Korina Sanchez officially bids goodbye to ABS-CBN: “Hanggang sa muling pagkikita.”

by Arniel C. Serato
Sep 17, 2020
Korina Sanchez: "My experiences, my knowledge, my exposure, my life grew with the network through more than 30 years working with the men and women who are ABSCBN."
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram

Pormal nang nagpaalam sa ABS-CBN si Korina Sanchez.

Sa kanyang Instagram post kagabi, September 16, inihayag ni Korina ang kanyang pangungulila sa nagsarang network.

Literal na sa ABS-CBN umikot ang malaking bahagi ng buhay at karera ni Korina sa loob ng 33 taon.

Pero natigil ito dahil sa pagpapasara ng National Telecommunications Commision (NTC) at sa hindi pagbibigay ng Kongreso ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN.

Ang mga hakbang na ito ng NTC at Kongreso, na parehong naiimpluwensiyahan ng kasalukuyang pamahalaan, ay alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bunsod ng kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN, libu-libong talents at empleyado ang kinailangang pakawalan. Isa si Korina sa mga na-retrench na talent ng network.

Panimula ni Korina sa kanyang mensahe, “Wherever I am now and wherever I'll be, I am and will always be, hugely, a product of ABSCBN.”

Pagbabalik-tanaw pa ng 55-year-old broadcaster, “From 23 years old (practically just graduated from school) to just very recently, I was one of those very first on-air when the dictatorship toppled, democracy was restored and the network reopened in 1987.

Continue reading below ↓

“And till the day it shut down in 2020 I was still frontlining.”

Naikot daw niya ang ilang bahagi ng mundo at nakakilala ng iba’t ibang tao dahil sa kanyang trabaho sa broadcast giant.

Saad niya, “So many parts of the world I traveled, so many people I met and learned from, so many stories I was entrusted to tell, so many battles and even more memorable victories, so many opportunities to be of service to others—because of ABSCBN.

“My experiences, my knowledge, my exposure, my life grew with the network through more than 30 years working with the men and women who are ABSCBN.

“The Lopez Family and all my superiors from then till now had given me all the space to grow, contribute, make mistakes and then grow more.”

“HANGGANG SA MULING PAGKIKITA”

Inamin din ni Korina na sa loob ng mahigit tatlumpong taon ay hindi maiiwasang may mga away-bating eksena sa kanilang trabaho.

Lahad niya, “Napakaraming kwento, napakaraming eksena, away-bati, tampuhan, pagmamahalan, iyakan, sagarang trabahong walang tulugan, mga tawag sa principal’s office, mga medalyang sinabit sa leeg ko, mga litrato, mga video, mga programa...

Continue reading below ↓

"Napakaraming mga hindi na maikukuwentong censored na episode...”

Hindi raw niya inaasahang sa isang iglap ay nawala ang mga eksenang ito sa kanyang buhay.

Aniya, “Ito na ang naging buhay ko at ni sa hinagap di ko naisip na biglang mawawala. Sa ngayon.”

Pero kahit ano man daw ang mangyayari, hindi niya makakalimutan ang ABS-CBN.

Hindi rin daw sapat ang salitang “salamat” upang ipakita kung gaano kalaki ang utang na loob niya sa kumpanya.

“Pero never mawawala sa puso at isip ko ang ABSCBN. Hindi na ako magpapasalamat kasi kulang na kulang ang salitang 'salamat' sa pagkakataong ito.”

Sa huli, sinabi ni Korina na hindi naman daw ito tuwirang pamamaalam.

“Ganito nalang: hanggang sa muling pagkikita,” sabi niya.

Continue reading below ↓

Ilan sa mga naging programa ni Korina sa ABS-CBN ay ang Hoy Gising! (1992-1997), Balitang K (1996-2001), Bandila (2006-2009), The World Tonight (1987-1995), TV Patrol (1995-1996, 2001-2004, 2010-2015), Morning Girls with Kris and Korina (2003-2004), at Rated K (2004-2020).

Sa kanyang pag-alis sa ABS-CBN ay nakahanap ng bagong tahanan si Korina sa TV5.

Malapit nang mapanood sa TV5 ang Rated Korina na ipoprodyus ng Brightlight Productions, isang entertainment company na pag-aari ni dating Congressman Albee Benitez.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez: "My experiences, my knowledge, my exposure, my life grew with the network through more than 30 years working with the men and women who are ABSCBN."
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results