Ellen Adarna hits back at basher who called her "laagan"

by Arniel C. Serato
Sep 28, 2020
Ellen Adarna to basher: "First, this is my life and 2nd ma dalaga or not, people need a break."
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram

Ini-enjoy ni Ellen Adarna ang kanyang pagiging single ngayon sa pamamagitan ng pag-eehersisyo at pamamasyal sa magagandang tourist spots sa Cebu.

Noong Biyernes, September 25, nag-stretching si Ellen, kasama ang mga pinsan niyang sina Mia at Mika Adarna, sa pagmamay-ari ng kanilang pamilya na Temple of Lea sa Cebu.

Kinabukasan, Sabado, September 26, nagpunta naman si Ellen sa isang tagong ilog sa kabundukan kung saan siya naligo.

Continue reading below ↓

Caption ni Ellen sa in-upload niyang video, “Me x10.”

Sa comments section, isang basher ang pumuna sa pagiging "laagan" o lakwatsera umano ng sexy star.

Komento ng basher sa wikang Tagalog at Bisaya, “Dalaga ghorl? Ka laagan ba?” [“Dalaga ghorl? Ang lakwatsera naman.”]

Hindi naman pinalampas ni Ellen ang komentong ito.

Continue reading below ↓

Halatang naasar ang 32-year old Cebuana actress dahil dalawang beses niyang sinagot ang netizen pero pareho lamang ang mensahe.

Tugon ni Ellen sa wikang Bisaya: “Nanu man ghorl na mura ug boy na mura ug “ghorl” (wako kasabot unsaon ka ug address kai naglibog kog babaye baka or laki).

["Bakit naman ghorl na parang boy na parang ghorl (hindi ko maintindihan kung paano kita tatawagin dahil nalilito ako kung babae ka or lalaki.]

“First, this is my life and 2nd ma dalaga or not, people need a break.

“Ayaw kaayo ipa claro imong ka ignorante ghorl na murag boy… ngil-ad.”

["Huwag mong ipakita ang inyong pagiging ignorante ghorl na parang boy… pangit."]

Continue reading below ↓

Hindi na sumagot ang basher sa komento ni Ellen.

THE BREAKUP

Lagpas isang taon nang hiwalay si Ellen at ang dati nitong partner na si John Lloyd Cruz.

August 2019, inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balita ng kanilang hiwalayan.

Mayroon silang isang anak, si Elias Modesto, na dalawang taong gulang na ngayon.

Ayon sa isang PEP.ph source, "co-parenting" na lang estado nila ngayon.

Huling nagsama sina Ellen at John Lloyd sa isang video na humihikayat sa mga Cebuano na makipagtulungan sa gobyerno upang hindi na kumalat pa ang COVID-19 virus.

Sa ngayon, may lumulutang na balitang baka magbalik-showbiz si John Lloyd sa pamamagitan ng isang proyekto para sa TV5.

October 2017 nang mag-indefinite leave ang aktor sa showbiz.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Also, you can use these Zalora promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna to basher: "First, this is my life and 2nd ma dalaga or not, people need a break."
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results