrobersiya si Agot dahil sa “insensivity” comment niya sa post ni Jinkee Pacquiao.

Ito ay bilang reaksiyon kay Jinkee na nag-post ng kanilang mamahaling bisikleta mula naman sa Hermes at Louis Vuitton.

Sabi ni Agot ukol sa post ni Jinkee, “Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam.

“Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya.

“Puede ba, konting sensitivity man lang?”

Hindi sumagot si Jinkee sa pasaring ni Agot, pero nag-react dito ang business manager ng Pacquiao family na si Arnold L. Vegafria.

Bahagi ng post ni Arnold sa Facebook noon ding July 9: “What’s your issue, Agot?

Continue reading below ↓

“What Jinkee posts on her Instagram page is not for us to judge.

“What she does with her family’s hard-earned money is none of our business, because such bountiful blessings are just the fruit of her husband’s esteemed legacy as an iconic Filipino boxing legend and businessman, and are not stained in any way by graft or corruption.”

Sumagot uli si Agot dito.

Punto niya, marami ang hirap sa buhay sa ngayon, kaya hindi na dapat i-post sa social media ang mga mamahaling bagay bilang pakikisimpatiya sa iba.

Aniya, “sinabi ko naman na wala akong pakialam kung saan ginastos ang kaperahan.

“i'm sure marami na rin ang natulungan.

“ang sa akin lang, kailangan ba namin makita yan, sa gitna nang paghihirap na dinaranas ng nakararami?”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dawn Zulueta: "Nothing compares to the simple pleasure of a bike ride."
PHOTO/S: Courtesy: @dawnzulueta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results