Angillyn Gorens cries foul after netizens accused her, Buboy Villar of being "bad parents"

by Arniel C. Serato
Oct 6, 2020
Angillyn Gorens: "People be saying me and Buboy Villar are bad parents because we broke up? Really guys???? That makes zero sense!”
PHOTO/S: Courtesy: @buboyvillar on Instagram

Ikinadismaya ni Angillyn Gorens ang mga komento ng netizens laban sa kanya at sa ex-boyfriend na si Buboy Villar matapos malantad ang kanilang hiwalayan sa publiko kahapon, October 5.

Sa kanyang Facebook nitong Martes ng umaga, October 6, nag-post ng hinaing niya si Angillyn.

Parang ang laki daw ng kasalanan niya dahil sa hiwalayan nila ng dating child actor.

Makahulugan niyang tanong: “Why do I feel like I owe the Philippines an apology for my break up?”

Continue reading below ↓

Nagkomento naman dito si Buboy.

Sabi ng Kapuso actor, “Wag ka mag alala… at least alam natin ang totoo.”

Tugon ni Angillyn kay Buboy, “Too much na sila. Bad parents na daw tayo porket nag hiwalay.”

Pabirong tugon naman ni Buboy, “Hindi ako palaging mabait ah. Alam mo yun hahahaha pero sa mga anak natin surrender ako.”

Continue reading below ↓

Base sa palitan nila ng mensahe, malinaw na nananatiling magkasundo ang dalawa sa kabila ng kanilang hiwalayan.

Pinatotohanan ito ni Angillyn sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon.

Aniya, "mutual decision" ang paghihiwalay nila. Ibig sabihin, napagkasunduan nila ito nang maayos.

Co-parenting din daw sila sa kanilang dalawang anak na sina Vlanz Karollyn, 3, at George Michael, 1.

Continue reading below ↓

“THAT MAKES ZERO SENSE”

Inalamahan din ni Angillyn ang pagtawag ng netizens sa kanila ni Buboy na “bad parents."

Sabi niya, “People be saying me and Buboy Villar are bad parents because we broke up?

“Really guys???? That makes zero sense!”

Sinabi ni Angillyn sa panayam ng PEP.ph kahapon na kayod-kalabaw siya ngayon sa Amerika para makaipon ng pera para sa mga pangangailangan ng kanilang dalawang anak.

Continue reading below ↓

Mag-aaral na raw kasi ang kanilang panganay.

Si Buboy naman ay nakatutok sa paggawa ng content para sa kanyang vlogs habang wala pang ginagawang TV project.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angillyn Gorens: "People be saying me and Buboy Villar are bad parents because we broke up? Really guys???? That makes zero sense!”
PHOTO/S: Courtesy: @buboyvillar on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results